KABANATA 39 Mermaid’s mark TUMAAS ANG kilay ni Nate ng makita niyang magkahawak kamay kami ni Azriel, pero agad din siyang tumalikod at pumasok sa isang kainan. Mabilis kong hinila ang kamay ko kay Azriel pero ngumisi lamang siya at pumasok na rin sa loob. Nakakahiya kay Nate, baka isipin niya nagkakamabutihan kami ni Azriel. Baka magsumbong pa iyon kay Mr. Guevarra. "Pili ka lang ng pagkain, Astra," Ani Nate ng makapasok kami. Umuwang ang bibig ko at pinagmasdan ang paligid. Mukha siyang maliit sa labas pero malawak pala siya sa loob...at napakaganda pa! Engrandeng kainan nga. Ano pa bang inaasahan mo sa mga Ezean? Walang tao sa lugar at wala akong makitang nagbabantay o nagseserve ng pagkain. Marahil ay dahil sobrang aga pa kaya wala pang tao. Umupo kami sa isang lamesa na gawa

