Chapter 5
HINDI MAPAKALI SI Diserie sa kaniyang kinauupuan habang nagmamaneho naman ang kaniyang nobyo na si Moonsar. Hindi niya maiwasang hindi isipin ang mga nilalang na nakasunod sa kanila at nasa paligid lang.
Kahit nasa loob sila ng sasakyan ay rinig na rinig pa rin ang sigawan at panaghoy ng mga taong biktima. Hindi niya maiwasan humikbi dahilan para mapatingin sa kaniya si Moonsar.
“Why are you crying, love? I know napalapit na sa iyo sina Tito. Pero sana lakasan mo ang loob mo. I am still here. We should thankful dahil sa kanila naligtas tayo. Malaki ang utang na loob natin sa kanila.”
Hinawakan nito ang kaniyang kamay tsaka dinala sa mga labi nito upang halikan. Bukod sa nalulugkot siya dahil sa kanila ay namatay ang kapamilya ng nobyo ay nalulungkot rin siya dahil sa mga taong namamatay at nagiging infected dahil sa sakit na hindi mapangalanan.
“I know, love. But I am crying because I know that all of us has only a little chance to survive. Sana makayanan natin ito at malampasan.”
Ngumiti ito sa kaniya tsaka itinigil ang sasakyan. Niyakap siya nito at dinala sa mga bisig. Sa paraang iyon ay nakalma ang sarili niya. Swerte niya dahil may kasintahan siyang tulad ni Moonsar. Kung iba ito ay ewan na lamang niya. Baka kanina pa siya isa sa mga infected.
Muling pinaandar ni Moonsar ang sasakyan. Kailangang makahanap sila ni Diserie ng matutuluyan bago lumubog ang araw. Hindi pwedeng gabihin sila sa labas. Mahihirapan silang dalawa kapag madilim ang paligid. Sa nakikita nilang sitwasyon ay mulang sinira ng mga nilalang ang supply ng power sa city na iyon.
May napansin sa hindi kalayuan si Diserie. Isang matandang babae ang tumatakbo habang may mga nilalang na humahabol sa likuran nito.
Alam niyang nakita rin ni Moonsar ang nakita niya. Kaya't agad niyang kinalabit ang nobyo at pinatigil ito. “Itigil mo, love. Iligtas natin siya. Kailangan niya ng tulong natin.”
Itinigil naman agad ni Moonsar ang sasakyan at naghanap ng pagkakataon na iligtas ang matanda. Bumaba silang dalawa sa kotse at humanap ng pamprotekta para sa mga nilalang. Si Diserie ay nakapulot ng isang pamalong bakal samantala si Moonsar ay isang grills na nakakalat sa daan. Mula sa mga sirang gusali at bahay.
Everything is a mess. Even the nature is suffering, dinadanas rin kung ano ang dinaranas nilang mga tao. Makulimlim ang paligid, akala mo'y may dumaang isang malakas na bagyo at ipo-ipo. Sinira ng mga nilalang ang mga gusaling madaanan nito. Sa lakas ng impact ng katawan ng mga ito ay hindi na nakapagtataka.
“Lola! Hali ka! Tumakbo ka rito sa amin” sigaw ni Diserie sa matanda.
Bakas sa mukha nito ang pag-asa nang makita silang dalawa ni Moonsar. Iika-ika itong tumakbo papunta sa kanila. Napasigaw si Diserie nang maabutan ng isang infected ang matandang babae.
Sa kagustuhan niyang iligtas ang matanda ay walang alinlangan siyang tumakbo sa pwesto nito at pinanghahampas ang nilalang. Walang tigil siya sa paghampas hanggang sa bitawan ng nilalang ang matandang babae.
Hinila niya ang matandang babae at tumakbo silang dalawa sa papalapit na si Moonsar. Naabot na ng nobyo ang matanda at pinapasok ito sa loob ng kotse. Susumod na sana siya nang bigla siyang hawakan ng nilalang sa kaniyang paa. Nakagapang pa pala ang nilalang na hinampas niya kanina.
Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.
“Don't you touch my woman!” sigaw ni Moonsar bago nito itinusok sa dibdib ang matulis na grill na dala-dala nito.
Binalingan agad siya nito saka inalalayang makapasok ng kotse. Agad naman sa kaniyang sumunod si Moonsar. Nakahinga siya nang maluwag nang nasa loob na sila ng kotseng tatlo.
Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang matanda sa takot. Pero nagawa nitong magpasalamat sa dalawang nagligtas ng buhay niya.
“Maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa inyo, balang-araw ay masusuklian ko rin ang kabaitan ninyo.”
Ngumiti si Diserie. “Wala ho iyon, Lola. Handa kaming tumlong sa mga nangangailangan.”
“Oo nga, Lola. Isa pa po may damit po diyan sa bag na nasa tabi niyo. Pili lang po kayo diyan kung ano ang kasya sa inyo,” dugtong naman ni Moonsar nang mapansing punit ang damit ng matanda. Gawa ng nilalang kanina.
Napakuyom ang kamay niya nang maalala ang naiwang lola at lolo niya sa bahay. Pati na rin ang mga magulang niya. Kumusta na kayà ang mga iyon? Nakaligtas rin ba ang mga ito, katulad niya? Sayang at wala siya roon para protektahan ang mga ito. Hiking niya sa Diyos na sana ay nasa mabuting kalagayan ang mga ito.
Napabaling siya kay Diserie nang maramdaman niyang hinawakan nito ang kamay niya. Pinisil nito iyon dahilan upang ngumiti siya sa babae. Kung hindi man niya mailigtas ang mga mahal sa buhay na naiwan niya sa kanila, sisiguraduhin na lamang niyang maililigtas itong babaeng pinakamamahal niya.
Nang makabihis na ang matanda ay agad na tinanong ni Diserie ang panggalan nito at kung saan nakatira.
“Ano po ang pangalan niyo, Lola? Isa pa po saan kayo nakatira? Para po maihatid namin kayo.”
Ngumiti ang matanda.
“Florantina ang pangalan ko. Diyan lang sa may subdivision ang bahay ko sa may 19th Master Street. Kung wala kayong matutuluyan ngayong gabi ay doon muna kayo sa akin. Kami lamang doong dalawa ng anak kong si Magda,” sagot nito.
Ngumiti si Diserie at ganoon rin si Moonsar. Mukhang hindi na nila po-problemahing dalawa kung saan silang bahay na magpapalipas ng gabi.
“Ako nga po pala si Diserie. . . at siya naman po si Moonsae, kasintahan ko po. Ikinagagalak po namin kayong makilala, Lola.”
Sa nakikita niya'y natutuwa ang matanda sa kanilang dalawa ni Moonsar. Lalo na ang mga mata nitong nakamasid sa kanila habang nakangiti. Sa katauhan ni Lola Florantina ay parang kasama na rin niya ang kaniyang Lola na naiwan niya sa bahay. At sa nakikita niyang reaksyon ng kasintahan ay parang pareho rin ito ng nararamdamang tulad niya.
Ang makaligtas ng isang taong nangangailangan ay isang masarap sa pakiramdam na dala-dala habang kamatayan. At ganoon ang pakiramdam na nararamdaman nila Diserie at Moonsar.
Kung ano man ang bukas na darating. At kung ano ulit ang kanilang kahaharapin ay kailangan nilang maging handa at pagplanuhang mabuti. Pero sa ngayon ay kailangan muna nilang ibalik sa kung saan ang bahay ni Lola Florantina
Ligtas sila sa araw na ito. . . pero hindi sila sigurado kung magiging ligtas ba silang dalawa sa mga darating na araw.
. . .