kabanata 20

2248 Words
"Andra what happened!?" Halos sumigaw ito ng di ko makapag salita. Nanigas ang labi ko at di ko alam kung saan pupulot ng idadahilan. "S-si Primrose.." hindi ko mabigkas ang sasabihin ko dahil pinangunahan na ako nang pag-iyak. "Answer me properly. Asan si Primrose, Andra!"" Taas baba ng dibdib nito. "Primrose is.... our—" "Our Daughter! I've known that for ten years! Sampung taon akong nag tiis na hindi pakialam ang lahat ng sayo. Please tell me anong nangyari sa anak natin?" His voice cracked. Pakiramdam ko, ako ang nagulat sa lahat. Hindi ko alam na sa pagkain ng paghihiganti ko sa akin. Dalawa pala ang taong nag dudusa sa ginagawa ko. "O-our daughter needs a blood transfusion. N-ngayon ko lang nalaman na may sakit siya." Naiiyak na sabi ko. Napapikit siya at sinapo ng dalawang palad ang nuo. Segundo siya nanatiling ganun. Tila nanghihina ito. Ngunit kaagad rin pinulot ang sarili upang makabawing muli. Nang mahanap ko mga mata niya. His eyes were red and wet with tears. Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak. Ngayon ko lang siya nakita ganito. Ngunit nanatiling matigas ang ekspresyon niya. "I'm sorry..." Ako. "Sorry is not enough, Andra." Kinuha niya ang pulso ko at kaagad niya akong isinakay sa kotse. Suminghap ako ay pinaalis ang luha ko. "Which hospital was she admitted to?" Pilit na ikinakalma ang boses na tanong nito. "G-general Hospital." Sagot ko. Mabilis niyang minaniobra ang sasakyan. Ilang minuto ay nakarating kami sa Hospital. Kaagad siyang bumaba ruon. At mabilis akong sinalubong sa shotgun seat. Siya mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko. Ramdam ko ang galit niya sa akin ng kalagin niya iyon. Wala siyang binato na kahit anong emosyon sa aking ng pumasok kami sa loob. Nang makarating kami sa emergency room. Kaagad kaming sinalubong ng doctor ruon. Nag balik balik ang mata ng doctor sa aming dalawa. Dahil hindi nito malaman kung sino sa aming ang kakausapin. "Did she need a blood transfusion?" Tanong ni Persues sa Doctor. "Yes, Sir Calderon. Primrose needs to be transfused with type AB blood." "My blood is type AB. ako ang magiging donor ng anak ko." Si Perseus. At mabilis iginaya ng babaeng nurse ito sa loob. Pakiramdam ko sobrang bagal ng pag takbo ng oras. Ilang minutong wala si Perseus. Halos matawag ko na ang lahat ng santo. Para lang maisalba ang anak ko. Isinagawa kaagad ang pagsasalin ng dugo. Habang nakaupo ako sa emergency room. Walang tigil ang pagsisi ko at ang pag patak ng luha. Matapos ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung may muka pa akong ihaharap sa sarili kong anak at kay Perseus. Napatingin ako nang lumabas ang nurse dala ang mapanuksong ngiti sa labi. Kasama nito si Perseus. Ngunit tila ito walang Pakiramdam at walang pakialam sa buong paligid. Kahit pa ang apat na nurse ang nag assist sa kanya para sa dugo. Pinahiran ko ang luha ko. Napatingin ako sa braso nito. He has a gueza in his right arm. Nag iwas kaagad ako ng tingin at inihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha. At pahinga ng malalim. Naupo ito sa aking tabi. Naramdaman ko kaagad ang tensyon sa aming dalawa. “Keep the bandage on your arm for the next 4 hours, Sir.” Ang isang nurse na tumigil sa harap namin. “Alright, Thank you.” Si Persues. “If the bruising causes discomfort, cold compresses can help.” Segunda ng isa pa. Gusto kong umalis sa kinauupuan ko. Dahil hindi ko alam kung maiirita ako sa mga naririnig ko. Kaagad ako umamba tatayo. Ngunit nahawakan ni Perseus ang aking kamay. Kaya’t napatigil ako. Pati ang mga nurse na tila may gustong ipahiwatig sa kanya at nanlaki ang mata dahil sa ginawa niya. “Where are you going?” He said in a serious tone. Napatingin ako sa kanya. Puno ng pang uuyam ko siyang tinitigan. Hindi ko alam ang dapat na ibigay na reaksyon sa kanya. Dahil puno ng pag kainosente niya akong tinitigan. Ano ang dapat ikaso sa ganitong mga nurse, na oras ng trabaho ay walang kabuluhan ang ginagawa. Hindi ako umimik. Nanatili ako nakaupo. Habang ang mga nurse ay nag alisan narin. Pero rinig ko ang pangalan ni Perseus na pinag uusapan nila ng makalayo ang mga ito. “Are you tired?” “Tell me if you want to rest.” Aniya. “No I’m not.” Sagot ko at hinilot ang sintido. Napatingin ako sa cellphone kong nag riring. Ngunit hindi ko iyon inabalang sagutin. Tungkol iyon sa kaso. Pero mas dapat kong pagtuunan ng pansin ang anak ko na ngayon ay kinakailangan ako. “I’m really sorry.” “I’m really sorry for not telling you about this.” Paninimula ko. “Patawarin mo ako kung tinago ko sayo si Prim. Natakot ako nuon. I was afraid that others would judge her. Hindi ko iyon kaya. Hindi ko kayang madamay siya sa lahat ng ito.” “I was not a good Mother for her. Hindi ko sinabi sa kanya na ako ang Ina niya.” Nanatiling walang kibo si Perseus. Naupo siya sa upuan katabi ko ngunit ang mga mata ay tulala ay pinoproseso ang mga sinabi ko. Parang tinatarakan ng libo-libong punyal ang aking dibdib. Hindi ko alam kung gaano katindi ang sugat na inilatay ko sa kanya. “And you think I can forgive you of what you did?” Paos na sabi nito. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking kanang kamay. Kumabog ang dibdib ko. Napapikit ako ng maramdaman ko ang mainit ng palad sa akin. Pinag siklop niya ang aming kamay. Ngunit nanatiling hindi nakatingin sa akin. “Tiniis ko ang sampung taon para lang hindi ko masira ang plano mo. But I don’t blame you for that. Mas pinili ko ang lumayo kaysa makita kong hindi ka masaya sa akin.” “I don’t want to be a burden to you. While you are also trying to get up in your life.” “I’m really sorry. You are in constant pain over not being able to find justice that will set you free.” Aniya. Bumuhos ang luha ko sa sinabi niyang iyon. Nanginginig ang balikat ko dahil sa matinding pag iyak. Kung hindi ba ako naging matigas ay mangyayari ang lahat ng ito? Maabot ko parin ang ang hustisya, kung sa una pa lang ay nag tiwala na ako sa kanya? Naramdaman ko ang mainit niyang yakap sa akin. Halos humagulgol na ako sa mga bisig niya. Patuloy ang luha ko. Pakiramdam ko sa matagal kong pag lalakad at pag susumigaw sa madilim na parteng aking tinahak. Pakiramdam ko ay nakita ko na ang taong mag bibigay ng liwanag sa nag dilim kong mundo. “P-perseus.... Please don’t leave us..” halos magmakaawa sa kanya. Hindi ko masabi ng maayos ang nais kong sabihin. Dahil kinakain ng matinding pag hikbi ang mga salita. “Please... Huwag mo kaming iwan... Pakiusap!” Halos mahinang sabi ko. Humigpit ang yakap niya sa akin. Halos idiin ko ang sarili ko sa kanya. Sa takot na baka kumawala siya sa akin. “No, I’m not going to leave you.” “Kahit na itaboy mo ako ay hinding hindi ako aalis.” Humikbi ako. Sobrang kirot ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat ng ito kay Prim. Natatakot akong kamuhian niya ang katulad kong walang kwentang Ina. “Don’t cry, I won’t leave you. Stop worrying okay?” He said very gently. Nag taas ako ng tingin sa kanya. Pinunasan niya ang luhang dumadaloy sa aking pisngi. Na mas lalo kong kinahina. “S-si Primrose... Sigurado akong hindi niya ako mapapatawad.” Humikbing sabi ko sa pagitan ng pag haplos nito sa aking pisngi. “She’s smart, she eventually understand us.” He said. Tila ba kinokontrol niya ang emosyon niya. He cupped my chin with his fingers. “Please don’t cry, you’re hurting me Andra. I hate seeing you cry.” Aniya. At pinatakan ng halik ang aking nuo at niyakap. Inilabas si Primrose ng walang malay sa emergency room. Ang sabi ng doctor ay ayos na ito. Ang kinakailangan na lang ay observation para sa pagbaba at pagtaas ng platelets niya. Wala kaming naging imik dalawa ni Perseus, nang makapasok kami sa room kung saan, Ipinasok si Prim. Mahimbing ang tulog nito. Kaya’t ni wala saming nagtangkang mag salita, upang hindi magising ang natutulog naming anak. Nakaupo si Perseus sa tabi ni Primrose. Pakiramdam ko ay pinipigil lang nito ang sariling, hindi haplusin ang pisngi ng anak namin. Kita ko ang pag angat ng kamay niya at mabilis na pag bawi ruon. At madiing pag pikit niya. Lalong kumikirot ang puso ko kapag nakikita ko siyang ganun. He is a very brave man. Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan niya, ngunit nakasisiguro kong masalimuot at puno rin iyon ng lungkot. “Baby...” Malamyos na tawag ni Perseus kay Primrose, ng ibukas nito ng kaunti ang mata nito. Hinaplos ni Persues ang pisngi nito. Kita ko ang pag ngiti ni Primrose sa ginawang iyon ni Perseus. Kaagad akong napatayo sa hindi kalayuan. Upang malapitan si Prim. Ngunit natigalan ako ng tawagin niya si Perseus. “Daddy... I-i thought you would never come..” Nanghihina na sabi nito kay Perseus. “I was so scared... Natakot po ako..” si Primrose muli. Halos nanikip ang dibdib ko sa aking nakikita. Napuno ng luha ang mga mata ko. Halos di ko sila maaninag dalawa. “I will always come back to you... Hinding hindi ako mawawala. I’m really sorry, Your Dad has been busy the past few days.. I’m really sorry..” paulit ulit na paghingi ng tawad ni Perseus. Habang hawak nito ang walang lakas na palad ni Prim. “D-don’t go anymore! Please Daddy.. don’t leave me again!” Nakikiusap na sabi ng anak namin. Parang gripo ang luha ko. Ang marinig ang pag mamakaawa na huwag siyang iwan. Parang sinaksak ako ng milyong punyal. Dahil sa sakit na hindi ko maipaliwanag. Pinunasan ni Perseus ang luhang pumapatak kay Primrose. Halos ayaw bumitaw ni Primsose sa kanyang mga kamay. “I’m sorry.” He whispered. Kita ko ang pag lukot ng labi ni Primrose. Habang si Persues ay walang tigil sa pag haplos ng buhok na dumikit sa mapulang pisngi nito. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. I saw Primrose’s eyes shift to mine. Hindi ko alam kung paano ginawa ni Perseus ang lahat ng ito. Paanong di sinabi sa akin ni Primrose. Nakilala niya si Perseus. Gusto kong itanong ang lahat ng iyon. Ngunit ang titig sa akin ni Primsose ay tila may hinihintay siyang sabihin ko. “H-how are you? Ayos ka lang ba?” Tanong ko. Pilit kong tinatatagan ang boses ko. Naawa ako sa mga titig sa akin ni Primrose. Dun lang rin ako sinampal ng katotohanan. Alam ko na ang kahahantungan nito. Bago ko pa ginawa ang kasinungalingan na ito. Galit ako kay Perseus. Kaya’t hindi ko naisip ang magiging impact nito kay Primrose. “A-ayos naman po ako Mam...” Si Primrose. Napatingin sa akin si Perseus. He looked me in so much pain. Kinagat ko ang labi ko upang hindi humikbi. Pero ang balikat ko ay nanginginig dahil sa matinding pag pipigil. Perseus looked at me very deeply. Lumapit ako kay Primrose. Binigyan kami ng espasyo ni Perseus. Upang malapitan ko ang aking anak. “I’m so sorry. I haven’t visited you in a few weeks.” Paninimula ko. At inayos ang kaonting buhok nito sa pisngi. Pero nanatili ang asul na mata nitong nakatitig sa akin. Her innocent eyes were pleading. Nag iwas ako ng tingin. Nahanap naman kaagad yun ni Perseus. “Start packing your clothes now. Iuuwi ko si Primrose sa bahay natin.” “We live together on the same roof.” Aniya. “Perse—.” “If you want forgiveness. Come with us. Masyado bang mahirap sayo iyon?” Tanong nito. Umiling kaagad ako. Habang si Primrose ay nakatitig lang sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin sa sarili kong anak. “Primrose listen.” Ako. Ngunit walang naging imik ang anak namin. Kita ko ang pag balik niya ng titig kay Perseus. Si Perseus naman ay nabaling ng tingin sa akin. “I’m listening, Mam.” Magalang na sabi nito. Halos madurog ako ng paulit-ulit kapag naririnig ko ang katagang Mam. “Listen to your Mommy, baby.” Si Perseus. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niyang iyon. “She doesn’t want me to call her Mama. Daddy..” mahinag sabi ni Primrose kay Perseus. Para akong sinabuyan ng malamig na tubig sa sinabing iyon ni Primrose. Ang durog na ako ay mas nadurog pa ng matindi. “No!” Halos manginig sa sabi ko. “N-no... Gusto ko. Gustong gusto ko.” Nanginginig ang boses na sabi ko. “I-i... thought you didn’t like me... I’m not a good girl... Narinig ko po kayo nag uusap ni Teacher. You said I was your daughter..” aniya. Pilit na nilabanan ang pag hikbi. “Nag hintay po ako. I waited so hard....” Iginaya ako ni Perseus sa kinauupuan niya. Kinain ko ang distansya namin ni Prim. Kita ko ang pag tulo ng panibagong sariwang luha sa kanya. “I’m really sorry...” I whispered. Wala akong nasabi kundi ang humingi ng tawad. Alam niya na pala ito matagal na. Ngunit katulad ni Perseus. Mas pinili niyang iintindihin ang rason ko. Napaka makasarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD