KABANATA 43 Mystery [THIRD PERSON’s POV] MABILIS ANG takbo ng kabayo na sinasakyan ni Azriel at ng kaniyang ama na si Terrence Guevarra. Kasama rin nila ang ilan sa mga Knights ng Ezea para magtungo sa Ezea High. Nalalapit na sila sa lugar ng mahagip ng mga matatalas na mata ni Azriel ang ilang bulto ng katawan ng mga tao. Mabilis siyang napatigil sa gitna ng kakahuyan na ikinatigil at ipinagtaka rin ng kaniyang ama. "What are you doing? Let's go," Madiin na sabi sakaniya ni Mr. Guevarra. Mabilis na nilingon niya ang ama at nagsalita, "Go first, may aasikasuhin lang ako." "What? Pero---Azriel!" Hindi na niya pinatapos ito magsalita at mabilis na pinatakbo ang kabayo. Alam niyang pipigilan siya ng kaniyang ama at baka 'di na niya maabutan pa iyong bulto ng mga tao. May masama s

