KABANATA 42 Attack [THIRD PERSON’s POV] MABILIS NA tinungo nina Echo, Fauna, Dara at Cadell ang pinanggalingan ng sabog. Lahat sila ay nagulat at natigilan ng makitang sunog at sira ang office ni Sir Etienne. "Headmaster!" Sigaw ni Avery na kasama sina Chase at Kaiden. Pinasok nila ang opisina ni Sir Etienne ngunit hindi nila ito nakita roon. "He's not here," Usal ni Chase at napangiwi sa natamong sira ng opisina. Halos sunog lahat. Mabilis na nagsilapitan sina Echo sa kinaroroonan ng mga bata. "Avery!" Tawag ni Echo dito kung kaya't napalingon sakanila ang dalaga. Biglang umaliwalas ito at niyakap si Echo. "Ate Echo!" "What happened? Sino may gawa nito?" Seryosong tanong ni Fauna. Lahat ng estudyante sa labas ay nabigla at nabahala sa nangyari. "Hindi ko po alam," Umiiyak n

