"Juson. . ." tawag ni Marga sa kaniyang asawa nang magising na siya mula sa pagkakatulog. Ramdam na ramdam iya pa rin ang sakit sa kaniyang ibaba, kaya hindi niya halos maigalaw ang kaniyang katawan. Nanaghihina pa siya. Pagbaling niya sa kaniyang kaliwa ay agad na sumalubong sa kaniya ang mahimbing na natutulog na si Marco--- ang kanilang anak na sanggol. Hindi napigilan ni Marga ang pag-agos ng luha sa kaniyang pisngi ng mga oras na iyon. Labis na ligaya ang kaniyang nararamdamn, hindi niya maipaliwanag, iisang ligayang nararamdaman ng bawat ina sa mundo sa tuwing makikita ang anak na iniluwal nil mula sa sinapupunan. Hinalikan niya sa noo ang anak. Napa-cute na bata, nakikita niya na manang-mana ito sa kaniyang asawa na si Juson. Hindi niya mailabas ang nararamdaman sa mga oras na iy

