KABANATA 40 An Alkirvia [THIRD PERSON’s POV] MATAPOS ANG paglusob ng mga Alkirvia sa Ezea High ay matagumpay nilang naisagawa ang kanilang plano. Matalinong napaghandaan ni Cyrus ang pagdating ng mga Elementalists, ngunit lingid sa kaalaman ng mga ito na ito ang naging susi para muling makalusob ang Alkirvia sa Ezea High. Sa kwarto kung saan namamalagi si Cyrus na may karatulang Prinsipe Frenniere ay pumasok ang isang babae suot ang isang pulang cloak. Tahimik lamang na nakatanaw si Cyrus sa labas ng bintana ng kwarto at hindi nilingon ang dumating. "Balita ko ay ibinigay mo ng gan'on gan'on lang ang crux pendant sa Elementalists," Panimula ng babae sa matigas na boses. "Hindi kita maintindihan, Cyrus! Ano pa'ng silbi at kinuha niyo ang crux pendant mula sa Ezea High kung ibabalik

