Iwinaksi ko ang isip ko. Sa nabasa ko sa letter. Naubos na ang tiwala ko sa lahat. Ngayon ay kailangan ko ng kumilos upang matapos na ang lahat ng ito. Hawak ng Calderon ang aking Ina. Ang matibay na ebidensya na nais kong makuha ay nasa kamay ni Perseus.
“Mam, do you want some coffee?” Tanong ng assistant sa akin.
“No. You can leave. I’ll just wait here.” Ako. At inilagay ang spy recording sa ilalim ng coffee table.
Sa ilang minuto kong paghihintay ay naramdaman ko ang taong papasok mula sa main office kung nasaan ako. Tamad kong tiningnan ang glass door.
Ilang segundo ko ay iniluwa nun si David Lazaro. Kita ko ang salubong na kilay nito. At pagtaas ng kamay niya upang hindi makapasok ang assistant na nag assist sa aking kanina lang.
Hinubad nito ang suot na blue working attire at natira ruon ang kanyang white polo sleeve. Niluwagan nito ang necktie, tila nasasakal na.
“Ano ang rason ng pagdalaw mo rito Prosecutor Alvarez?” Aniya at naupo sa swivel chair nito.
Kaagad akong tumayo sa sofa kung saan ako nakaupo. Nag lakad ako patungo sa kanya. Nilagpasan ko siya ng kaonti upang tanawin ang malaking syudad ng Dela Rosa. Sa kanyang malaking fiber glass window.
“Hindi ba’t nakakapag taka na ang isang Prosecutor ay dadalaw ng walang dahilan. Sa ngayo’y tumatakbong gobernador ng bayan na ito?” Ako. Ngunit hindi ako nag bigay ng kahit anong tingin sa kanya.
“If the reason you came here is because of money, si Moris ang bahala sa lahat ng iyan.” Si David.
“Tingin mo ba ay mag sasayang ako ng oras sa katulad mo, kung pera lang ang nais kong ipunta dito?” Ako.
“Let’s be real Mr. David Lazaro. Nais kong makulong ang taong gumahasa sa magulang ko. Cassiopin Alvarez. Gusto kong pabagsakin nating dalawa si Zeus Calderon.”
“Ilang beses niya na akong tinangkang patayin. Nais kong tulungan mo ako at maging testigo ka.” Ako.
Tumawa ito ng pagka lakas lakas. Tila ba nag patawa lang ako sa kanya. Halos punasan nito ang luhang tumakas sa kanyang mata. Dahil sa matinding pag tawa.
“At bakit ko gagawin ang bagay na iyan? Zeus Calderon, is too strong to take down a scumbag like you.” Humahagalpak na tawa na sabi nito.
“Tinulungan mo siyang itago ang krimen na ginawa niya 30 years ago. Pinag takpan mo ang pag patay nang anak mo sa isang dalagang si Christine Romero. Pagbebenta ng mga sculpture sa mataas na halaga.”
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Ang kaninang pag tawa ay napalitan ng galit ay pagkabigla.
Nag lakad ako sa harap niya. Nakaupo pa rin ito at di makapa ang pagkabigla. Tinukod ko ang dalawang kamay ko sa office table niya. At matapang ko siyang tinitigan.
“Kung hindi gagawin ang gusto kong mangyari. Ilalabas lahat ng mabaho mo. Kakamuhian ka ng buong bayan. Matatalo at nakukulong. Pati ang anak mong mamatay tao ay makakasama mo sa kulungan. Madiin kong sabi.
Kaagad itong tumayo. Hinawi ang lahat ng papel na nakalagay sa kanyang harap.
“P*tangina ka! Walang hiya ka ipapatay kita hay*p ka!” Sigaw nito sa akin.
“Hindi ako mag mamakaawa sayo, para lang hingan ka lang tulong. Hindi ko gagawin yun.” Umiling ako.
“Bibigyan kita ng pagkakataon. Dalawang araw bago ang campaign. Kung di mo iyon gagawin babagsak lahat ng pinaghirapan mo. Lahat.” Madiin kong sabi.
“Dalawang araw para makapag isip. Kung napili mong kampihan ang satanas na iyon. Mag sasama kayo pareho sa impyerno.” Ako at tuluyang nilisan ang office nito. Rinig ko ang malakas na pag bagsak niya sa swivel chair. Ngunit di ko ibala ang sarili ko na tingnan pa siya.
Minando ko at sasakyan patungo sa Prosecutor Office. Pag pasok ko ruon ay sumalubong kaagad ang rookie na si Robert sa akin.
“Mam, bumaba na po ang warrant of arrest para ka Zeus Calderon.” Anito sa aking ng maupo ako sa swivel chair ko.
Naruon sina Norman, Robert, Sabel, at si Marco. Kaagad ako nag sagawa ng plano kung paano aarestuhin ang Calderon na iyon.
“Maghanda kayo. Ilalapag ko ang planong pag aresto.” Ako habang nakaupo ako sa aking upuan. Kaagad nilang itunoon ang pansin sa aking. Habang ang lahat ng CCTV sa Calderon’s Corporation at nakahanda na.
“Gaganapin ang Residential campaign sa bukas. Monday nais kong arestuhin natin si Zeus Calderon, makatapos niyang ilathala bilang tatakbong Governor si David Lazaro.”
“Pagkatapos nun ay gusto ko mag search and seizure kayo sa dalawa companies. Ang Lazaro’s Sculpture art at ang Calderon’s Corporation.”
“Hindi ba’t parang komlekado na tumestigo ang isang David Lazaro sa isang kaso?” si Sabel.
“Dahil tumatakbo itong Gobernador, mas pipiliin niya na di siya mabahiran ng kahit anong isyu tungkol sa ganitong kaso.” Ang rookie na si Robert.
“He will voluntarily enter the courtroom to testify.” Ako at pinag siklop ang dalawang kamay.
Sinisigurado kong ang sariling paa niya mismo, ang magdadala sa kanya sa silid hukuman. Hindi niya hahayaan maungkat lahat ng baho ng pamilya niya. Hindi niya hahayaang masira ang lahat ng plano nilang dalawa. Kaya’t nasisigurado kong mag kukusa siya sa lahat ng ito.
Mas nanaisin niyang salungatin si Zeus Calderon, kaysa makipag tulungan rito. Alam kong uhaw siya sa kapangyarihan. Dahil ang kalahati ng Lazaro’s Sculpture art gallery ay pag aari ni Zeus.
Gugustuhin niyang ilaglag iyon kaysa makipag tulungan. Dahil sa puntong ito ay alam niyang dehado na si Zeus.
Tinanaw ko ang paglubog ng araw. Matapos ang naging pagpupulong para sa gaganapin bukas. Nang makalabas ako sa office. Halos mag kulay kahel na ang araw.
Sumakay ako sa aking kotse. Nang tungo ako sa Daycare Centre. Dahil matagal ko na rin hindi binibisita si Primrose.
Napatingin ako sa aking cellphone na nasa itaas ng dashboard. Sakto iyon si Monina Regal. She was the one who managed that Daycare center. Siya ang tumulong sa aking para maitago ko si Primrose.
Tumunog iyon. Kaya’t nilagay ko ang earpiece sa aking tenga. Sakto ang pag tawag niya dahil patungo rin ako sa Daycare Centre.
“Hi this Armi Cruz. I am a nurse. May sakit po si Primsore. Now we are looking for her guardian. Para po maitungo na namin siya sa Hospital.” Bungad sa akin.
“W-what? Bakit anong nangyari sa anak ko?” Halos mautal na tanong ko.
“She has been sick for a week. Mam, isinailalim po namin siya sa mga test. Positive po siya sa dengue.” Anito sa kabilang linya.
Halos nanlalamig ako sa narinig ko. Mabilis kong pinatakbo ang kotse. Hahang ang luha ko ay walang tigil sa pag iyak. Masyado kong ibala ang sarili nitong mag daan buwan. Halos nawalan ako ng oras para sa kanya.
Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Sarili kong anak si Prim. Ngunit akong Ina niya ay walang magawa at wala sa tabi niya, sa gitna ng pag inda niya sa sakit.
Dapat ay ako ang nag aalaga sa kanya. Ngunit ibang tao ang gumagawa nun para sa kanya. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang matinding hikbi. Ngunit ang bibig ko mismo ang nag traydor sa akin.
“I-i am her guardian. Please admit her to the hospital immediately. P-paki inform sa akin kung saang Hospital siya idadala.” Ako. Pilit kong binuo ang boses ko.
“Mam, nakasakay na po kami ng ambulance. Mag tutungo po kami sa General hospital.” Anito.
“Y-yes, I’m going there too.” Ako at naputol ang tawag.
Mabilis kong pinatakbo ang kotse. Upang makarating kaagad sa General hospital. Tumunog muli ang aking phone, ilang minuto lang na pag kaputol ng linya.
“Mam, kaylangan pong masalin ng dugo ni Primrose. Type AB po ang dugo niya. Nais po naming sanang kayo na lang ang mag donate dahil kayo ang Ina.” Anito.
“Bakit kaylangan siyang salinan ng dugo?” Tanong ko sa kabilang linya. Halos manlambot na ako.
“Bumaba sa mas mababa ang platelet count ni Primrose, Mam. And she has active bleeding.” Anito.
Halos liparin ko ang buong highway dahil sa bilis ng aking pagpapatakbo. Kulang na lang ay liparin ko ang General Hospital upang makarating dun.
Ngunit bago pa man ako makalagpas ng highway. Ang pamilyar na kotse ni Perseus ang humarang sa aking ruon.
Nanlalaki ang mata ko sa gulat. Kaya’t inihinto ko iyon. Kita ko ang pag labas niya sa kotse. Kaagad kong tinggal ang seatbelt ko at lumabas rin.
“Nag labas ka ng arrest warrant ng walang matibay na ebidensya?” Bungad nito. Walang emosyon mata ang ibinigay niya sa akin. Pero lahat ng iyon ay nawala ng makita niya ang walang tigil na pag patak ng luha ko.
“p-pwede bang huwag muna nating pag usapan ito ngayon? May kaylangan akong puntahan Perseus.” Halos magmakaawa kong sabi. Sa pagitan ng aking hikbi.
Pinahidan ko ang luha ko at umambang tatalikod. Ayokong mag tiwala sa kanya. At kahit kailan ay tingin ko di na babalik ang tiwala na iyon.
“Andra, what’s wrong?” Tanong niya. Nag bago ang kaninang tono niya. Nang makita ang luha kong patuloy sa pag patak.
Nanginginig ang labi ko. Hindi ko siya matingnan. Pakiramdam ko maluluhod ako sa harap niya upang mag makaawa. Hindi ko alam kung dapat ko bang aminin sa kanya ang lahat ng ito.
Lalo’t sobrang komplikado na nang lahat.
Bahagya akong umatras nang makita kong papalapit siya sa akin. I feel like I can’t handle it if he gets closer to me. Unti-unting nadudurog ang puso.
“W-wala.. aalis na ako. Kaylangan ko nang umalis. I will make a report to you tomorrow. If you want to know everything.” Nanginginig ang boses na sabi ko.
Hinahabol ko ang aking paghinga, dahil sa matinding pag hikbi. Ngayon ay mas malapit na siya sa akin. Patuloy ang pag kirot ng puso ko. Hindi siya nakinig at kinain niya ang distansya naming dalawa.
“You’re lying,” he said patiently.
Umiling ako sa kanya. Patuloy ang pag agos ng sariwang luha ko.
“W-walang problema Perseus..” pinunasan ko pa ang luha ko at umiling. Ngunit traydor ang aking sarili. Bawat punas na ginagawa ko ay siya naman pag patak muli ng panibago.
“Do we have a problem?”
“Please, tell me what it is? He said.
Binagsak ko ang mata ko sa lupa. Hindi ko siya matingnan. Hindi makaya ang sarili kong kasinungalingan. Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang problema, na ako mismo ang gumawa sa aming dalawa.
Ako ang nag lagay ng malaking pader sa pagitan naming dalawa. At ngayo'y pilit niya iyong sinisira. Naging matigas ang puso ko sa lahat ng nangyari.
Tumunog muli ang phone. At ang number kanina na iyon muli ang tumawag. Umamba akong tatalikod sa kanya. Hindi ko nasagot ang tawag at nawala iyon kaagad.
Ngunit nahawakan niya ang braso ko. Nahanap niya mga mata ko. Ngayon ay salubong na ang dalawang kilay nito. At pilit inuunawa ang pagtanggi ko sa kanya.
“We won’t solve the problem if you keep it to yourself. Anong problema Andra!?”
“Andra!?” Madiin niyang tanong. Naramdaman ko ang higpit ng hawak niya. At alam kong hindi ako makakawala sa mga kamay niya, kung di ko sasabihin ang problema.
“L-let me go!” Nagmamakaawang sabi ko nang subukan kong kuhanin ang kamay ko sa mahigpit niyang hawak.
“Andra!” He said full of authority.
Kumawala na ang malakas na hikbi sa aking bibig. Hindi ko na iyon napigil. Umiling ako sa kanya. Ngunit na natiling nakatitig ang asul nitong mga mata sa akin. Unti-unting lumambot ang ekspresyon niya.
“P-please.. tell me, baby do we have a problem?” Malamyos na sabi nito. Sa nag mamakaawang boses.
The second time my cell phone rang again. Punasan ko ang luha ko. Sabay kaming mapatingin ni Perseus ruon.
Kaagad ko iyong sinagot. Habang si Perseus at hindi inialis ang kamay at titig sa akin.
“H-hello.. I am Primrose’s Mom. How is she now?” Nanginginig na tanong ko.
“We need to get Primrose blood transfusion. As soon as possible Mam, kailangan ka narin po ng Anak niyo.” Aniya.
Binaba ko ang cellphone, alam kong narinig niya ang lahat ng iyon. Pinunasan ko ang luha ko.
“What happened to Primrose?” Tanong niya sa akin. Kita ko ang takot sa mga mata niya.