KABANATA 44 Dungeon [ECHO’s POINT OF VIEW] HINDI KO alam kung anong sadya ng Dark Alkirvia at sumugod sila. Are they really trying to declare war? At nasunog pa ang office ni Sir Etienne, wala rin siya roon. Mahigit isang daan din siguro ang mga Dark Alkirvia na naririto ngunit mahihina lang sila. Nagpalabas ako ng Earth Fox at pinaatake sa tatlong Alkirvia. Marunong silang lumaban, but they're not that good. Gusto ko na matapos agad ito kaya naman gumawa ako ng shockwave. And of course, they don't know how to avoid it. "Witch, try to use your telepathy. Kausapin mo si Azriel," Mabilis na sabi ko kay Dara na nasa tabi ko at nakikipaglaban din. Mabilis siyang manghina dahil sa paggamit ng kaniyang staff or wand, kaya naman pag gan'on ay lagi siyang may nakatago na healing candy.

