Chapter 52 MAHINA ang mga hakbang nila Evoon saka Giria. Hindi pwede na makagawa man lamang sila ng ingay na dalawa. Kapag mangyari iyon hindi nila magagawa na makita kung ano ang naroroon sa third floor. Nakasunod lamang si Giria sa likuran ni Evoon, hinihintay niya kung ano ang susunod na gagawin ng lalaki sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang nararamdaman habang nakasunod ang kaniyang tingin sa likuran nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ang bilis ng t***k ng kaniyang puso, parang may kung anong lumilipad sa kaniyang tiyan. Masaya siya na silang dalawa na magkasama ni Evoon sa mga oras na iyon, at sabay nilang haharapin kung may panganib man na nakaabang sa kanilang dalawa. Agad na nagkubli silang dalawa sa likur

