kabanata 16

2049 Words
Ibinagsak ko lahat ng gamit ko nang makauwi ako ng condo. Isa isa kong hinubad ang basang damit na suot ko. Hawak ko ang lahat ng ebidensya tungkol sa kanyang Ama. Isang makapal na envelope ang ibinigay niya. Matapos iyon ay umalis ako sa bahay niya at iniwan siyang nag iisa. Nanginginig ang kamay ko habang pinagmamasdan ko iyon. At napahinga ng malalim. Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko. Tila hindi ko kayang makita ang kahayupang ginawa nila kay Mama. Sa Statements ako unang nag simula. Last week marso taong 1998 Gov. Zeus Calderon (law and court order) David Lazaro while quoting a forensic science laboratory report in the Cassiopin Alvarez case, said semen or sperm was found in the viscera sample. Ang pahayag ni Calderon, na tila negatibo sa mga alegasyon ng panggagahasa, ay hinamon ng ilang eksperto sa batas, batay sa umiiral na batas. The victim in her statement to doctors during medical examination has claimed both physical assault as well as “complete” penetration by p***s of the v****a. The report is required to provide reasoning for the conclusion and the exact time of commencement and completion of the examination in the Cassiopin Alvarez case, ang medikal na pagsusuri ng 20 taong gulang ay isinagawa noong Marso 20 sa Dela Rosa medical habang ang insidente ay naganap umano. Sa penthouse marso 20 taong 1998. Nabitawan ko iyon sa panghihina. Napakapit ako ng mariin at kumuha ng lakas upang buklatin ang lahat ng mga litrato kuha si Mama. Iba’t ibang lalaki ang kasama sa litrato. Habang tulog ito at walang malay. Boris Almazan. Rei Rosales. Alfred Angelo. Grat smith. Ronald Reagan. Paulo Obando. Frank Castillo. Angelo Ferdinando. Ang mga rapist na itinuro ni Zeus Calderon upang maibaling ang lahat ng kasinungalingan niya. Ang mga ito ang idiniin niya sa kasong iyon. Gayong DNA lang niya ang nakita sa medical examination. Ngunit lahat ng iyon ay patay na. Hinawakan ni Prosecutor David Lazaro ang kasong iyon. Ang kasong isinampa ni Mama laban sa kay Zeus Calderon. Ngunit pinawalang bisa iyon ng hukuman dahil sa kawalan ng ebidensya. Binura ni David Lazaro ang lahat ng pwedeng magamit ni Mama laban kay Zeus Calderon. Ayon sa examination lumabas na pinagamit si Mama ng Party drugs. Ang bawat footage na nakuha mula sa isang disco party ay nagsasabi na kinuha si Mama ng tauhan ni Zeus sa oras na alas otso ng gabi marso 15, hindi na nakabalik si Mama sa ginagawa nitong commercial. Ngunit hindi dineklara si Mamang nawawala dahil ang alam ng lahat ay may ugnayan si Mama at si Gov. Ayon sa medical ay tatlong linggo ng buntis si Mama. Base sa mga pasa nito sa report ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa. Ang pasa at marka ng kamay sa leeg ni Mama ang nagpapatunay sa lahat ng iyon. Sa hita ay maselang parte ng katawan. Patunay na ilang beses hinalay ng isang tao ang katawan niya. Halos malukot ko ang papel na hawak ko habang binasa iyon. Hindi ko masikmura ang kahayupan niya. Paano din nagawa ni David Lazaro na hayaan ang lahat ng ito? Nang kinaumagahan. Nagsimula ang paglilitis sa huling trial kaso ni Morris. Inayos ko ang sarili kong mag tungo ako sa courtroom kung saan gaganapin ang huling paglilitis sa kasong kinakaharap ni Morris Lazaro. Ngunit katulad ng napag usapan namin ni Christian Romero. Hindi ito nag tungo sa huling paglilitis. Huling minuto na bago ideklara na dismissed ang buong paglilitis. Ngunit kahit isang anino niya ay di dumating. Tingin ko ay sinunod niya ang sinabi ko sa kanya. Umalis ito ng bansa. Nangako akong bibigyan ng katurangan ang nangyari sa kapatid. Kaya’t kahit anong nangyari ay hindi mababaliwala ang ibinigay niya sa aking tiwala. Hinilot ko ang aking sintido. Habang inaalis ang black robe sa aking katawan. “Did you kill him?” Natatawang tanong ni Morris sa akin. Habang inaayos nito ang kurbata ng tuxedo nitong suot. “There is no need to know, whether I will kill them or not. Dapat ay maging masaya ka.” Ako ay tinanggal ang pinakahuling piraso ng robe na suot ko. “Salamat sa paglilinis ng mga basurang ginawa ng anak ko.” Napatigil ako sa pamilyar na boses na iyon. Nang ingat ko ang tingin ko ay tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni dating prosecutor. David Lazaro. “Salamat rin.” “Tatawin ko na malaking karangalan ang maglingkod sa anak niyo.” Nakangiting sabi ko. Kinuha ko ang kamay niyang nakaambang makipag kamay sa akin. “Mukhang magkakasundo tayo Prosecutor Alvarez.” Aniya. “Ikinagagalak ko iyon kung ganun.” Ako at binitawan ang kamay niya. “I’m courting Prosecutor Alvarez. Dad, I also want you to meet her.” Aniya at kinuha ang balikat ko. Upang maidikit ako sa kanya. Nag taas ng kilay sa aking ang matandang Lazaro. Mapakla akong ngumiti at ibinalik ang tingin kay Morris. Ngunit binigyan niya lang ako na matamis na ngiti. “Kung nililigawan mo siya. Bakit hindi mo siya ayain mag dinner satin, para sa isang selebrasyon?” Si David Lazaro. “Tingin ko ay busy siya ngayon a—.” Pinutol ko si Moris. “Hindi ko tatanggihan ang imbistasyong iyan. Bilang tinatanaw kong inspirasyon ang katulad mo Sir. Nakakagalak na imbitahan ako ng katulad mo. Gov. Lazaro.” Ako at ngumiti sa kanya. Naputol ang ngiti niyang iyon. Ang labi nito ay naging matuwid. Pinagmasdan niya akong mabuti. Tila kinikilala. Habang nanliliit ang mga mata nito. I am wearing the summer floral sleeve retro, A line dress. Paglabas ko ng condo ay ang black Ranger ni Morris ang tumambad sa akin. Nakasuot ito ng White sleeve polo. Tingin ko ay galing ito sa trabaho at rito dumiretso sa akin. Nag angat ito ng tingin sa akin. Nakataas ang kurba ng labi nito at halos maramdaman ko ang pag hagod niya ng tingin pababa. “Sinabi ko naman. You don’t have to pick me up. I can go there by myself.” Ako at pinasadahan ko ng hagod ang mahaba kong buhok. “I would be more professional if I did. Besides naruon si Tito Zeus para sa engagement dinner.” Aniya at binuksan ang shotgun seat upang makaupo ako. “Is your sister getting married?” I asked. “Yeah, actually it’s not really a wedding. You know the world of business.” “Malaki ang naitulong sa amin ng mga Calderon nuon pa. Not just in business.” Si Moris at minando ang sasakyan. Tumango ako ay itinuon ang mga mata sa kalsada. “About your Corpse art. Bakit mo iyon ginagawa?” Tanong ko. Nakita ko ang mapaklang ngisi niya at nag tapon ng tingin sa akin. Kita ko sa front mirror ng kotse ang reaksyon niya sa naging tanong ko. “I call it a masterpiece.. because its one of a kind,unique and original.” Si Moris. Bahagya akong natawa. Pinulot ko muli ang sarili ko. Dahil nararamdaman ko na naman ang matinding pag kamuhi. The decision I made is very f*cking selfish. But that would be better for his family. Kamatayan ang naghihintay sa kanila. Ang hindi ko lalo masikmura ay kasama ko pa sa iisang lugar ang mamatay tao na ito. “You call it a masterpiece, because you’re using the body of the person you killed?” I spat. Humalakhak ito. At mas lalong binilisan ang takbo ng kotse niya. Hindi ako nag bigay ng emosyon sa ginawa niyang iyon. Tumingin siya sa akin na tila sinusukat ako. “I know you approach me for another reason. Hindi naman ako tanga para hindi ka i-under investigation. I know you have a past with that Perseus Riley Calderon.” “Isn’t it true?” Hindi ko alam kung tanong pa iyon o pagkukumpirma na. Ngunit pakiramdam ko ay alam niya na ang isasagot ko. “I don’t need to answer that personal matter.” Ako. “Yes you need. We’re friends.” Aniya. “Ginagawa ko ang trabaho. And it is not my duty to be friends with you.” Ibinaling niya ang sasakyan tumambad sa aking ang isang Spanish style na mansion. Puno iyong ng paper tree. Unang bubungad pag pasok ay ang napakalaking hubad na anghel na nakatungtong sa malaking fountain. “Here we are.” Tamad na sabi nito at binuksan ang kanya pinto. Umikot ito upang buksan ang pinto ng shotgun seat kung saan ako nakaupo. Garden dinner ang naging tema ng dinner na ito. Nang makarating kami sa backyard ng bahay ay bungad sa akin ang nakapagandang mga halaman at malalagong puno. Napapalibutan ng LED ang buong paligid. Tila nasa isang kaharian ka. Natanaw ko ang mag asawang Lazaro at ang anak nitong si Mara, habang katabi nito si Perseus, ang panghuli ay ang matandang Calderon. Masaya itong nakikipag usap sa mag asawang Lazaro. “How does it feel, huh? To see the person you once loved, getting married?” Bulong sa akin ni Moris. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg at gumapang ang kamay nito sa aking maliit na balikat. “61KC of the Crimes Act 1900 ‘s****l touch’ is one which includes the act of touching another person on any part of the body in circumstances where a reasonable person would consider the touching to be sexual.” Madiin ko sabi. Nag taas ito ng kilay sa akin at natawa. “Wala tayo sa hukuman Prosecutor Alvarez.” Aniya. At kinuha ang beywang ko. Nakarating kami sa hapag. Nawala ang ngiti ni Zeus Calderon nang mag tama ang tingin naming dalawa. Sampung taong lumipas ay tila wala pa rin siyang pinag bago. Namuo ang galit sa mga mata nito. Habang si Perseus ay nanatiling nakatingin ang asul na mga mata sa akin. Ibinaba ni Zeus Calderon ang kanyang hawak na glass wine at kinuha ang table napkin sa kanyang tabi. Ang nawalang ngiti ay pinulot niyang muli at nakipag tagisan ng titig sa akin. “Prosecutor Alvarez.” Aniya at ngumiti sa akin. Wala akong naging emosyon ng tumayo ito at inilahad ang kamay sa akin. Nanatili akong nakatitig sa mga kamay niya. Hindi ko iyon magawang hawakan. Kaya’t kaagad kinuha ni Moris iyon at siya ang nakipag kamay kay Zeus Calderon. “Nag kasakit pala kayo Tito. Mabuti ay pinaunlakan mo ang imbistasyong ito.”. Si Morris. “Ayos naman na ako Hijo.” Si Zeus. Masayang ngumiti ito kay Moris. Ngunit ang mata ay mabilis ibinaling sa akin. “Oh.. ikaw pala si Prosecutor Alvarez.” Ang Mama ni Mara, na si Elena Pineda Lazaro. Kaagad itong tumayo at nag beso sa akin. Ngumiti ako kay Elena at pinaunlakan ako na umupo sa tabi ni Perseus. Sa kabila naman ay si Mara. Kita ko ang pag tiim ng bagang ni Perseus sa nangyayari. Ngunit wala itong naging imik ruon. Hinalops ni Mara ang braso ni Perseus. Ngunit nanatali ang galit na ekspresyon nito. “You are Prosecutor Alvarez. How ironic that you also did what David Lazaro did before.” Walang pakundangan segunda nito. Natahimik ang buong hapag sa sinabing iyon ni Zeus Calderon. Gumuhit ang gulat sa mga mata ng mag inang Elena at Mara. Pero ang apat na kalalakihan sa hapag ay tila alam ang lahat ng ito. “Dalawang beses mo na akong sinubukang patayin. Narito ako ngayon sa harap mo at humihinga pa rin.” Ako. Gumuhit ang galit sa mga mata niya. Kaagad pinalayas ni David Lazaro ang dalawang anak nito at ang asawang babae. Ako ang naiwan nag iisang babae sa hapag. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad sa pagkasira ko sa magandang dinner na ito. Na tingin ko ay pinaghanda pa ng pamilya ni Mara. “Ilang beses pa para hindi kana makabangon ng tuluyan?” Natatawang tanong nito sa akin. Habang ang mga mata ay puno ng kakaibang galit. Kinuha ang wine glasses sa aking harapan. Ipinasok ko ang dalawang daliri ko sa tangkay nun at inikot-ikot ko iyon sa dining table. Ang tatlong kalalakihan na si Zeus, David at Perseus ay pinagmamasdan ang bawat naging kilos ko. Pinag masdan ko ang pag ikot ng pulang red wine sa aking baso. Tila isang dugo na umiikot iyon. Buhay na buhay at galit na galit. Katulad ng nararamdaman ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD