Tahimik si Perseus na nakikiramdam sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung alam niya ang mangyayari ito o hindi niya lang pinahalatang pati siya ay nagulat.
“You don’t have to count that anymore.. matagal na akong patay. Matagal ko nang pinatay ang sarili ko para lang maging halimaw at makaharap kang muli.” Ako.
Tumikhim ito at inilapag ang kanang kamay sa lamesa. Nilaro nito ang bread knife habang nakatingin sa akin. Umangat ang kurba ng labi niya at binigyan ako ng makapanindig balahibong tawa. Tila may nakakatawa nga sa usapan namin.
“Cassiopin Alvarez. Ohh.. the person I loved and the person who broke my heart. Kung nasa katinuan lang ang iyong magulang ay malamang nanaisin niyang hindi mag salita ng kahit ano na tungkol sa akin.” Umiling nasabi nito.
“Protect your good image from the eyes of positive viewers, who may look at your bad appearance. Kaya ba nagawa mo sa kanya iyon. Kaya ba binaliw mo siya dahil Governador ka ng taong iyon, at ayaw mong mabahiran ng kahit anong dumi ang pangalan mo?!” Sikmat ko sa kanya.
Nanginginig ang mga kamay ko sa galit. Pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Hindi sapat ang lahat ng mayroon ako. Kung ilalabas ko ang handcuffs na hawak ko at aarestuhin ko siya ay tiyak mababalewala lahat ng iyon.
“Hindi siya nabaliw dahil sa drugs Andra. Nabaliw siya ng iwan ko siya. Nabaliw siya dahil nalaman niyang may pamilya ako.”
Dinukot ko sa sling bag ang hawak ko handcuffs. Madiin ang hawak ko ruon. Ang galit at inis ay tila dumadaloy sa tuktok ng aking ulo. Hindi alam kung para saan ang pagsisinungaling na iyon.
“Save your skin from the corrosive acids from the mouths of toxic people. Dadating ang araw na ang lahat ng kasinungalingan mo ang mag bubunyag sa tunay mong balat mo.” Madiin kong sabi ko.
Nag tama ang tingin namin. Nakipag tagisan siya sa akin ng tingin. Hanggang si Zeus Calderon, mismo ang bumitaw sa titig na iyon.
“There is no witness in that case Miss prosecutor. Matagal ng sarado ang kasong ito. Ang pamilya mo mismo ang ang sara nito at humingi ng abswelto.” Aniya.
“If you want to fight me, you better fly so f*cking high Andra Mira Alvarez.” Madiin sabi nito.
“Hindi ako lilipad ng mataas para lang makalaban ka. Hihilahin kita pababa patungong impyerno kung saan ka nababagay.” Ako at umambang ilalabas ang handcuffs.
Ngunit na pigil ako ni Perseus sa nais kong gawin. Nanatiling nakatitig sa amin si Zeus Calderon. At si David Lazaro.
“Is my son still your weakness?” Natatawa na sabi nito.
Nag iwas ako ng tingin kay Persues at ibinaling kong muli ang tingin sa matandang Calderon.
“I used him to gather information about you.” Madiin ko sabi at tumayo.
“Ang anak mo ay nanatiling baliw sa akin. Paano magiging kahinaan ko ito.” Natatawa kong sabi.
Gumuhit ang sakit sa dibdib mo ng bitawan ko ang salitang iyon. Pakiramdam ko ay ako mismo ang nag laglag sa kanya at nag traydor.
Binitawan ni Perseus ang aking kamay. Tila nang hina ito sa narinig. Kaagad akong tumalikod at dumiretso sa labas.
Napahawak ako sa dibdib ko, nang tuluyan akong makalabas sa mansyon. Ngunit di pa ako nakaka buwelo ay kaagad may kumiklat sa aking braso.
Tumambad sa aking ang malamlam na asul na mga mata ni Perseus. Kaagad kong iwas ang tingin ko sa kanya.
“My baby, just used me to gather some information, huh?” Aniya.
Kumalat ang pait sa aking sistema. Hindi ko alam ang magiging sagot ko sa sinabi niyang iyon. Pakiramdam ko ay mas dinurog ko nga siya ng pino.
“B-bakit mo ako pinigilan?” Nanginginig na tanong ko.
“Ikaw ang prosecutor sa ating dalawa.”
“Don’t change the subject.”
“Ginamit mo lang ba ako?” Tanong niya.
Hindi ako makatitig sa kanya. Siya mismo ang nag angat ng baba ko upang mag lebel ang tingin namin.
“Sinasabing mong gamitin kita. Kapalit ng pagmamahal ko. This is what I’m doing now.” Ako. At hindi ko ipinahalata sa kanya na pati ako at nasasaktan rin.
Nakakahipno nga mga titig niya. Punong puno ng samu't saring emosyon sa aking puso. Habang unti-unti kiyang ninilalapit ang mukha niya sa akin.
Nang tuluyan niyang ilapit ang mukha niya, huminto ito ng kaonti upang hindi mag dikit at mag isa ang mga labi naming dalawa. Naramdaman ko ang pagdapo ng mainit niyang kamay sa aking pulso.
At naramdaman ko ang pag haplos niya sa bangle bracelet na suot ko. Tila ba ipinararamdam niya sa akin na suot ko pa at hawak pa ang pangako naming dalawa.
Sa isa’t isa.
Nanatiling seryoso ang mukha niya. Ngunit ang malamlam na asul na mga mata ang nagsasabing nangungulila siya sa isang bagay.
“Ten years ago, but you are still the innocent Andra I know.” Malamyos niyang sabi.
“Tingin lang ang nagawa ng mawala ka sakin. Hindi ako papayag na hanggang ngayon ay ganun parin.”
Hinawi ko ang kamay niyang nasa baba ko.
“Shut up. You’re getting married.” Mapakla kong sabi.
Nag iwas ito ng tingin. Kita ko ang pag galaw ng panga niya sa ginawa ko. Tila puno na ito sa mga sinasabi ko.
"Let's talk, Andra." Aniya.
Napaismid ako at nag iwas ng tingin sa kanya. Ano pa ba ang dapat naming pag usapang dalawa. Matagal ng tapos ang sa amin. He used me and I used him. Ganun lang iyon.
"We are already talking, what else do you want?" Iritableng sabi ko. Kita ko sa mga mata niya ang pagpipigil ng inis. Hindi ko tuloy maisip ang nararamdaman ko ngayon.
Kanina lang ay sobrang galit ang bumabalot sa akin. Ngayon nag e-enjoy akong makita ang iritableng mukha niya.
"We can't talk here."
"Let's go somewhere else. The more private one." Aniya at kinuha ang kamay ko. Nag patangay ako sa kanya.
Nang makasakay ako sa black Ranger niya ay tahimik niya iyong minando. Patungo sa hindi pamilyar sa akin. Hindi ako kumibo habang siya ay wala ring kahit anong salitang pinakawalan.
"Is it too important to discuss in a private place?" Pag basag ko sa katahimikan. Dahil halos mapanis ang laway ko.
"Yes, masyadong marami ang ebidensya. Hindi sapat ang isang kitaan lang para sa lahat ng iyon." Aniya.
Nanliit ang mata ko sa sinabing niyang yun. Hindi ko mabasa ang nais niyang mangyari. Ama niya ang nais kong makulong, hindi ko maintindihan, kung bakit tinutulungan niya akong magawa ko iyon at maisakatuparan ang lahat.
"Why are you helping me?" I asked. Gusto kong malaman ang rason niya. Ayokong ako mismo ang makadiskubre nun.
"I already said the reason."
"Hindi sapat ang dahilang iyon. Hindi sapat na pagmamahal lang ang rason mo kung bakit mo ginagawa ito." Ako.
Inihinto niya ang kotse sa isang magandang isla. Nag iisa ang bahay ruon at kulay puti ang kulay ng dingding ng labas. Kaya naman kapansin pansin iyon. Puno rin ng mga puno. Tingin ko ay lagi itong nililinis, base sa mga bermudang tingin ko ay kakatrim lang.
Napapalibutan ng tubig ang buong kabahayan. Napakaganda ngunit gumuhit ang sakit sa aking dibdib ng maalala ko bigla si Mama.
"Is there something wrong?" Tanong niya nang mapahinto ako sa pinto, at matutula habang tinatanaw ang bahay na iyon.
"Just answer my question, Perseus." Ako.
Kita ko ang iwas niya ng tingin sa akin. Gumalaw ang adams apple nito kaya't nasisiguro kong lumunok ito ng napakalalim bago humarap muli sa akin.
Nasisinagan ng liwanag ng buwan ang kanyang mukha. Una mong mapapansin sa kanyang ang magandang mata niya. At ang matangos na ilong at ang medyo makapal na kilay nito na laging nakakunot.
Niluwagan niya ang necktie niya. Matapos iyon. Ay ipinamulsa naman niya ang dalawang kamay niya.
"Hindi sapat na mahal mo lang ako, kaya mo ako gustong tulungan." Umiling ako at tumitig sa nakakahipno niyang mga mata.
"You betrayed me back then."
"Tingin mo ba ay magtiwala ulit ako sayo?" Ako.
"This traitor wants to help you."
"I am the traitor, who gives evidence to imprison my own father."
"Well, it doesn't matter if you don't trust me." Aniya.
His jaw clenched. Tumitig ako ng mariin sa kanyang habang ito ay nakatingin sa ibang direksyon. Hindi na ito kumibo. Hindi na rin ako nakipag talo sa kanya.
Pero puno pa rin ako ng pagdududa sa kanya. Hindi ko masisi ang sarili ko. Dahil minsan na niya akong niloko at masakit iyon para sa akin. Ayokong mag tiwala ngayon dahil isa siya sa mga anak ng kalaban ko.
Naramdaman ko ang pag patak ng ulan. Kaya't napatingin ako sa kanya, nag taas lang ito ng kilay at nag lakad papasok sa bahay na hinintuan namin.
"The rain will get you wet, if you don't want to come with me." Aniya.
Ngunit nanatili ako sa kinatatayuan ko. Kaagad niyang hinubad ang coat na suot niya. Bumungad sa aking ang matikas nito katawan. Bakat na bakat iyon sa white polo sleeve niyang suot.
Nag iwas kaagad ako ruon ng tingin. Naramdaman ko ang pag lapit niya, at pag haging ng mabango nitong perfume sa aking ilong.
"I still have an effect on you." He said in his husky voice before filling me fully.
Tinabig ko ang inalok niyang coat sa akin, at mas nauna akong matungo sa kanya sa bahay na iyon. Nang hawakan ko ang silinyador ay kaagad iyong nag bukas. Tila may hinihintay ang pintong ito.
Nabasa ang suot kong dress. Kasabay nun ang pag balatay ng matinding lamig sa aking balat. Kinagat ko ang labi ko upang hindi ako manginig.
Naramdaman ko ang pagpasok ni Perseus sa loob ng bahay. Kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at niyakap ang aking sarili.
"Take off your clothes, magkakasakit ka pag nanatiling nakasuot sayo ng basa yan." Aniya.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niyang iyon. Huhubarin ko ang suot ko dress sa harap niya?
Hindi niya hinintay ang gagawin ko. Pati siya ay nag hubad na. Tumambad sa akin ang maputi niyang dibdib. His body was firm and strong. Ang biceps nitong makapanindig balahibo.
Ngunit mas kapansin pansin ang isang baybayin tattoo sa kanyang bandang collar bone.
"Take off your dress, I won't look Andra."
"Don't take off your underwear and bra." Aniya.
Halos umakyat ang init sa aking ulo ng sabihin niya iyon. Humarap ako sa kanya tumambad sa akin ang inosente niyang mga mata. Kaagad kong ibinaba ang strap ng aking suot na dress. Kita ko ang pag tingin niya ruon.
"F*cking sh*t." He murmured. Kaagad itong tumalikod at hinagod ang kanya buhok patungo sa batok.
Unti-unting bumagsak ang straps ng suot kong mini dress sa aking braso. Narinig ko ang maliliit niyang mura.
The dress I was wearing fell on the floor. Dahil dress lang iyon, mabilis lang dumaosdus iyon sa aking binti. Nanatili itong nakatalikod. Habang hawak nitong ang itim niyang coat.
Alam kong hindi siya haharap. Kaya’t nag tungo ako sa kanya upang kunin ang coat sa kanyang kanang kamay.
“Ohh god!” Sigaw ko. Nang bigla itong humarap nakataas na ang kaliwang kamay ko upang sana abutin ang coat, sa kanyang kanang kamay.
He groaned. I thought he would turn back again. Ngunit kaagad niyang inilagay sa aking harapan ang coat at mabilis muling tumalikod. Napahimas ito sa kanyang batok tila sagad na sa kanya ang lahat ng nangyayari.
“I’m sorry. I thought you didn’t take off your clothes.” Aniya.
“N-no it’s fine.” Ako at inayos ko ang coat sa akin. Kita ko ang pagtagilid ng kanyang ulo. Kaya’t mabilis ko iyong inayos at isinuot.
Natigilan kami nang mag ring ang cellphone niya. Nakalapag ang phone niya sa maliit na coffee table. Kaya’t kitang kita ko ang pangalan ni Mara ruon.
Nag tama pa ang tingin naming dalawa. Ang akala ko ay kukunin niya ang cellphone niya. Ngunit nanatili itong nakatitig sa akin.
“Bakit hindi sinasagot ang tawag ng fiancé mo?” Mapait kong tanong. Tinalikuran ko siya at naupo sa maliit na sofa, malapit lang sa coffee table kung nasaan ang phone niya.