kabanata 12

2019 Words
Sampung taon na ang lumipas. Nang araw na umalis ako at iwan ko si Mama. naunawaan ko ang lahat. Kailangan kong ipalaban ang nangyari sa kanya. Kailangan kong maging malakas para sa kanya. Nag aral ako ng Law. Hindi ko ito inaral dahil lang sa gusto kong malaman kung ano nga ba ang batas. Inaral ko ito upang mabigyan ng hustisya ang sinapit ni Mama... Inaral ko iyong upang makaganti at mapabagsak ang taong nais kong pabagsakin. Siya ang rason ko sa lahat ng ito. Kung bakit nasira ang buhay namin. Dahil sa isang taong masahol pa sa halimaw. Tiningala ko ang prosecutor office. Dala ko ang record ni Mama. Gusto kong malaman ang buong nangyari. Malalaman ko lang iyon kung masisilip ko iyon. "Hello, excuse me. Gusto kong makita ang trial record ng Mama ko at ang naging hatol sa kanya." Kinuha ng nag assist sa akin na babae ang dala kong papel tungkol sa kaso. Inusisa niya itong mabuti. "Sinunod ko ang procedure... Lahat para lang makuha ang trial at witness examination." Ako. "Hindi niyo pwedeng makuha ang trial record ni Cassiopin Alvarez. May mga maselang laman ang trial record na iyon... Ayon sa batas hindi namin iyon basta bastang pwedeng ilabas." Aniya. "Paano di pwede ang tagal na ng kaso na iyon?!" Halos tumaas ang boses ko. "Mam, naka depende parin iyon sa witness at sa prosecutor na kung papayag silang ilabas ang buong record ng Mama niyo. Hindi namin sakop ang desisyon na iyon.” Aniya. Halos lamunin ako ng galit sa sinabing iyon. Pumikit ako ng mariin at ikinalma ang sarili ko. "Matagal na iyon paanong di maari?" Madiing tanong ko. "Mam, hindi namin basta bastang pwedeng ibigay hanggat hindi sila pumapayag." Aniya. Napasandal ako sa malamig na pader ng basahin ko ang hatol. Ang akusado ay si Zeus Calderon. Ang prosecutor na humawak sa kaso ni Mama ay si David Lazaro. Ang ebidensya ay laban sa panggagahasa. Hindi ako tumigil. Hanggat di ko nakukuha ang nais ko. Hindi pwedeng mauwi lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko. Nagtungo ako sa police station... Nakita ko ang police na noon ay pinag tanungan ko tungkol sa kaso. Kaagad ko siyang pinuntahan muli. Kita ko ang pag kairita niya ng makita ako. "Ikaw na naman p*nyeta!" Aniya at ibinaba ang cellphone na hawak. "Pakiusap Sir, ipakita niyo na po sa akin ang report ng mama ko. Saglit lang po sisilipin ko lang iyon hindi ako magtatagal." Nagmamakaawang sabi ko. "Ayon sa batas OFFICIAL INFORMATION DISCLOSURE ACT karapatan ng pamilya ng naabuso na makuha ang report ng imbestigasyon. Nararapat na ipakita niyo iyon sa akin dahil ako ang pamilya niya!” ako. "Puny*ta ka talaga. Ano ba sa tingin mo ang tingin mo sa sarili mo? Mataas kana dahil nag aaral ka ng batas?" "Pambihira kang puny*ta ka." "Kung gusto mo talaga makuha ang record ng Nanay mo! Maging prosecutor ka. Bumalik ka rito. At saka mo ako turuan tungkol sa batas? Nakuha mo yun ha?! Pambihira sinasayang mo ang oras ko!" Tinulak-tulak niya ako hanggang sa makalabas ako ng pinto. "Kumuha ka ng bar exam. Bumalik ka dito. Lahat ng gusto mong report at imbestigasyon ay ibibigay ko sayo. Kahit pa ang record ng lolo mo.. kung may kaso man siya rito. Ibibigay ko iyon sayo. Ngayon. Umuwi kana at nasasayang ang oras ko sayo kuha mo?!" Gigil na duro nito sa nuo ko. Umiling pa ito at malakas na ibinagsak ang pinto. Tila ba sinasabing bumalik na lang ako kapag may ipagmamalaki na ako. Bagsak ang balikat kong tinalikuran ang police station. Mabilis sumisikat ang araw... Kung gaano kabilis ang araw ay ganun rin kabilis ang gabi. Hindi ko binalitaan si Mama. Pagkatapos ko siyang iwan sa Mental hospital. Kung mapapahamak man ako sa tatahakin kong landas. Gusto ko ay ako lang at wala nang madamay na iba. Iniwasan ko ang pakikipag kaibigan. Itinuon ko ang sarili ko sa pag aaral at pagtatrabaho. Naka graduate ako sa law school ng ako lang mag isa. Kinuha ko ang isang magazine. Nakita ko ruon si David Lazaro at ang binatang anak nitong si Morris Lazaro. Pinagmasdan kong mabuti si Morris. "Type mo?" Tanong sa akin ni Narry. "Ang akala ko ay wala kang interes sa mga lalaki." Aniya. habang ininom nito ang banana milk na hawak. "Interesado ako sa kanya. Gusto ko ang Moris Lazaro na iyon." Ako. Tila ba baliw na baliw ang tono ko. Bahagya itong natawa. "Madali lang naman mapalapit sa katulad niya. Lagi siyang nag tutungo sa exhibition ng anak niyang iyan. Kung gusto mong makuha ang atensyon niya dapat ay may alam ka sa art." Si Narry. "Madali lang naman iyon." Ako. at ibinaba ang magazine upang tapunan ng tingin muli ang itsura ng ama nitong si David Lazaro. "Hindi ka naman baliw sa binatang iyan di ba?" Tanong nito sa akin. "Baliw na baliw ako sa kanya. Sa sobrang baliw ko, ay gusto ko na kaagad mag tungo sa isa sa mga exhibition niya upang makita ang anak niya." Natatawang sabi ko at itinapon sa basurahan ang magazine. Kung ang kabaliwang ito ang makakapag palapit sa akin kay David Lazaro ay gagawin ko. Kaibigan niya si Zeus Calderon. Alam kong higit pa ruon ang ugnayan nilang dalawa pag dating sa maruming gawain. Sa oras na mahulog sila sa sarili kong laro. Ako mismo ang tataggal sa sungay nilang dalawa. "Nandito si Sir Nestor." Sigaw ni Marco sa amin ni Narry. Kaagad kaming sumunod sa loob ng department upang ma-tour sa loob. Dahil kami ang mga baguhan graduate sa Law. "Dito ang Penalty Enforcement Division One." Si Sir Nestor. "Rito niyo makikita ang files at record ng mga nagdaang kaso sa trial." "Ang sunod ay ang criminal department. Rito sa kabilang banda iyon." Anito at umalis. Sumunod ruon si Marco at Narry. Habang ako ay naiwan mag isa sa hallway. Tinungo ko ang enforcement Division One. Pag pasok ko ruon ay may nakita akong lalaki. Tingin ko ay nag assist ruon sa loob. "I'm Andra Mira Alvarez. Probationary judicial officer and criminal division one." Ako. "What can I do to help?" Tanong nito. "Kukuha sana ako ng record ng kaso." Ako. Kaagad siyang tumango sa akin. "Sige po Mam." Anito. Nag tungo kaagad ako sa mga records, kung nasaan ang matatagal ng mga kaso. Kaagad kong hinanap ang 1997-1998 records halos pawisan ako sa dami ng records na iyon. Sa panghuling record na hawak ko ay natumbok ko ang kay Mama. Sawakas at nakuha ko na rin ang Trial record niya. Na Matagal ko nang hinahanap. Binuksan ko iyon. Unti-unti akong nanghina ng makita ko ang mga pasa sa hubad na katawan ni Mama, parang unti-unting nagugunaw ang mundo ko habang pinagmamasdan iyon. Paano ko masisikmurang ilaban ang ganito? Gusto ko na lang silang p*tayin isa isa at hindi na ilaban ang kaso. Sinong tao ang masikmura gumawa ng ganito kababoy. Halos mamaga ang mukha ni Mama sa tinamong bugbug. Ayon pa sa medicolegal ay halos walo ang gumahasa sa kanya. “Nakulong ang walong tao na iyon at di nahuli ang mastermind?” Tanong ko ng buksan ko ang record ni Mama. “Matagal na iyan at nasara na ang kaso. Limot ko na ang nangyari jan.” Ang police na umaresto sa mga rapist na iyon. Tumango ako at ibinagsak ko ang lahat ng records, sa lamesa kung saan nakalagay ang dalawang kamay nito. “I heard that your son is studying Law? Tingin mo oras na malaman niya na ang tatay niya ay hayop na sinungaling. At umaresto ng walong tao na walang sapat na ebidensya. Ano sa tingin mo ang magiging tingin niya sa iyo? Isang police officer na walang kwenta at bayaran. Sayang lang ang pinag aralan niya kung ano katulad mo lang ang ama niya.” “Tingin mo ba ay magpapatuloy parin iyon?” Walang emosyon tanong ko. Marahas niyang tinabig ang lahat ng records na nakalapag sa lamesa. Mabilis itong tumayo at kinuha ang kuwelyo ng damit ko. Kinain niya ang distansya naming dalawa. “P*tangina ka.. anong gusto mong gawin ko ha?!” Sikmat nito sa akin. Kitang kita ko ang marahas na pag galaw ng kanyang dibdib sa galit. “Sabihin mo sa akin ang lahat ng nangyari. Kung paano ka binayaran ni Zeus Calderon para malinis ang kasong ito!” Sigaw ko sa pag mumuka niya. Nanlaki ang mata nito sa narinig niya mula sa bibig ko. Kaagad niya akong binitawan at napaupo ito sa silya. “Kamatayan ang nag aabang sayo oras na buksan mong muli ang kaso na iyon.” Aniya na nanghihina. Bahagya akong natawa. “ Matagal na akong nasa bingit ng kamatayan. Bago ko pinasok ang mundo ng batas. Ngayon sabihin mo sa akin paano?!” Sigaw sa office nito. Pumikit ito ng mariin at hinilamos ang kamay sa mukha. Inilapag ko sa bar counter ang mga kasong hinahawakan ko. Nilagok ko ang ang mapait na alak. Habang pinagmamasdan ang art exhibit na gaganapin sa marso. Pinagmasdan kong mabuti si Morris at ang kapatid nitong si Mara. Napakit ako ng maalala ko ang mapait naalala ng lalaking minsang dumurog sa puso ko. Unti-unti nag init ang sulok ng mata ko. Habang tinitingnan ang itsura ni Mama. Matagal kong ikinukubli ang sakit sa akin. Pinipilit kong maging matatag at walang pakiramdam. Ngunit sa tuwing mag isa ay dun ko nararamdaman ang pangungulila. Pakiramdam ko ay naglalakad ako sa dilim. Walang ano man ilaw. Pinipilit maging matatag. Kahit ang totoo ay takot talaga ako. Takot na takot ako. Inabando ko ang lahat para sa labang ito. Ngunit sa tuwing mag isa ay pakiramdam ko nawawalan ako ng pag asa. Kinuha kong muli ang bote ng whiskey. Sinalinan ko muli ang baso ko. Pinahiran ko ang luhang lumalandas sa aking pisngi. Pag katapos ng labang ito. Gusto kong mabuhay ng normal. Gustong gusto ko ng makaalis sa nakaraan ay mag patuloy sa bagong buhay. Ngunit hindi ko iyon magagawa kundi ko ilalaban ang karapatan ni Mama. Nag tungo ako sa daycare centre bago ako nag tungo sa exhibit. Nag lalaaan ako ng oras para madalaw siya. “Hey, Primrose!” Tawag ko. Nang makita niya ako ay kaagad niyang tinakbo ang distansya naming dalawa. “Kamusta ka? Kumakain kaba ng marami?” Tanong ko ng buhatin ko ito. Hinawi ko ang buhok niyang medyo mahaba na. Pinagmamasdan ko siyang mabuti. Ang maputi nitong kulay ay angat na angat kaya’t masinagan lang ng kaonting araw ay namumula ang pisngi niya. “Mam, kaylan mo po ba ako kukunin?” Malungkot na tugon nito sa akin. Habang nilalaro ang Rubik’s cube nito. Napatingin ako sa ginagawa niya. Napakabilis ng kamay niya. Ilang segundo lang ay natapos niya kaagad buoin ang laruan na hawak. “Hmmmm... Kaonting maghihintay na lang.” Ako. “I’m ten years old but, I’m still here.. hindi po ba dapat ay nasa grade school na ako?” Tanong nito. “Oo ngunit hindi pa pwede may mga bagay na kailangan pa ako gawin. Pagkatapos nun ay kaagad kita kukunin, pangako iyan. Sa ngayon kailangan mong tumulong sa mga bata rito. Para maging happy ako, ayos ba iyon?” Tanong ko. Inabot niya sa akin ang Rubik’s cube na natapos niya. At ngumiti sa akin. “Pangako mo po. Hahanapin mo ang nanay at tatay ko diba?” Tumango ako at hinaplos ang pisngi niya. Halos madurog ang puso ko sa narinig ko sa kanya. Pinagmasdan ko siya. Sa tuwing makikita ko ang asul niyang mata. May kirot na gumuguhit sa aking dibdib. “Pangako...” Ako at niyakap siya. Unti-unti nanikip ang dibdib ko ng maramdaman ko ang kamay niyang humahaplos sa aking likod. “Don’t cry Mam,” aniya. Mas lalo akong napaiyak ng mag salita itong muli. “P-patawarin mo ako.... “ Humahagulgol na sabi ko. Habang ang yakap ko sa kanyang ay nananatili parin. “B-bakit ka po nanghihingi ng tawad?” Tanong nito. Habang nakayakap pa rin siya sa akin. Pumikit lang ako at nanatiling umiiyak sa maliit niyang bisig. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD