Chapter 7

1669 Words
Chapter 7 Malacañang, Philippines IPINATAWAG ni President Francis Dellano ang kaniyang pinagkakatiwalaang leader ng task force na si General Garry Bautista sa kaniyang sekretarya para tanungin ito kung ano na ang proseso ng imbestigasyon nito, tungkol sa nangyayari ngayon sa bansang Pilipinas. Binigyan niya ng gawain ang heneral na alamin kung ano ang dahilan ng pagkalat ng mga infected na nilalang sa buong lungsod. Kung ano ang pinagmulan ng mga nilalang na ito. Kailangang matagpuan agad nila nang maaga ang sagot para marami pa silang mailigtas na mga Pilipino. Ayon sa mga laman ng balita sa telebisyon at radyo ay marami na ang apektado na mga mamamayan. Maging ang biktima ng mga nasabing nilalang na ito. Kailangan agad nilang makahanap ng solusyon kung paano puksain ang mga ito bago pa mahuli ang lahat. Gusto niyang lumabas ng Malacañang para siya na mismo ang umalam ng pinagmulan ng pangyayaring ito pero hindi niya kaya. Isipin pa lamang niyang makakaharap niya ang nilalang sa labas ay hihimatayin na siya. Nakakatakot na nga ito sa nakikita niya sa telebisyon, sa actual pa kayà na makakaharap niya? Paniguradong malaking problema na naman itong kahaharapin niya at maging ng bansang Pilipinas. Hindi niya aakalaing mangyayari ito sa tanang buhay niya. Kung ano man ang misteryosong pinagmulan ng pangyayaring ito, ang hiling niya ay sana matapos na. Sunud-sunod na katok ang kaniyang narinig mula sa labas ng kaniyang silid. Ito na marahil ang kaniyang sekretarya na inutusan kasama si General Garry Bautista. Agad siyang tumungo sa kaniyang trono at pinindot ang isang button na puti sa gilid ng kaniyang lamesa. Nakita niya sa kaniyang monitor na laptop kung sino ang nasa labas. Naninigurado lang siya kung sino ang papasukin. Bumukas ng dahan-dahan ang malaki na magarang pinto ng kaniyang opisina kung saan tinatawag na office of the president. Tumayo siya agad nang makita niya si General Garry na kasama ang kaniyang sekretarya. “General Garry Bautista, may have a seat,” anyaya niya sa kaniyang panauhin. Tumikas naman si General Garry kasabay ng pagsaludo nito sa presidente. Umupo agad siya nang ikumpas ng presidente ang kamay nito. “Marahil ay alam mo na kung ano ang rason ko kung bakit kita pinatawag rito,” panimula ni Presidente Francis. Agad naman tumango si General Garry at matamang na nakinig sa pangulo. “Gusto kong malaman kung ano na ang balita tungkol sa pinagagawa ko sa iyo. Nahanap mo na ba kung ano ang dahilan nitong pinagmulan ng mga nilalang na ito?” pagpapatuloy ng pangulo. Umayos ng upo ang heneral at sinagot ang tanong na iyon ng pangulo. “Ayon sa aming imbestigasyon, Mr. President this creature came from the formula of the one famous scientist here at the Phillipines. Aksidente niyang natapon ang isinasagawang formula na hindi pa tapos sa isang patay ng estudyante. Itong patay na estudyanteng ito ay ang siyang ini-ekperimentuhan nila. Naghahanap sila ng gamot para sa s****l addiction para puksain ito. Pero dahil sa palpak nilang eksperimento at sa aksidenteng pagkatapon ng formula nila'y nabuhay ang patay na lalaking estudyante na iyon at kumalat ng karahasan. Imbes na mapuksa ang s****l addiction na sakit na ito'y mas lalong pinalala ng formula'ng gawa ng scientist na ito. Ito ay hindi na isang klaseng sakit, Mr. President, kundi isa nang klaseng virus.” Napahilamos sa sariling mukha ang pangulo dahil sa balita ni General Garry. Hindi lang ito bastang problema lang na kahaharapin niya at ng bansang Pilipinas. Isa itong malaking problema kung tutuusin. Paano mapupuksa ang ganitong klaseng virus? “Asan na ang scientist na ito? Nakaligtas ba siya mula sa mga infected na mga tao?” Kailangan niyang maka-usap ang gumawa ng formula na iyon, dahil sigurado siyang iyon rin ang makakahanap ng lunas sa kumakalat na virus na ito. “Nakaligtas siya, Mr. President. At sa amin po siya habang isinasagawa pa po namin ang pagpapatuloy sa imbestigasyon.” Tumango-tango ang pangulo. “Mabuti. . . kung ganoon, dalhin niyo siya sa akin bukas. Gusto ko siyang maka-usap.” PINATAY NI MOONSAR ang makina ng sasakyan nang makarating na silang dalawa ni Diserie sa bayan. Nasa parking lot sila ng isang mega mall. Malapit sa may exit para kung ano man ang sasalubong sa kanila sa loob ay madali lamang silang makatakas at makabalik sa kanilang hinintuan. Luminga-linga silang dalawa sa paligid. Mabuti na lamang at walang mga infected ng virus ang naligaw sa mall na iyon. Pero hindi maiwasan ni Diserie ang kabahan. Maaring wala ang mga nilalang sa parking lot. . . pero paniguradong nasa loob naman ang mga ito ng mall. “Paniguradong nasa loob sila ng mall na ito, Moonsar.” Hinawakan siya ng mahigpit sa kamay ng kasintahan at dinala sa likod nito. Humakbang papasok ng pinto si Moonsar habang may bitbit itong pamalo na bakal. Mukhang nakuha nito iyon sa bahay nila Lola Florantina. Samantalang siya ay ang tanging hawak niya lang ay ang kitchen knife na kinuha niya lang rin kanina sa bahay ni Lola Florantina. Simula noong magpresinta silang dalawa ni Moonsar ay alam niyang hindi siya siguradong makakaligtas mula sa mga infected. . . pero sisiguraduhin niyang magiging ligtas sila ni Moonsar. “Hold on, Love. Huwag kang lalayo sa akin.” Tumango siya sa sinabing iyon ni Moonsar. Sa bingit na sila ng kamatayan ay hindi niya pa rin napigilan ang sariling kiligin. Dahan-dahan silang nagtago sa mga stand sa loob ng mall habang abala naman ang mga nilalang sa kabila, habang naghahanap ng susunod na bibiktimahin. Kumuha ng cart si Moonsar at maging siya. Rinig na rinig ni Diserie ang t***k ng sariling puso dahil sa kabang nararamdaman. Kung ano na lamang ang madampot niya ay iyon na lamang ang nilalagay niya sa malaking cart. Nakasunod siya sa likuran ng nobyo habang walang tigil siya sa pagmasid sa paligid. Baka mamaya at malingat lamang siya ay nasa harapan na pala niya ang infected. Madami na rin silang nakuha nang bigla silang napatigil ni Moonsar dahil sa isang infected sa hindi kalayuan. Mukhang nahalata na silang dalawa na narorooon. Tumigil ito saka inamoy ang paligid. Maymaya ay lumikha ito ng ingay dahilan upang higitin siya sa kaniyang kamay ni Moonsar. Naamoy, narinig at nakita sila ng isang infected. Mabilis silang tumakbo dala-dala ang cart. Nakalabas na sila ng exit ngunit hinahabol pa rin sila ng mga infected. Napsinghp si Diserie nang makita ang mga infected na papasok ng parking lot. Tumakbo siya ng abot ng kaniyang makakaya papunta sa kotse at binuksan ang pinto. Inilagay niya roon ang cart sa tulong ni Moonsar. Nanginginig ang buo niyang katawan, kahit paa niya ay ayaw nang kumilos. “Let's go, Diserie—” Nahimasmasan siya nang itulak siya ni Moonsar papasok ng kotse nang maisara na nito ang pinto sa likuran. “Oh, s**t!” Napamura siya nang malutong nang isang kumpol ng mga infected ang papalapit sa kanilang sasakyan. Kung gagamitan ng pwersa ang kotse nila ni Moonsar ay paniguradong hindi sila makakaalis ng lugar na iyon. Magiging isa sila sa mga ito. Napatingin siya sa kasintahan nang halikan siya nito sa kaniyang kamay at mga labi. Pagkatapos no'n ay pinagdikit ang kanilang noo. Ayaw man niyang isipin ang posibleng gawin nito pero parang iyon na nga ang gagawin nito. “Love, tandaan mo mahal na mahal kita. . . kayà ipangako mo sa aking mabubuhay ka kahit na ano'ng mangyari. . . huwag mong sayangin ang buhay mo. . . ipangako mo sa aking mahahanap mo ang mga magulang mo. . . kahit wala na ako. Alam kong kaya mo'ng lampasan ang mga ito. . .” Umiling-iling siya nang marinig ang sinabi ni Moonsar. “N-no! No, Love! Moonsar!” sigaw niya nang sapilitan siya nitong dalhin sa driver seat at paandarin ang kotse. Wala na siyang nagawa nang umandar na ang kotse papaalis. Tigmak ng luha ang kaniyang pisngi habang sumisigaw ang isipan niya ng pagtutol. Inapakan niya ang preno para sana balikan ang kasintahan upang iligtas ito pero huli na ang lahat. Kitang-kita niya kung paano hilahin ng babaeng infected ang kaniyang nobyo at gahasain ito. Napakuyom ang kaniyang kamay habang unti-unting nangisay ang katawan ni Moonsar. Kitang-kita niya ang pagtingin nito sa kinatoroonan niya. Parang pinaparating na magiging okay rin ang lahat. Na matatapos rin ang lahat, na ginawa nito iyon para maging ligtas siya. Dahil kung hindi iyon ginawa ni Moonsar ay paniguradong silang dalawa na ngayon ang infected. Nilakasan ni Diserie ang kaniyang loob. Kinambyo niya ang kotse at pinaharurot ito nang mabilis. Sa buhay na isinakripisyo para sa kaniya ni Moonsar ay hindi niya iyon sasayangin. Pinapangako niya kay Moonsar na kahit anoman ang mangyari ay mabubuhay siya at hindi magiging isa sa mga infected. “Hindi masasayang ang pagasasakripisyo mo, Moonsar.” Pinunasan niya ang kaniyang mga luha sa pisngi at nilakasan ang loob. Sa mga oras na ito'y kailangan huwag siyang mahina. Pagkarating sa labas ng bahay ni Lola Florantina ay naningkit ang mga mata niya nang makitang bukas na ang pinto ng bahay. Agad siyang kinabahan at kinutuban. Hindi maaring iwan na lamang ng mag-ina ang bahay na bukas. Maliban na lamang kung napasukan ang mga ito ng infected. Nanginig ang tuhod niya at para siyang natuod sa kinauupuan nang makita ang mga infected ng virus na papalabas ng bahay nila Lola Florantina. At napasinghap siya at napatangis nang makilala ang dalawang incwected mula sa loob ng bahay na iyon. Hindi siya pwedeng magkamali. . . sina Lola Florantina iyon at Magda. “Oh, holy s**t!” mura niya sabay pasibad ng kaniyang kotse papalayo sa lugar na iyon. Kung saan man siya tatahakin ng kotse ay bahala na. Basta maging ligtas siya. Naalala niya ang mga buhay na isinakripisyo para lang mabuhay siya. Sina Tito Henry, Tita Julie, Lily, Lola Florantina, Magda at lalon-lalo na si Moonsar. Ilang buhay pa ba ang mawawala bago matapos ang delubyo na ito na nangyayari sa buhay niya? Kailan pa mapupuksa ang klase ng virus na ito para matahimik na ang bansang Pilipinas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD