Chapter 6

1027 Words
Chapter 6 TAMA NGA ANG sabi ni Lola Florantina. Maliit lamang ang subdivision. Mapapansin sa lugar na iyong nasa loob lamang ng kanilang bahay ang mga tao. Takot na lumabas at makasalubong ang mga infected. Kahit naman silang dalawa ni Moonsar ay mas gugustuhing manatili na lamang sa isang bahay. Pero hindi ganoon na lamang hanggang sa malutas ang sitwasyon na ito. Kailangan nilang humanap ng mas ligtas na lugar kung saan ay bigay ng gobyerno. Agad na ipinarke ni Moonsar ang kotse sa tabi ng bahay ni Lola Florantina at tsaka sila dali-daling bumaba. Kitang-kita nila kung paano sila sundan ng mga nilalang. Agad namang nabuksan ni Lola Florantina ang bahay nito. Sumunod silang dalawa ni Moonsar papasok sa loob. Agad na isinara ang pinto para makasiguradong hindi makapasok ang mga taong infected. Nakasalubong nila ang anak ni Lola Florantina. Ito siguro ang tinutukoy ng matanda kanina habang nasa loob sila ng sasakyan. “Maupo muna kayo,” anyaya sa kanila ni Magda. Naupo naman silang dalawa ni Moonsar habang inoobserbahan ang loob ng bahay. Umupo naman si Lola Florantina sa kabilang sofa kaharap nila kasunod ang anak nito. “Magda, sila pala si Diserie at Moonsar. Ang tumulong sa akin kanina nang maabutan ako ng isang infected. Malaki ang utang na loob ko sa kanilang dalawa. . . ” panimula ni Lola na siyang ikinangiti naman nilang dalawa. “Nice to meet you, Ate Magda,” wika ni Diserie kasabay ang pakikipagkamay rito at ganoon rin si Moonsar. “Maraming salamat sa pagligtas ninyo sa Mama ko. Hindi ko aakalaing may mga tao pa pala ngayong tulad ninyo. Kung hindi dahil sa inyo ay baka nag-aalala na ako ngayon kung saan na nagpunta itong si Mama. Pasaway kasi sinabing huwag nang lumabas ng bahay ay lumabas pa rin para lang makahingi ng tulong,” litanya nito. Nanatili lamang silang tahimik ni Moonsar. Nakikinig at nag-oobserba sa bawat kilos ng matanda at ng anak nito. “Kung mananatili lang tayo sa loob ng bahay na ito ay hindi natin sigurado kung magiging ligtas tayo. Kailangan nating humingi ng tulong, sa mga taong alam kung ano ang dapat gawin para puksain ang mga nakakadiring nilalang na iyon sa labas.” Tumango-tango si Diserie sa sinabi ng matanda. “Tama ang Mama mo, Ate Magda. Kailangan nating humanap ng tulong mula sa gobyerno. Kasi kapag nanatili lamang tayong nakakulong sa bahay na ito ay hindi natin sigurado kung magiging ligtas ba tayo. Lalo na at bibilangin na lamang ang mga taong nakaligtas sa lugar na ito.” Hinawakan ni Moonsar ang kanyang kamay nang mahigpit. “Alam niyo ba kung marami pa ang mga tao sa lugar na ito ang nakaligtas?” tanong ng lalaki. Kumunot ang noo ni Magda at Lola Florantina, tila iniisip kung mayroon pa bang nakaligtas maliban sa kanila na nasa labas. “Ikinalulungkot kong sabihin sa inyo pero kakaunti lamang kaming nakaligtas sa lugar na ito. Halos lahat na ang andito ay infected,” sagot ni Lola. Nagkatinginan sila Diserie at Moonsar. Pareho rin sa lugar nilang pinanggalingan kanina. Kailan ba sila magtatago? Kailan pa sila makakatakas at makakaligtas sa sitwasyong ito? Hanggang kailan ito matatapos? May pag-asa pa kayà silang mabuhay lahat? May pag-asa pa bang makatakas sa bangungot na ito sa kanilang buhay? O kakaharapin nila ang maasalimuot na realidad? Maikling usapan lamang ang naganap sa kanila at agad na ipinaturo ni Lola Florantina sa anak nitong si Magda ang magiging pansamantala nilang silid. Sa guest room sila dinala nito. Ang silid ay pinaalibutan ng puting kulay habang ang kama naman ay itim, kung saan ay mas komportable nilang dalawa tingnan dahil hindi masakit sa mata. Sakto lang rin ang laki ng kama kung saan kasya naman silang dalawa. Iniwan naman agad sila ni Magda para makapagpahinga na sila. Tatawagin na lang raw silang dalawa kapag maghahapunan na. MAAGANG NAGISING sina Diserie at Moonsar. Naabutan nilang magkasintahan ang dalawang mag-Lola na nagbibihis at naghahanda ng mga kagamitan. Kumunot ang noo ni Diserie at hindi na napigilan ang sariling magtanong. “Saan po kayo pupunta, Lola?” “Sa bayan, bibili kami ng apo ko ng pagkain at mga gagamitin natin.” Agad umiling si Diserie. “Hindi ligtas ang lumabas, Lola. Masyadong delikado para sa inyo. Kami na lamang po ni Moonsar ang bibili.” Pigil ni Diserie sa matanda. “Tama po si Diserie, Lola. Kami na pong dalawa ang bahala. Huwag niyo po kaming intindihin, kayang-kaya namin ang sarili namin,” sang-ayon ni Moonsar. Huminga nang malalim si Lola Florantina tsaka inilapag na ang pitaka sa ibabaw ng mesa. Nanghihinang tumingin sa kanilang dalawa ni Moonsar. Ngumiti si Diserie. Alam na niya ang tinging ipinakita sa kanila ni Lola Florantina. Ayaw nitong mapahamak silang dalawa ni Moonsar. Puno ng pag-aalala ang mga mata nitong nakatuon sa kanila. “Huwag po kayong mag-alala, Lola. Wala pong mangyayari sa aming masama ni Moonsar. Makakabalik po kami ng ligtas,” sabi ni Diserie sabay yakap sa matanda. “Mag-iingat kayong dalawa, Diserie at Moonsar. Malaki ang utang na loob sa inyo ni Mama,” sabi ni Magda na puno rin ng pag-aalala. Maluha-luha itong niyakap si Diserie. Pagkatapos ng pagpaalam sa isa't isa ay agad na tumakbo sila Moonsar at Diserie palabas ng bahay ni Lola Florantina. Papasok sa kotse nilang iniwan kagabi sa labas. Tumingin pa muna silang dalawa sa bahay ni Lola Florantina na ngayon ay nakasarado na. Hiling nila'y sana maging maayos ang dalawang mag-ina pagkaalis nila. Sana maging ligtas ang mga ito habang nasa bayan sila. Kitang-kita ni Diserie ang mga nilalang na nakahubad habang ang mga katawa'y naaagnas. Habang may malapot na tubig na lumalabas sa bunganga ng mga ito at sa mga ari. Napatakip ng bunganga si Diserie. Gusto niyang masuka sa nakikita pero pinipigilan niya ang sarili. “You can survive, love. We will survive. Matatapos rin ang lahat ng ito.” Pagpapalakas ni Moonsar ng kaniyang loob. Ginagap nito ang kaniyang kamay tsaka iyon pinisil. Ngumiti siya tsaka tumango. Iyon ang taimtim niyang hiling sa Diyos na sana ay matapos na ang lahat ng ito, ang bangungot na itong nangyayari sa bansa ng Pilipinas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD