kabanata 15

2072 Words
“Sumilong na tayo, Andra....” Banayad na sabi niya. Pero ang mga bisig ay nanatiling nakayakap sa akin. Upang hindi ako mabasa ng ulan. “No!” Iyak ko, at bumaling upang ma- sinuntok ang dibdib niya ng paulit-ulit. Patuloy ang lagaslas ng luha ko. Habang ang asul na mga mata niya ay nakapirmi ng titig sa akin. Nang tingalain ko siya. Ang mata niya ay nakapirmi parin sa akin. Madaya ang tadhana. Bakit sa sampung taong iyon ay hindi ko nagawang mag tanim sa kanya ng galit. Kahit pa minsan na niya akong pinalaruan sa mga kamay niya. “This is too much! Let’s go home.” He pleaded. Naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa aking pisngi. Hinaplos niya iyon na mas lalong nakapag pahikbi sa akin. Kita ko ang pamumula ng kanyang mata. Habang nakikipag tagisan sa akin ng tingin. Unti-unting nadudurog ang puso. Tila pinipiga iyon sobrang sakit. “This is too much Perseus! Oo sobra na ito. Sobra na ang ginawa ng Daddy mo sa pamilya ko!” Sigaw ko sa kanya. Nanatiling tikom ang bibig niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na patuloy ang hampas ko sa dibdib niya. Naramdaman ko ang init ng palad niya sa pangalawang pagkakataon. Sa pangalawang pagkakataon iyon muli niya akong sinakop ng yakap. “I didn’t mean to hurt you this much..” “Alam kong napakahirap na patawarin ako.” “But please... Baby listen to me... Andra.. please..” Mahinahong sabi niya. Habang ang yakap niya ay patuloy na nagpapainit sa nanlalamig kong balat. He hurt me and it cause me to hate myself too, pinaikot niya ako at yun ang hindi ko matanggap. Nahulog ako sa pag ibig niya na walang kasiguraduhan, at ang masakit dun ay kapatid ko siya. “Y-you.. have no idea how much pain you’ve caused me..” nang hihinang sumbat ko sa kanya. Kahit pa di na ako makagalaw sa yakap niya. “Bakit?!” Humahagulgol na tanong ko sa kanya. Ilang beses ko nang itinanong kung bakit. Bakit?! Ano ba ang rason niya para iparamdam sa akin ang ganito kasakit. Sakit na hindi malulunasan ng kahit na anong gamot. Tila isang sugat na dumaan man ang mahabang na panahon ay nanatiling sariwa. “I thought I could take revenge.. pero hindi iyon ang nangyari, I fell for you so hard.” Si Perseus. Habang nakatitig sa aking mga mata. Itinulak ko siya. Dun lang ako nakawala ng sabihin niya iyon. Tila ba nanghina siya ng banggitin niya iyon. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Tila ba may nasabing mali. Ngunit napalitan ng takot ang gulat. Napahilamos ako sa aking kamay ng sabihin niya na naman ang salitang yun. “I’m tired of loving you from afar... God knows how much I tired.” Aniya. Napailing ako at bumagsak ang mata sa lupa. Para saan ba talaga ang mga luhang kumakawala na ito? Para ba ito sa pag ibig na naputol o para sa pag ibig na mali na gustong ipilit? “The last time you left, I almost wrecked my life.” Nanghihinang sabi niya. Ngayon ay pangalawang beses ko dudurugin ang puso niya. Makikipag laro ako sa apoy ng pag ibig niya. Magagamit ko ang kahinaan niya laban sa Ama niya. Kinain ko ang distansya naming dalawa. Kita ko ang pag sunod ng mga mata niya sa ginawa ko. “Give me all the evidence about your father Zeus Calderon.” Ako. Natigilan siya sa sinabi kong iyon. Pumatak ang ulan sa kanyang maharlikang mukha. Ngunit ang ekspresyon nito ay biglang nagbago. “You expect me to say yes?” Tanong niya. Walang emosyon ang mga mata niya ng mahanap ko iyon. Napalunok ako ng sariling laway ng napatingala ito at ibinagsak ang tingin sa akin muli. Gumalaw ang Adams apple nito sa bawat marahas na paglunok na pinapakawalan niya. Tila ba napalitan ng iritasyon ang lahat. Bahagya akong natawa. “ I know, you can’t.” Puno ng dismayang sabi ko. “Alam mo na ang kahinaan ko. Now you expect me to say YES!” Si Perseus. Na medyo tumaas ang boses. Lumayo siya sa akin. Nahimigan ko ang paghinga niya ng malalim. Tila ba pinigtas ko ang natitira niyang pasensya. At ngayon ay tila sasabog na ito. “Bakit ba inaasahan ko pa. Ama natin siya at alam kong ang katulad niya ay hindi mo siya ilalaglag. Dahil sa kanya ka lumaki.” Ako. At umambang tatalikuran na siya. “Now you hurt me in your drastic way, huh?” Aniya ng mahuli niya ang braso ko na nag ambang tumalikod. Kita ko ang nanghihina sa kanya mga mata. Kung hindi lang umuulan ay iisipin kong umiiyak siya. I think he was just holding himself. Tingin ko ay may sasabihin pa siyang iba. “This all you want?” Tanong niya. “You used me back then, it’s unfair if you don’t—.” “Yes!” Sigaw niya. Halos lamunin ng boses niya ang sasabihin ko. “I will give you all the goddamn evidence!” “Ibibigay ko sayo ang lahat, kapalit ng pagmamahal mo.” “Isn’t that very selfish?” Bahagya itong natawa. Sa huling sinabi. “Bakit ngayon mo lang naisip ang lahat ng iyan? Pwede mo gawin yan nuon pa! Alam mong ang ama mo ang may sala kung bakit nadudusa si Mama. Bakit ngayon lang!? Dahil iniisip mong mag papatawad pa ako at makukuha mo iyon kung makukuha mo ang loob ko?! You f****d me. Kahit alam mong mag kapatid tayong dalawa!” Binitawan niya ako. Kita ko ang pag yukom ng kamay niya. “I didn’t have enough power back then. To help you. Gustong gusto kitang tulungan. Pero mas iniisip ko mas mapapahamak ka kung gagawin ko iyon ng di pinag iisipan ang lahat.” “When you fell off this f*cking bridge. Ang pag ligtas lang sayo ang nagawa nuon. Masakit sa aking iwan ka sa dalampasigan ng walang malay.” “But I have no choice but to do that thing.” Nanghihinang sabi nito. “For god sake. Hindi tayo mag kapatid.” Madiin sabi niya. Nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay nag bato ako sa kinatatayuan ko. Nawala lahat ng sasabihin ko nang sabihin niya iyon. Pakiramdam ko ay kasabay ng pag tila ng ulan. Ang paglalaho ng lahat ng puwede kong isumbat sa kanya. Umamba muli ako ng talikod. Ngunit ngayon ay mas matindi ang pag pigil niya sa akin. Gulat at kakaibang pakiramdam ang bumalot sa akin. Kakaiba dahil... Sa Wakas ay mas madaling maunawaan ni Primrose ang lahat ng ito. “Bitawan mo ako! Ibigay mo sa akin lahat ng ebidensya.” Ako. At hinawi ang kamay niyang muling pumaso sa akin. Kita ko ang paggalaw ng panga niya sa ginawa ko. Ngunit nanatili itong kalmado at muling hinawakan ang braso ko sa ikaapat na pagkakataon. “I said—.” “If you want to get everything you need.” “Get in my f*cking car.” Aniya. At hinala ako ruon papasok. “Yung kotse ko!” Inis na sambit ko ng aambang ibaba ko ang paa ko sa baba ng kotse. “For f*ck sake, Andra! I’ll get your car. Just f*cking stay.” Aniya tila na napigtas nang tuluyan ang kaonting pasensya niya. Nang makapasok ito ay kaagad nitong kinuha ang cellphone sa kanyang slacks. Walang emosyon ang kanya mukha ng ilagay niya ang phone sa kanyang tenga. Pag baba at pag kunot lang ng kilay ang ibinigay niya, bahang nakikinig sa phone. “Cancel all my meetings now.. I have something important to attend to.” “No, tell Mira that I can’t go to her Dinner party. Mag tungo kayo ng tulay ng Dela Rosa, para makuha ang kotse niya ruon.” Si Perseus at ibinaba ang cellphone. Umilaw muli ang screen ng cellphone niya. Ngunit mabilis niyang ibinaba ang tawag na makita ko ruon ang pangalan ng Tatay ng fiancé niya. “Sandali ko lang aagawin ang oras mo sa Fiancé mo. Ngunit halos mag maktol na siya sa Tatay niya para lang makapunta ka ruon?” Pasaring na sabi ko. At inabala ang sarili sa pag tingin sa bawat street lights na nadadaanan naming dalawa. Hindi niya ako pinansin. Nag patuloy lang siya sa pag mamando sa manibela. Ibinaling niya sa ibang direksyon ang sasakyan niya. Hindi pamilyar sa akin ang aming dinadaanan. Ngunit ibinigay ko ang buong tiwala ko sa kanya. Na safe ang pupuntahan namin. Nakarating kami sa isang malaking bahay. Modern stone house ang tema nito. At napapalibutan ng LED lights ang buong lugar. Sa harap ay bubungad sayo ang magandang veranda. Napapalibutan ng bermuda grass ang lapag. Kaya’t bagay na bagay iyon sa magandang design ng buong kabahayan. “Dry yourself off. Basang basa ka.” Aniya at hinubad ang suot nitong white sleeve sa aking harapan. Halos napasinghap ako at mabilis na tumalikod sa ginawa niya. “Take off everything you’re wearing. Para matuyo at mailagay ko sa dryer.” “O gusto mong ibili na kang kita ng bagong damit, tell me?” Aniya. Bahagya akong natawa sa tanong niyang iyon. Wala bang gamit si Mara rito na pwede kong isuot? Imposibleng wala siya na kahit ano gamit na pang babae rito. “Hindi ko kailangan ang mga bagay na iyan. I won’t waste my time. Where is all the evidence?” Ako. Hindi niya na naman ako sinagot. Naramdaman ko sa aking likod ang isang itim na roba. Nang yumakap ang tela sa aking balat. Dun ko lang nakaramdam ng init. “You will get sick if you wear those wet clothes.” Aniya. Napahilamos ako sa aking mukha ng mag salita siyang muli. Hirap ko siya ng buong tapang. Nakita ko ang mga butil na patak ng tubig na bumabagsak sa kanyang maputing balat. Bawat butil ay tumadaan sa kanyang maliit na nunal sa kanyang leeg. Ang asul na mga mata nito ay mapungay na nakatitig sa akin. “Goddamnit Perseus!” Nagigilid ang luhang sigaw ko sa kanya. “Bakit?! Give all those f*****g evidence!” Napapikit siya ng mariin. Ramdam ko ang sakit ng dilat niya muli ang maganda niyang mata at tinitigan akong mabuti. Umangat ang kurba ng labi niya. Pero itinim niya muli ito at napahinga ng malalim. “Is this really all you want?” “Really Andra?” Aniya. Puno iyon ng painit at bahagyang natawa. “Why? Do you think I did it for myself, huh?” Nagigilid ang luhang kastigo ko. “Makasarili ba ako kung hustisya ni Mama ang mas kailangan ko ngayon?” Tanong ko. “Is this the justice you want? Abandonahin lahat ng taong nakapaligid sayo at maging halimaw na tila ngayon lang nakawala sa matagal na panahon. At tila isang galit na galit na hayop na handang maging halimaw sa hukuman para hustisyang gusto niya.” “Andra this all you want?!” Sigaw niya sa akin. Nag init ang sulok ng mata ko sa sinabi niyang iyon. “Oo! Inabandona ko si Mama para makakilos ako ng ayon sa gusto ko!” “Napilitan akong iwan ang lahat at harapin ang buwis buhay na bagay na ito, para lang matulungan siya!” Gumuguhit ang sakit sa dibdib ko. Kinabog ko iyon ng malakas. Pakiramdam ko ay maiibsan ang sakit sa oras na physical kong saktan ang sarili ko. “Kinalimutan ko ang kasiyahan para lang maging makapangyarihan! Pinaalis ko ang mga Romero para lang hindi sila maging sagabal sa akin!” I said between my sobs. “Ngayon sabihin mo! Paano mamahalin mo ang katulad ko!” Sinuntok ko ang dibdib niya. Hinayaan niya ako. Ngunit mabilis niya ako hinala upang yakapin ng mahigpit. Hindi ito nag salita. Patuloy niya akong niyakap. Patuloy ang pag pasag ko sa kanya. Unti-unting akong nilalamon ng sarili kong galit. Gusto kong isisi sa kanya ang lahat ng ito. Ngunit ang puso ko ay nananatiling sa kanya parin. Ni hindi magawang mag tanim ng galit kahit minsan. “I’m still doing my best to make thing right.. hanggang ngayon.. lumipas man ang maraming taon. Hindi magbabago ang pagtingin ko sayo.” He whispered. “I’m in love with you, the way you are.” He said in a shaking voice. Ibinaba ko ang tingin sa lupa. At patuloy na umiyak. Hirap. Ang hirap hirap niyang mahalin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD