CHAPTER 96 “Sige, magpapakasal kami ni Paul ngunit huwag na huwag mong sasaktan si Rhon. Huwag mo na siyang idamay pa rito dahil wala labas siya sa kahit anong usapan natin. Yung tungkol naman sa pagpatay kay Paul, hayaan mong manganak na muna ako. Saka na natin ito pag-uusapan kapag ikinasal na kami at nagsasama. Sa ngayon, please. Huwag mo muna akong guguluhin.” “Yown! Sa wakas, bumalik ka na sa dating Rizza na nakausap ko noon. Sige. Usapan ‘yan ha? Tulad ng sinabi ko sa’yo, Rizza. Hindi mo ako kayang banggain. Hindi ikaw ang siyang sisira sa lahat ng plano ko.” Pinatay ko ang cellphone. Pinunasan ko ang luha ko. Sumunod ako sa loob ng hospital kung nasaan si Paul. Hindi ko gusto ang ginagawa kong ito ngunit tanggapin ko na lang na para na lang talaga akong robot. Kung inaalala ko la

