KABANATA 25 The Lost Armies II NAGISING NALANG kami sa isang madilim na lugar. Ang kwartong ito ay napaliligiran ng mga kahoy at alikabok. Isang torch lamang ang nakapagbibigay ng liwanag sa'min. Hindi ko alam kung saan ito, pero nasisigurado 'kong nasa panganib kami. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari sa'kin nang ikulong ako ni Numeda sa kanyang kulungan. Ang kulungan na iyon ni Numeda ay nakapagbigay ng hina sa'kin, di tulad dito na isang normal na kwarto lamang. Gayunpaman ay di namin magawang tumakas dahil isang pwersa ang bumabalot sa aming mga kamay at paa. "Kamalasan! Kamalasan!" Sininghalan ni Echo ang katabi na si Cadell na walang kamalay-malay. Gulat siyang tiningnan ng binata ng maramdaman ang hampas ni Echo, "H-hoy! Bakit ako ang hinahampas mo?!" "Eh kasi, may balat k

