“Aalis nako Prim. Mag iingat ka rito ha?” Nakangiting sabi at binitawan ang pag hawak niya sa aking kamay.
“Kailan ka po babalik?” Inosenteng tanong niya sa akin. Tumitig ako sa mga mata niya. Hindi ko iyon natagalan, iniwas ko ang tingin ko at ibinaba ko iyon sa lupa.
Kung ako ang tatanungin ay ayoko ko nang bumalik. Gusto kong abandunahin ang lahat ng maaaring mapahawak sa lahat ng ito. Ngunit isipin ulitin ang ginawa ko sampung taon ang nakakaraan. Parang hindi ko iyon kaya.
Pilit kong ibabaon sa lupa ang tungkol sa kanya. Manatiling sikreto ang lahat hanggang hindi ko nakukuha ang gusto ko.
“B-babalik ako..” sagot ko.
“You seem unsure of your answer.. Mam, please.. bumalik ka po dito.” Si Primrose. Na nagmamakaawa ang tono.
“May mga trabaho akong kailangan tapusin. At ikaw kailangan mo pagbutihin ang pag aaral mo. Sa susunod na balik ko ay kakausapin ko ang private teacher mo.” Ako.
“It’s not necessary.. ayos naman ang lahat Mam.. ang kailangan ko lang ay kung kailan ka babalik.” Si Primrose.
“Hindi ko sigurado.. ngunit pangako babalik ako...”
“be a good girl here... Tiyak na pag nalaman ng M-mommy mo na maayos at mabait, ikakatuwa nila iyon.” Ako.
“Mabait naman po ako.” Sagot niya.
Hinaplos ko lang ang pisngi niya. At tumalikod na upang makaalis. Kung patuloy kong titigan ang itsura niya. Baka mas lalo akong maging mahina.
“Mam!”
Nag patuloy ako sa paglalakad. Sa oras na lumingon ako at tiyak. Bubuhos na naman ang luha ko. Nag patuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa labas.
Narinig ko ang pag awat ng mga Teacher sa kanya sa loob. Ngunit pinigil ko ang sarili kong bumalik ruon at aluin siya. Isa siya sa kahinaan ko. Kung pati siya ay mapapahamak. Baka ang lahat ng ito ay mabaliwala na lang habang buhay.
Nang makalabas ako ay kaagad akong sumakay sa kotse. Patungo sa art gallery exhibit ni Moris.
Nang makarating ako ay bumungad sa akin ang magandang Art gallery museum ng mga Lazaro.
The retired Prosecutor David Lazaro. Will now running for Governor of the city of Dela Rosa.. matapos ang termino ni Zeus Calderon at siya naman ang tatakbong Governor.
Kalaban nito si Emanuel Vista sa pagiging Gov. Maliwanag na talo si Emanuel kung tutulungan ni Zues Calderon si David Lazaro.
Nang pumasok ako sa loob ay halos walang tao ruon. Tingin ko ay bigating mga tao lang ang mag tutungo sa art gallery niya.
Bumungad sa akin ang magandang niyang sculpture. Gawang kamay iyon. Tingin ko ang isa ruon. Nag lalaro sa malaking halaga ang bawat sculpture na nakalagay sa art gallery na ito.
Pero sa magagandang sculpture na iyon. Ang kumuha sa pansin ko.
Ang nasa pinaka gitna.
Sculpture of a reclining woman... I think the woman is a rape victim, nakayakap ito sa sariling katawan. Habang ang mga mata’y nakapikit ng mariin. Detalyado ang buong sculpture. Halos lamunin ako ng galit at puot sa estatwang kaharap ko. Pakiramdam ko ay sinasalamin ko si Mama sa mga oras na ito.
Napapalibutan ng fiberglass ang paligid ng estatwa. Pakiramdam ko ay ito ang pinakamahal na sculpture at bagong gawa niya. Ito ang naging highlights ng buong art gallery.
“Are you interested in sculptures?”
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa aking likod. At naging pormal.
“Base sa nakita ko. Mas pinupuna mo ang details ng sculpture kaysa sa kung anong itsura nito.” Aniya.
“Moris Lazaro?” Banggit ko sa pangalan niya.
“I saw the angel in the marble and carved it until I set him free.” Ako.
Umangat ang labi niya sa sinabi kong iyon.
“Michelangelo, huh.” Natatawang sabi niya.
“This sculpture....this sculpture is a victim of abuse. Those curtains crave.. bawat details ay napakaganda.” Pag puri ko.
“Oo, inspirasyon ko ang isang babae na biktima ng rape.” Si Moris.
Hindi ko nasagot ang sinabi niyang iyon. Nang dumating ang iba pa nitong bisita. Naging abala siya sa mga iyon. Ngunit na nanatili sa aking tabi.
“If you are interested in sculpture. I can teach you.” Aniya. At kinindatan ako.
“But I’m more interested in something else..”
“Apart from sculpture.” Makahulugang sabi ko. Tumitig ito sa aking mga mata. Tingin ko ay alam niya ang ibig kong sabihin.
“If you are interested in something else.... Baka maibigay ko iyon sayo... Nang ako lang.” Aniya. Na tila sinusubukan ako.
“Morris...” Pagtawag na nanggaling mula sa aking likuran.
Kaagad kinuha ni Moris ang beywang, ko at kaagad akong idinala sa babaeng tumawag sa kanya. Hindi ako nakapag salita sa ikinilos niya. Nag patangay ako sa alon kung saan ako makakarating.
Hinaplos niya ang aking beywang pataas. Tila ba nanunubok ito. Kaya’t napatingin ako sa kanya.
“Tell me your name.” bulong nito sa akin. Halos halikan niya ang pisngi ko ng idikit niya ang labi niya sa parteng iyon.
“Andra Alvarez.” Mahinang sabi ko.
Nang parehas kaming humarap sa babaeng tumawag sa kanya. Halos mayanig ang mundo ko. Unti-unting bumalik ang sakit. Ang sakit na katotohanan na hindi ko matanggap.
Ang itsura niya ay ganun parin. Ngunit mas matured na ito kaysa dati. Tulad ng naalala ko. Ang katawan nitong nakakapag panginig sa binti ko ay mas lalong nag matured. Halos hindi ko na siya makilala. Ang awra nito ay mas nag susumigaw hindi tulad ng dati.
Ang perpekto at angelic niyang mukha, ay hindi magbabago ngunit nag matured ito. Ang makapal na kilay at ang perpektong panga, labing namumula at maamo nitong mga mata na puno kapahamakan. Ganun parin. Ngunit mas nanunuot sa aking sistema.
Nakasuot ito ng itim na polo sleeve. Nakatupi ang manggas nito hanggang siko. Habang ang kamay nila ni Mara Pineda ay mag kasiklop.
Those ocean eyes... Minsan ko nang inangkin iyon. Minsan kong naging teritoryo ang kamay niya. Na ngayo’y pag aari na ng iba.
“Congrats to your engagement!” Pag basag ni Moris. Habang ang mga mata ni Mara ay na sakin. Nanliliit iyon at pilit akong kinikilala.
Ngunit ang mga mata ko ay nakatitig sa asul na mga mata ni Perseus. Walang siyang emosyong nakipag tagisan ng titig sa akin.
Ako ang unang binitaw sa mga titig na iyon. Naramdaman ko kaagad ang malamig na pawis sa aking nuo. Hanggang ngayon ay mahina pa rin ako pag dating sa kanya. Hanggang ngayon ay kaya niya paring yanigin ang mundo ko, sa simpleng titig lang na iyon.
“You seem familiar.” Si Mara na inuusisa parin ako.
“Andra Mira Alvarez.” Ako at inilahad ang kamay.
Kita ko ang gulat sa mata nito ng sabihin ko ang pangalan ko. Habang si Perseus at sinusundan parin ako ng titig. Pinilit kong maging pormal. Kahit ang mga binti ko ay parang di ko na maigagalaw, dahil sa matinding tensyon.
“Ohh... You handled the Dan Saldivar case, didn’t you?” Anito na di makapaniwala ang tono.
I thought she would recognize me.. kaagad niyang kinuha ang kamay kong nasa kawalan, upang makipag kamay sa kanya.
Ngunit si Persues ang nakipag kamay sa akin. Nalaglag ang panga ko sa ginawa niyang iyon. Nahanap niya muli ang tingin ko. Nag taas ito ng kilay sa akin.
“Perseus Riley Calderon...” Aniya. Naging matagal ang kamayang iyon. Pinilit kong bawiin ang kamay ko sa kanya. Ngunit mahigpit nitong hinawakan ito, upang di ko mabawi.
“Andra Mira Alvarez. Probationary judicial officer criminal division one?” Tanong nito. Habang hawak parin ang kamay ko.
“Y-yes... it’s nice to meet you. Mr. P-perseus Riley Calderon.” Halos mabulol kong sabi. Dahil pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan na kung ano.
“You don’t have to be formal.”
“We know each other before.” Aniya at binitawan ang kamay ko.
“Kilala niyo ang isa’t isa? That’s great! We have a dinner after the exhibit... Pwede kayong mag tungo ruon kung may oras pa kayo.” Si Moris.
“Kuy—.” Pero pinutol ni Perseus ang sasabihin ni Mara.
“Double date?” Kastigo ni Persues.
“Kung busy kayo ay hindi namin kayo aabalahin.” Ako.
Luminga si Mara kay Perseus. Ngunit hindi niyo ito pinansin at itinuon muli ang tingin sa akin. Tila sinusubok niya ako. Anong pakulo ang nais niyang mangyari?
“Let’s reschedule the presscon later.” Si Persues kay Mara.
“O-okay... but before we go.. mag tungo muna tayo kay Dad. I have to tell him something.” Si Mara.
Naramdaman ko ang haplos ni Moris sa akin beywang. Ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Mas nanaig ang pag guhit ng sakit sa aking dibdib. Matagal ng panahon ngunit bakit para ako lang ang hindi nakaahon?
“I have to go to the restroom.” Pagpapaalam ko kay Morris.
“Do you want me to take you there?” Tanong niya sa akin.
“N-no.. you don’t have to. Just focus on your guests.” Nakangiting sabi ko. Tumango ito sa akin. Kasabay ang pag talikod ko upang mag tungo sa restroom.
Nilagpasan ko ang dalawa. Si Perseus at Mara hindi ko sila nilingon kahit pa madadaanan ko lang sila.
Hindi ko kaya.
Mabilis kong tinungo ang restroom pag bukas ko ng pinto, kaagad kong binuksan ang gripo ruon. Inihilamos ko ang tubig sa aking mukha. Pakiramdam ko ay ito lang ang makakapag pawala ng matinding kaba sa aking sistema.
Bumalik ang alala ko ng gabi iyon. Pakiramdam ko ay nasa sistema ko pa siya. Sariwang sariwa pa rin ang mga aalala namin ng gabi iyon. Kung paano namin nilabag ang isa’t isa. Kung paano siya nag sinungaling sa akin. Kung paano ko nalaman ang katotohanan. Kung paano niya ako pinaikot sa mga kamay niya.
Pinuno kong muli ng tubig ang kamay ko. Ngunit bago ko pa ihilamos iyon sa sarili ko. Kaagad iyon sumabog sa kawalan. Bumagsak ang tubig sa lapag. Naging sanhi iyon ng pag nakakabasa ng stilettos na suot ko.
Hiniklat niya ang aking braso. At mabilis ako naisandal sa malamig na pader. Ang asul na mga mata niya. Nag aalab na nakatingin sa akin. Tila ako na papaso sa ipinamamalas titig.
His beauty is blinding me. Sa sampung taon na iyon ngunit kaya niya parin akong bulagin gamit ang itsura niya.
Ngayon ay mas lumapit siya sa akin. Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga. Nang mas idiniin niya ako sa pader, at mas lalong siyang dumikit sa akin.
“What the f*ck you doing!?” Madiing tanong niya sa akin. Kita ko pag galaw ng panga niya dahil sa nagliliyab na galit.
Bahagya akong natawa sa tanong niyang iyon.
“Bakit ko sasabihin sayo ang nais kong gawin? Ang pag kaalam ko ay kapatid lang kita.” Madiin kong sabi.
“For god sake Andra!”
“What are you doing at this exhibit!?” He asked.
Bakit ba gusto niyang malaman ang mga gagawin ko? Anong paki alam niya at bakit ang dami niyang tanong. Tila ba hindi na siya nagulat na narito ako.
“Bakit ba kailangan mong malaman ang lahat!?” Irritado kong tanong.
“Turn down that bullsh*t Morris Lazaro. I know you just approached him for something.” Aniya.
Nanlaki ang mata ko sa sinabing niyang iyon. Pilit akong pumasag sa pag kakadiin niya sa akin sa pader. Ngunit hindi ako nag tagumpay na makawala sa kanya.
“Don’t you dare to block my way. You f*cking b*stard!” Gigil na sabi ko.
Nag paimbestiga siya sa akin. Nang maisip ko iyon ay kaagad akong nilamon ng kaba. Siya ang sisira sa lahat ng plano ko.
“Don’t go on that f*cking dinner date.” He started.
“At bakit ko susundin ang sinabi mo?” I spat.
“Cause, I don’t want to see your face.” Mapaklang sabi niya.
Mabilis ang paghinga ko nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Halos kumalat ang mapait na lason sa sistema ko. Itinulak ko siya at nakawala ako sa kanya. Nagigilid ang mata luha kong umalis sa harap niya. Ayoko. Ayokong makitang lumuluha ako dahil lang sa sinabi niyang iyon.
“I don’t want to see your face with Moris Lazaro. It hurts... It hurts to see you with someone else.” Mapait niyang sabi.
“I don’t want it, Andra. Walang ibang puwedeng makipag date sayo.”
“I was the first, and I will remain your last.” Si Persues.