Chapter 4
HALOS LAMAN NG mga balita sa telebisyon, radyo, tabloid, at social media ang tungkol sa virus ngayong kalat na sa buong lungsod ng Pilipinas. Hanggang ngayo'y hindi pa alam ng mga awtoridad kung ano ang dahilan ng pagkalat ng virus na ito. At maging kung ano ang pinagmulan nito.
Halos simula pa sila kahapon nakakulong sa loob ng bahay kasama ang pamilya ni Tito Henry. Nasabi kasi ng matanda na hindi sila dapat maghiwalay at magsama-sama dapat sila para matulungan ang isa't isa.
Lalo na at malapit na sa kanilang lugar ang mga nilalang na infected. Puno ng kaba ang mga tao sa kanilang lugar. Ang iba'y nagsilikas na at umaalis. Pero kahit anong gawin ng pag-iwas sa virus ay hindi mapipigilan ang pagkalat ng mga ito.
Nag-aalala siya sa Lolo Carding niya at Lola Paula. Hindi niya lubos maisip kung paano ang mga ito lalaban sa mga affected ng virus. Paano na kung infected na rin pala ang mga ito? Hindi niya alam ang gagawin kapag mangyari nga iyon. Lalo na at malaki ang posibilidad dahil kalat na kalat na ang virus sa buong lungsod ng Pilipinas.
Sana ay hindi na lang siya natuloy sa paghahanap ng mga totoong magulang at nanatili na lang siya sa tabi ng mga ito. Baka sakaling mabantayan niya at masigurado ang mga kapakanan ng mga ito.
Sana makayanan niya at matanggap kapag kung ano man ang mangyari sa Lolo Carding at Lola Paula niya.
Hiling niya sana na magkaroon siya ng lakas ng loob na harapin ang epidemyang ito na kumakalat sa buong Pilipinas.
Huminga siya nang malalim. Nanonood siya ng balita ngayon sa telebisyon. Wala siyang nagagawa buong mag-hapon. Nasa loob lamang sila ng bahay ni Tito Henry.
Kasama niya ang kasintahang si Moonsar, si Lilith na nag-iisang anak nila Tito Henry at Tita Julie. Nasa labing pitong taon na rin si Lilith.
Hindi na sila natuloy ni Moonsar sa paghahanap ng mga magulang niya. Dahil may malaking posibilidad na baka nabiktima na rin ang mga ito ng virus. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa na makita at makasama pa niya ang mga ito.
Isa pa kapag uunahin niyang hanapin ang mga ito'y hindi niya masisigurado kung magiging ligtas sila palagi ni Moonsar. Kaya't pinili na lamang niyang hindi na muna ang mga ito hanapin. Saka na lamang kapag mapuksa na itong klase ng virus sa Pilipinas.
Hiling niya na sana'y matapos na itong sitwasyon na ito. Para mahanap na rin niya ang mga magulang.
Nag-aabang siya ng balita kung ano na ang ganap sa buong paligid. Maging ang sa virus na hindi pa rin napapangalanan ng siyensya. Hindi pa rin alam ng mga doktor kung saan ito nanggaling o nagmula. Wala pa ring balita na iba sa telebisyon, bukod sa marami nang mga taong apektado na ng virus. At patuloy ito sa pagkalat.
Umupo si Lilith sa tabi niya. May dala itong tasa na may lamang gatas. Umaga pa lang kasi at nalaman niyang nakaugalian na nito palaging uminom ng gatas tuwing umaga.
Kung saan nakikita naman niya ang magandang pangangatawan nito at hindi sakitin.
“Ate? Kumusta na ang balita?” biglang untag nito sa kaniya.
Inilapag niya ang diyaryong hawak at inilapag sa ibabaw ng maliit na mesa sa gitna ng sala. Nanonood siya ng telebisyon habang nagbabasa naman sa diyaryo kanina.
Sumandal siya sa sofa at sinagot ang dalaga. “Wala pa ring balita tungkol sa magiging gamot sa virus at paano itong mapupuksa. Marami nang mga Pilipino ang apektado ng virus. Kaya't hindi tayo makakasigurado kung magiging ligtas tayo sa lugar na ito. Lalo na at malalakas ang mga nilalang na ito.”
Nakikita niya ang takot sa mga mata nito nang tingnan niya. Maging siya'y natatakot rin lalo na at hindi sila sigurado kung masusulosyonan ba ng mga doktor ang ganoong klase ng virus o kahit ng scientist man lang.
Ininom muna ni Lilith ang gatas nito bago ito nagsalita.
“Hindi ako sigurado sa kutob ko pero malakas ang tiwala ko na ang dahilan ng virus na ito ay ang mga may sakit na AIDS o kaya naman ay HIV.”
Kumibit-balikat siya. Hindi siya kumbisado sa sinabi ng dalagang si Lilith. Diserie is surely sure that this virus came from something. That something cause this kind of virus.
And she is sure that this is not as simply as virus she knew. This is a very dangerous kind of virus. Even the scientist and doctors cannot find any cure or antidote on the said approaching virus now in the country of the Philippines. Kung bakit ang tagal ang mga ito makahanap ng gamot.
“We are not surely sure where it came from or what is the reason and whete this virus made of. But seeing some of generation z nowadyas who are addicted in lust and s*x, there is a posibility that. . . that is the cause of this virus.”
Iyon ang kutob niya. Kung kaya't bakit nagkaroon ng ganitong klaseng virus. Kung bakit paggagahasa ang paraan para kumalat ang virus sa mga tao. At kung bakit ganoong klase at ang galaw ng mga infected.
Tumango-tango si Lilith sa kaniyang sinabi.
“You have a point, ate.”
Nanahimik na lang silang dalawa at nanood na lang ulit ng balita sa telebisyon. Kung ganito na lamang araw-araw ang bubungad sa kaniya'y mas gusgustuhin na lamang niyang harapin ang mga infected at hahanapan ng kasagutan ang lahat.
Pero dahil sa hindi naman siya matapang at wala namang kaalaman sa ganitong sitwasyon ay baka nga mananatili na lamang siyang rito sa loob.
NAKASARA ANG LAHAT ng bintana at pinto ng bahay ni Tito Henry. Pero hindi sila sigurado kung hanggang kailan iyon magiging matibay lalo na at mga malalakas ang mga infected.
Nasa silid siya at nakaupo sa ibabaw ng kama. Naramdaman niyang niyakap siya ni Moonsar mula sa kaniyang likuran. Hinarap niya ito at sinalubong ng isang mainit na halik.
Ipinagdikit nito ang kanilang ilong na dalawa. Hinawakan ang kaniyang kamay saka siya nito hinalikan sa kaniyang noo.
“I am sorry love. Hindi natin mahahanap ang mga magulang mo,” paghingi nito ng pasensya.
Umiling-iling siya saka hinawakan rin niya ang kamay nito. “No, you don't have to say sorry, love. Hindi mo kasalanan ang nangyayari ngayon, kaya't huwag kang humingi ng tawad sa akin. Walang may gustong mangyari ito. It is accidentally by chance that we are here.”
Isinadal siya sa dibdib nito saka hinaplos-haplos ang kaniyang buhok.
“Don't worry, I am here love. Huwag kang matakot. Gagawin ko ang lahat maging ligtas ka lang.”
Ngumiti siya saka tumango-tango. “Alam ko, love. Maraming salamat. Maraming salamat dahil andyan ka palagi para sa akin at nanatili sa tabi ko. Maraming salamat dahil minahal mo ako. Mahal na mahal kita.”
“I love you too, love. I love you so much, even the stars couldn't tell how much I love you.”
Maghahalikan na naman sana ulit silang dalawa ni Moonsar nang biglang may marinig silang sigaw sa labas. Agad silang kumilos ng kasintahan at lumabas ng silid.
At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata nila ni Moonsar nang makita ang isang infected sa loob ng bahay. Hawak-hawak nito ang asawa ni Tito Henry na si Tita Julie.
Sa isang tabi naman ay si Lilith at tila natulala rin ito dahil sa gulat at takot. Maging siya rin ay hindi makakilos. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng katawan.
“Oh, s**t!” rinig niyang sigaw ni Moonsar bago nito kunin ang flower vase sa tabi niya.
Pinalipad ng lalaki iyon papunta sa lalaking infected. Sapol ito sa ulo pero parang wala lang ito rito kahit nabasag na ang flower vase sa ulo nito.
Nakita niya si Tito Henry na may hawak na baril at pinaputok ito sa lalaking hubo't hubad na namumula ang buong katawan at nanunubig— ang infected ng virus. Humandusay ito sa sahig ng bahay.
Agad siyang hinawakan ni Moonsar at hinila. Maging si Lilith ay hinila rin nito. Palabas ng bahay.
“Pumasok na kayo sa kotse!” sigaw nito sa kanilang dalawa ni Lilith.
Taranta silang pumasok ng kotse lalo na at nang makita nila ang mga infected na marami sa labas ng bahay ni Tito Henry.
.
“Love!” sigaw niya nang biglang sunggaban ng babaeng infected ang kasintahan niya. Bumaba siya ng kotse at iniwan si Lilith sa loob ng kotse.
Hindi niya alam pero nawala ang takot at kaba niya nang sa kagustuhang iligtas ang lalaking mahal. Huhubarin na sana ng babaeng imfected ang damit ng kasintahan nang paluin niya ito sa ulo ng bakal na nakita niya sa gilid ng bahay ni Tito Henry.
“Walang-hiya ka! Uunahan mo pa 'ko!” sigaw niya sabay hampas ulit rito nang malakas dahilan para mabasag ang bungo nito.
Agad siyang niyakap ni Moonsar nang makatayo na ito. Sakto namang paglabas ni Tito Henry at Tita Julie.
“I hear it love!” biro pa sa kaniya ni Moonsar.
Inirapan niya ito at pumasok na ng kotse. Sumunod naman ito sa kaniya at maging sina Tito Henry at Tita Julie.
Agad na pinaandar ni Tito Henry ang kotse nang malapit na sa kanila ang daang-daang infected. Papalapit ang mga ito sa kanila.
“This is bad.” Narinig niyang umiyak si Lilith sa tabi niya. Agad naman niya itong dinaluhan.
“Calm down, we are safe now,” alo niya rito.
Umiling-iling ito sa sinabi niya. “No, we're not. Tingnan niyo sila. Ano ang makakapatay sa mga iyan gayong ang lalakas nila at muling bumabangon kahit na patayin o paputukan ng ilang beses.”
Mabilis na pinaharorot ni Tito Henry ang kotse.
“Magiging ligtas tayo, Lilith. Hindi ko hahayaang mapahamak kayo.”
Napatingin siya kay Tito Henry nang magsalita ito.
“Magdasal lang tayo sa kaligtasan natin, anak. Walang imposible sa kanya,” dagdag naman ni Tita Julie.
Naramdaman niyang hinawakan ni Moonsar ang kamay niya. Ngumiti siya rito. Tila namang kumalma na si Lilith sa tabi niya. Nagpapasalamat siya sa Diyos at hindi sila hinayaang mapahamak.
Biglang gumiwang-giwang ang kotse sa gitna ng kalsada nang maubusan ito ng gas. Narinig ni Diserie na napamura si Tito Henry sa harapan. Pilit naman itong pinapakalma ng asawa sa tabi.
Napatingin sa labas si Moonsar at sakto namang nasa harapan sila ng gasoline station.
“Tito,” tawag nito.
Umiling-iling siya. Pinipigilan itong huwag gawin ang balak nitong paglabas. Dahil oras na lumabas ito'y makasalubong nito ang mga infected sa labas.
“It will be going alright, love. Kaya namin sila ni tito.”
Hindi na niya napigilan pa ito nang lumabas na ito ng kotse kasama si Tito Henry.
Pagkaraan ng ilang minuto ay hindi niya inaasahan na lalabas si Lilith ng kotse. Dahilan upang mapalabas rin si Tita Julie.
“Lilith! Come back here!” sigaw ni Tita Julie sa anak. Napigilan nito ang anak sa paghawak sa braso.
Gusto niyang maiyak lalo na at nakikita niya ang mga infected na papalapit na sa kanilang pwesto.
“No! Lilith at Tita Julie! Bumalik kayo sa loob ng kotse,” sabi niya sabay hila sa dalawa.
Hindi nakinig si Lilith sa ina nito. Nagpumiglas ito mula sa kanilang pagkakahawak na dalawa ni Tita Julie at tumakbo ito papalapit sa mga infected. Napasinghal siya kasabay ng pagsigaw ni Tita Julie.
“No!”
“Lilith!” sigaw naman ni Tito Henry. Agad nitong punaputukan ang mga nilalang pero huli na nang magahasa na ito ng lalaking infected.
Napaluhod siya sabay iyak kasama si Tita Julie.
“Diserie!” Narinig niyang sigaw ni Moonsar nang may humawak na kamay na malagkit sa kaniyang balikat.
Bigla siyang natuod at hindi agad nakakilos. Kahit hindi niya ito lingunin ay alam niyang isa iyong infected.
Nakita niya kung paano tumakbo sa kaniya papalapit si Moonsar at hambalusin nito ang infected sa likuran niya. Agad siyang dinala sa likuran nito at hinambalos ulit nito ang infected hanggang sa mabasag na nang tuluyan ang ulo nito. Gusto niyang masuka dahil sa karumaldumal na eksenang iyon pero napigilan niya ang sarili.
“s**t!” murang malutong nilang dalawa ni Moonsar nang makita nilang napakaraming papalapit sa kanilang mga infected.
Nang lingunin nila si Tito Henry ay ganoon na lamang ang pagkasinghap nila nang makitang ginagahasa na ito ng isang babaeng infected. Maging si Tita Julie ay ginagahasa na rin ng lalaking infected.
Umiling-iling siya. “No! This is not happening!”
“Lets go, love! They are now one of the infected.”
Hinila siya ni Moonsar sa isang kotseng nakaparada roon at pinapasok siya nito sa loob. Saka naman ito sumunod at agad na pinaandar at pinatakbo nang mabilis ang kotse.
Tito Henry, Tita Julie and Lilith are now infected of the unknown virus. Ang mga taong tumulong sa kanila ni Moonsar. Ang mga taong tinanggap sila at naging mabait sa kanila. Ngayon ay wala na ang mga ito, at naging isa na sa mga infected. At hindi niya kakayanin pa kung maging siya o si Moonsar ay maging isa sa mga iyon. She would rather to be dead than to be an infected of that virus.
Isa pa hindi niya matanggap sa sarili na wala man lang siyang nagawa para iligtas sina Tito Henry.
“It's okay love. Hush. . . ” pagpapakalma sa kaniya ni Moonsar sabay hawak nito sa kaniyang kamay. Hinawakan niya iyon nang mahigpit. “Tibayan mo ang loob mo. Iyan ang kailangan natin sa mga oras na ito.”
Napakabilis ng pangyayari. Bakit ganoon? Bakit ang dali lang ng lahat? Hinayaan na lamang niyang tumulo ang mga luha niya sa kaniyang pisngi.
“I will. . . I will be brave. We will survive, love. We will survive,” sagot niya rito na siyang ikinatango ni Moonsar bago na nito itinuon ang buong pansin sa pagmamaneho.