kabanata 14

2062 Words
I wore the black pencil dress, when I went to the Italian restaurant. Inilugay ko lang ang bagsak kong buhok na hanggang balikat. Hindi narin ako nag abala na mag lagay ng make up. Light lang ang inilagay ko at ayos na iyon. Hindi ko sinunod ang sinabi ni Perseus. Mas may kailangan akong malaman. At hindi ko siya susundin, dahil lang sa ayaw. Sana nga ay huwag na silang mag tungo na dalawa ni Mara. Walang tao ang buong resto ng bumaba ako sa kotse ko, at tunguhin ang sinabing table kung saan yun ang nakaserve sa amin ni Moris. Tanging tunog lang ng suot ko stilettos, ang bumubuo ng ingay sa vintage style interior design ng buong lugar. May pa live band sila ngunit walang tumutugtog ruon. Nahanap ko ang bulto ni Moris sa dulong banda. He’s wearing ang black tux. Na nakita ko sa kanya kanina. Tingin ko ay di na ito nag abalang mag palit at nag tungo na rito kaagad. Moris is handsome, the foreign blood screams at him. Which I think he got from his Mom. Katulad ni Mara kapansin pansin rin sa kanya ang magandang pares ng dalawang mata. Sumisimsim ito ng wine. Habang ang tingin ay nasa city of lights. Nakatulala ito sa malaking glass wall ng buong lugar. Habang walang tigil sa pag inom ng wine niya. Tila ito may iniisip na malalim. Nag tungo ako kung saan siya nakaupo. Naramdaman niya ang prisensya ko nang igalaw ko ang upuan, upang maupo sa harap niya. Kaagad itong umayos ng upo at binigyan ako ng matamis na ngiti. “Sorry, I already ordered food for both of us.” Aniya. “It’s fine. I was 15 minutes late. I’m sorry.” Ako. Kinuha nito ang bote ng red wine at siya mismo ang nag salin sa glass wine ko. Napatingin ko habang sinasalinan niya iyon ng marami. Alam kong sinadya niyang punuin ang wine glass ko. Kaya’t napatitig lang ako sa kanya. Na wala kahit anong emosyon. O takot sa inasta niyang ugali. “Naiintindihan ko. Being a prosecutor is not an easy job.” “Maging totoo sana tayo sa usapang ito.” “Bakit?” Tanong niya sa akin. Kinuha ko ang wine na sinalin niya sa aking baso. Halos mangalahati iyon. Nang tumigil siya sa pagsasalin. Nilagok ko iyon na puno ng kapangahasan. Tila isang kasunduan ang pag salin na iyon. Ngayon ay nasa ilalim ako ng mga kamay niya. “You ask why? Yan rin ang tanong ko sa sarili ko nang makita kita exhibit.” “Bakit nga ba?” Ako at inilapag ang ubos na baso ng wine. Nag taas ito ng kilay sa akin. Kita ko ang pag angat ng kurba ng labi niya at umiling. “A Prosecutor Alvarez, wants to meet me for no reason. Isn’t that surprising?” Aniya at inikot ikot nito ang glass wine niya. Matabang akong ngumiti sa kanya at itinuon ang pansin sa pagkaing isinerve sa amin. Tumambay sa aking ang amoy ng steak at toasted bread na pangunahing dish. Naglagay muli ng panibagong wine ang waiter ng tanungin ito si Moris. “I had been working for less than a week. One morning, just after I arrived for work,” “Mr. Nestor, pumasok siya sa aking opisina at naglapag ng isang file sa aking mesa at sinabi sa akin na gusto niya akong humarap sa korte. Para sa kliyenteng katulad mo.” “Your case is on the verge of defeat.” Ako. Kita ko ang pag aalangan niya. Ngunit ibinaling niya ang mga mata sa akin. Kita ko ang takot sa kanya ng sabihing kong nasa bingit na ng pagkatalo ang kanyang kaso. His case is really on the verge of losing. Matibay ang ebidensya sa kanya. Pagpatay at plagiarism. “How much do you need?” Segunda nito. Na walang pag aalinlangan. Kaya kong ipanalo ang kaso kung kaya mong tapatan ang nais kong presyo. Give and take. Knowing how much to give and how much to take can be a balancing act. If all you do is take, people see you as a bad person, a hoarder, or greedy. “One hundred million. I will make sure to win your case. At kung hindi mo matapatan iyon.” “Your father will be stained with dirt of yours.” Ako. Kita ko sa mata niya ang pagiging kumbinsido. Murder ang kaso niya. He used a dead body for a sculpture. Corpse Art ang itinawag niya ruon at nilagay iyon sa gallery niya. “What if, if you don’t win this case?” Tanong niya. “I know you crazy f*cking b*stard. If I can't win that case? Make me a masterpiece of your sculpture.” Ako. Kinuha ko ang walang laman na baso ng wine glass niya. Sinalinan ko iyon ng halos mapuno. Tinitigan niya lang ako hanggang sa maibaba ko ang bote. “Sure.” Aniya. At kinuha iyon. Napakadaling kausap. Sino ba naman ang nais makulong. Ang katulad niyang salot ay ayaw nakukulong at nahahatulan. Matapos ang dinner na iyon ay kaagad kaming nag hiwalay ng destinasyon. Kaagad kong pinatay ang hidden recorder nasa aking tenga. Napahinga ako ng malalim ng makita ko ang kotse niyang paalis na. Tumatakbong Gov. Ang ama niya ngayon. I know he is desperate to clean himself. Dahil bukod sa galit ng ama niya ay si Zeus Calderon ang tatapos sa buhay niya, oras na matapos at matalo ang kasong kinakaharap niya ngayon. Binaling ko ang kotse ko patungo sa ibang direksyon. Kinuha ko ang litrato ni Christian Romero. Siya ang biktima sa kasong kinakaharap ni Moris ngayon. Tinungo ko ang lugar kung nasaan siya. Alam kong inosente siya. Masakit man sa akin ay kailangan kong baligtarin ang kaso upang manalo si Moris at makalapit ako sa kanyang ama. Mag background check na ako sa kanya. Nalaman kong kapatid niyang babae ang pinatay at ginawang corpse art ni Morris Lazaro. Christine Romero. Nakarating ako sa bahay ng mga Romero. Pinagmasdan ko ang bahay na kahoy nito. Hindi mayaman ang mga Romero. Ngunit nagawa parin nilang ibingit sa pagkatalo si Morris Lazaro. Tunay na matibay ang ebidensya niya sa kaso ng kapatid. Napapikit ako ng mariin. Nang pagmasdan ko ang isang malaking bag ng pera sa aking tabi. Matapos ang dinner na iyon ay isang tauhan ni Morris ang pasimpleng lumapit sa aking dala ang isang bag ng pera. Bumaba ako sa kotse dala ang pera. Pinasadahan ko ng hawi ang mahaba kong buhok, bago ako nag lakad patungo sa tapat ng pinto. Ngunit hindi ko pa man nakakatok iyon. Kaagad iyong nag bukas para sa akin. Christian Romero. Bumungad siya sa hamba ng pinto. Dala ang gulat sa mga mata. “A-ano pong kailangan niyo?” Tanong nito sa akin. Habang hawak ang isang used diaper. Kaagad nitong inilagay iyon sa kanyang likod. At tumingin sa aking upang sagutin ko ang tanong niya. “I’m prosecutor Alvarez. I am now handling Morris's case.” Ako. Hindi ko na siya lolokohin. Umamba itong isasarado ang pinto. Ngunit mabilis kong nahawi iyon at tuluyang bumukas. Kita ko ang gulat niya sa mukha sa ginawa ko. Ngunit hindi ko inabalang pagtuunan iyon ng pansin. “You will not win the case.” Ako. “Huling paglilitis na iyon. At siguradong panalo na kami. Paano mo na sabing hindi kami mananalo?!” Puno ng tapang na sabi niya sa akin. Binagsak ko ang bag sa kanyang harapan. Ang perang ibinayad sa akin ni Morris. It’s better for them to pretend to be dead than to be alive. Manalo man sila ay mamatay rin sila. “Withdraw that case. Or do not go to the final trial of the case. Dalawa lang ang pag pipilian mo Christian. “ “You still have family left. Isantabi mo si Christine. Isipin mo ang mga buhay pang natitirang pamilya mo.” Wala emosyong sabi ko. “P-paano mo nasasabi ang mga bagay na iyan?! Wala kabang pamilya? Paano isasantabi ko ang kaso ng kapatid ko?!” Sigaw niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang galit niya ngayon. Binukas ko ang zipper ng bag na nilapag ko sa harap niya. Nang mabuksan ko iyon, ibinuhos ko ang lahat ng laman na pera, galing sa loob. Halos matakpan ang sahig sa dami ng perang bumuhos galing sa bag. Nanlaki ang mata niya ng makita ang napakalaking pera na iyon. Pero tingin ko ay hindi ko mababago ang ang kanyang prinsipyo. “You have a daughter, you have a spouse. You have a disabled mother. Ngayon sabihin mo. Kung madamay sila dahil lang gusto mong manalo sa kasong ito paano ang gagawin mo?” “Walang silbi ang batas kung ang kalaban mo ay mas makapangyarihan sayo.” Ako. “Withdraw the case.” Madiin kong sabi. Napahilamos ito sa mukha. Nang ibaba niya ang kamay niya ay nakita ko ang mga mata nitong namumula. Nag iwas ako ng tingin at ibinaba ko ang mga mata sa ibang direksyon. Namataan ko ang Inay nitong naka oxygen tank at walang malay. “P-papaano? Mawawala na lang nag bisa ang lahat ng iyon? Mawawalan ng hustisya ang kapatid ko? Makakalaya ang walang hiyang iyon?” Nanginginig ang boses na tanong nito. “Yes, I will take care of all that.” Ako. “W-what?!” Nanggigilid ang luha nito. “Ako ang bahala sa kaso ng kapatid mo. Yes, hindi man kapanipaniwala. But I want you to know that I will take care of her case.” “Like you, I am also looking for justice.” Ako at inabot ko ang tatlong passport patungo sa Canada. Kung tatanggapin niya ang lahat ng ito. Aayon lahat sa plano ko. Kung hindi ay masisira ang lahat ng iyon. Kung ayaw niya ay wala akong magagawa upang mailigtas ang pamilya niya. This is the only way I can give. “M-mangako.. kang bibigyan mo katarungan ang pagkawala ng kapatid ko.” Umiiyak na sabi nito na ngayo’y napaluhod na. Kinuha ko ang kamay niya at pinatayo sa harapan ko. Katulad ko ay kaylangan rin niyang maging matapang at hindi kaylangan luhuran ang kahit na sino. Matapos iyon ay umalis ako kaagad. Napapikit ako ng mariin habang tinatahak ang palabas ng Dela Rosa. Napahinto ako sa tulay kung saan ang una’t huli naming pagkikita. Napahawak ako sa railings nang maka babaa ako sa kotse. Inihilamos ko ang dalawang kamay ko sa aking mukha. Unti-unting nanghina ang binti ko at napaluhod sa lapag. Pumatak nang walang habas ang aking luha. Naramdaman ko na lang ito ng mabasa ng mainit na luha ang aking pisngi. Nanginginig ang labi ko ng kagatin ko iyon. Tila manhid. I’ve done too much. Isang kasakiman na ang ginagawa kong iyon at hindi ko ito masikmura. I put Christine Romero’s case aside for my own good. Naramdaman ko ang malamig na hangin ng pilitin ko ang sarili ko at tumayo. Tinanaw ko ang walang hanggang lalim ng tubig na nasa tapat ko ngayon. Pumatak ang maliit na butil ng ulan na pumaso sa aking balat. Natakpan ng butil ng ulan ang luhang patuloy na umaagos sa akin. Inabondona ko na ang lahat para lang sa pag hihiganting ito. Pati ang sarili kong anak na si Primrose ay isintabi ko para lang rito. Ngunit pakiramdam ko ay kulang lahat ng ginagawa ko. Tila pati ang sarili ko ay inabandona ko na? Ang mahinang hikbi at unti-unting lumakas na. Kumawala iyon sa aking labi. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tinatahak ko ang madilim na landas na ako lang. Ngunit ang sarili ko ay sumisigaw sa paghingi ng tulong. Ngunit bago pa ako makapag isip ng hindi dapat. May humiklat sa aking braso. Bumagsak ako sa matigas na dibdib. Pumasag ako sa pag kakayakap niya at tuluyang bumuhos ang luha ko. Kasabay ng unti-unting pag lakas ng ulan. But he pulled me closer again. Hugged me tight. Nanlalamig ang buo kong kalamnan. Ngunit dahil sinakop ako ng bisig niya ay naramdaman ko ang init sa kanyang bisig. “Umuwi na tayo, magkakasakit ka Andra.” Banayad na sabi niya sa pagitan ng paghikbi ko. “P-perseus...” Umiiyak na tawag ko sa pangalan niya. Pero na natili siya sa posisyon na iyon. Ang init ng katawan niya at patuloy na bumabalot sa aking sistema. Parang isang apoy na unti-unti akong sinasakop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD