KABANATA 24 The Lost Armies I HINDI KO alam kung bakit nagka-gan'on. Hindi ko alam na kung bakit imbis na kulay berde ay naging pula ang air ball ni Cadell. Kagabi nang hating gabi ay hindi rin naman nagpahuli si Zed mula sa aking katawan. Muntikan na niyang atakihin si Dara, buti na lang at nandoon silang lahat upang bantayan ako. Nakagapos ang magkaparehong paa at kamay ko. Nakita ko ang nangyayari sa paligid pero hindi ko makontrol ito. Kontrolado ni Zed ang katawan ko. Kagaya ng dati ay napunta ako sa isang madilim na lugar at nakita ko ulit yung babaeng lumiliwanag ang mukha. Hindi ko alam kung bakit siya lagi nagpapakita sa'kin. Paulit-ulit niya lang sinasabi ang mga katagang "Alaala at Buhay." Minsan naiinis na rin ako kasi hindi ko siya maintindihan at kung bakit nagpapa

