Chapter 51 NAPATINGIN na lamang si Juson sa buong hall na pinagdalhan sa kaniya. Hindi niya alam kung saan siya lulugar sa mga oras na iyon. Napahinga siya nang malalim saka hindi alam ang gagawin, ngayon niya lang nalaman na napakaraming mga tao pala ang nakaligtas mula sa mga nilalang. Mabuti na lang at may mga sundalo at kapulisan na handa silang iligtas sa mga oras na iyon. Kaya siguro kung hindi dumating ang mga sundalo kanina para iligtas sila ni Marco mula sa mga nilalang, panigurado na patay na silang mag-ama. Sa rami pa naman na mga nilalang na humahabol sa kaniya ay hindi iyon imposible na mangyari. “Sumunod ka sa akin,” anyaya sa kaniya ng isang sundalo, kaya napatango na lamang siya kahit na hindi niya alam kung ano ang rason at pinapasunod siya nit

