KABANATA 41 Two words [ASTRA’s POINT OF VIEW] NANG MAHIMASMASAN si Astra mula sa pagkakagulat ay napatingin naman siya sa direksyon ng mga Lifars. Seryoso lang ang mukha ng hari at reyna habang ang dalawa nitong anak ay mukhang walang pakielam. Isang Alkirvia si Axel at nanggaling ito sa kulungan ng Lifarshia. Papaanong nakarating ito dito sa Ezea? At bakit parang wala lang sa Haring Meros na may Alkirvia sa kanilang harapan? Iyan lamang ang mga katanungan ni Astra sa kaniyang isipan. Ipinaliwanag ni Mr. Vergara ang tungkol kay Axel kaya tutok ang mga mata ni Astra sa harap. Kumunot naman ang noo ni Azriel at tiningnan ng masama ang lalaking katabi niya. Nakita niya ito kanina na kausap si Astra at nakita niya din na naghawak kamay ang dalawa kaya hindi niya maiwasang hindi mai

