Chapter 8
BIGLANG HUMINTO ang kotse ni Diserie sa gitna ng kalsada. Malayo na rin ang narating niya. Hindi niya alam kung nasaan na siya naroroon. Kahit gabi na ay maliwanag pa rin ang paligid dahil sa mga ilaw na nasa kalsada. Kitang-kita niya ang mga katawan ng mga napatay na nilalang sa daan na nakaharang.
Pero may roon pa ring mga infected ang gumagala sa paligid. Gusto niyang umiyak dahil sa sitwasyon niyang kinasasadlakan ngayon. Hindi niya alam kung kakayanin pa niyang harapin ang mga nilalang. Pagkatapos ng mga nangyari sa kaniya'y natatakot na siyang makipaglaban sa mga ito.
Ilang mga mahal na ba niya sa buhay ang namatay dahil sa biktima ang mga ito ng virus? May pag-asa pa kayâ silang mga natitira na maging ligtas o mamaya'y maging isa na sila sa mga ito?
Taimtim siyang nagdasal sa loob ng sasakyan habang sinusundan ng tingin ang mga infected na pagala-gala sa paligid.
Wala siyang makitang mga taong hindi pa naaapektuhan ng virus. Mukha yatang ang lugar na itong napuntahan niya'y wala nang ligtas na mga tao, puro infected na. Kung ganoon. . . saan siya hihingi ng tulong?
Bigla niyang nahigit ang hininga nang may sumilip na infected sa kaniyang sasakyan. Nasa harapan ito ng kotse niya at nakatingin sa salamin. Parang may hinahanap sa loob. Pasalamat siya at tinted ang kotse'ng iyon.
Tinakpan niya ang kaniyang bunganga para hindi marinig ng nilalang ang kaniyang paghikbi. Mas gugustuhin pa niyang manatili at mabulok dito sa loon ng kotse kaysa sa lumabas siya at tumakbo.
Kung nandito lang sana si Moonsar ay hindi ganito kalakas ang takot niya. Panatag ang loob niyang ligtas siya sa kahit na ano'ng oras. Dahil gagawin niyon ang lahat maging ligtas lang siya at hindi mapahamak. Pero nang dahil rin sa kaniya'y naging isa itong infected ng virus.
Hindi niya matanggap na sa ganoong sitwasyon nagtapos ang buhay ng kaniyang kasintahan. Sana. . . sana may mahanap nang solusyon ang mga awtoridad, gobyerno at maging ang mga doctors kung paano sugpuin ang ganitong klaseng virus. O, kayâ ay maghanap ang mga ito ng scientist.
Sana. . . kapag makahanap ng antidote. . . mailigtas pa ang mga taong biktima ng virus. Hindi pa ng mga ito oras na mawala sa mundo. Marami pang dapat na gawin sa buhay, marami pang mga pangarap sa buhay na naudlot at nasira dahil sa krisis na ito. Kaawa-awang mga Pilipino, biktima ng isang klaseng virus na uhaw sa katawan.
Nabaling ang atensyon ni Diserie sa tatlong infected na papalapit sa kaniyang kotse. Agad niyang kinuha ang isang grill na matulis ang dulo. Ini-lock niya nang mabilisan ang pinto ng kotse.
Kinalampag ng mga ito ang kotse niya. Gusto niyang magsumigaw. Pigil ang hininga niya para hindi lang siya matuntun ng mga nilalang. Hindi rin siya kumikilos sa kaniyang kinauupuan. Nakapikit ang mga mata niya habang walang tigil siya sa pagdarasal.
Lumibot ang isang infected papunta sa harapan ng sasakyan. Hindi siya pwedeng magkamali. Isang tao ang naamoy niya, amoy na amoy niya ang mabango nitong halimuyak. Isang babae ang alam niyang nasa loob ng isang malaking bagay na ito sa harapan niya. At sa mabangong amoy nito'y tumataas ang ari niya.
Iba ang pakiramdam niya. Parang nang-iinit ang buo niyang katawan habang hindi siya mapakali. May hinahanap siyang isang bagay na tanging ang amoy lamang na iyon ang makakapagwala. Kung hindi niya iyon makukuha ay para siyang mamatay at unti-unting tumitigas. Tumitigas hanggang sa ito ay pumutok. Tulad nang nangyari sa mga iba niyang kasamahan na tulad rin niya.
Tinawag niya ang dalawang kasama sa kakaibang tunog. Wala siyang alam, basta ang gusto niya lang ay ang makipagtalik sa isang babae. Iyon lamang ang paulit-ulit na bumubulong sa isipan niya.
Kilalang-kilala niya ang amoy ng nilalang nasa loob ng bagay na nasa kaniyang harapan. May kung ano ang dumedikta sa puso niyang balewalain na lamang ito at iwan.
Tinawag niya ulit ang dalawang kasama at naglakad na siya papalayo. Maghahanap na lamang sila ng ibang amoy kaysa sa pahirapan pa ang iisang nilalang na iyon sa loob ng bagay na iyon.
Tanaw na tanaw ni Diserie ang pangyayari. Gusto niyang humikbi nang pagkalakas-lakas. Hindi siya pwedeng magkamali. . . si Moonsar ang infected na iyon sa harapan ng kotse kanina. Hindi na niya napigilan ang sarili at humagulhol na siya. Hanggang dito ba nama'y iniligtas pa rin siya ng kasintahan. Kahit infected na ito'y ang kaligtasan pa rin niya ang pinoprotektahan nito.
Abot-tanaw na lamang niya sa malayo ang nobyo. Sana. . . mailigtas pa ang mga ito.
NAGISING SI Diserie dahil sa ingay na naririnig sa paligid. Mga putok ng baril at ang mga ilang pagsabog. Kinurap-kurap niya ang kaniyang mga mata tsaka pinagmasdan nang maigi ang paligid.
Napahawak siya sa putol na parilya at lumabas ng kaniyang kotse. Libo-libong mga tao ang nagtatakbuhan papunta sa kagubatan. Habang may grupong mga tao rin ang may mga dalang baril. Ito ang mga nagpapaputok at nagpapasabog.
Kumunot ang kaniyang noo. Hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon. Bakit nagpapatayan ang mga ito?
Isang babae ang hinila siya at sinama sa pagtakbo.
“Ano'ng mayroon? Bakit nila kayo pinagbabaril? Bakit nila kayo hinahabol?” tanong niya sa babae sa gitna ng kanilang pagtakbo.
“Pinapatay nila ang mga virgin. At kinukuha nila ang mga hindi na para dalhin sa kanilang kampo at ihandog sa mga infected.”
Hindi siya makapaniwala sa narinig.
Hindi ba dapat ay magkaisa silang lahat dahil sa virus na itong kumakalat? Bakit may mga tao pang gusto ang mga pangyayaring ito?
Sa abot ng kaniyang makakaya at sa buo niyang lakas ay sumabay rin siya sa mga takbo ng mga ito.
Kailangan niyang maging malakas sa bawat oras na pumapatak. Hindi niya hahayaan na maging isa sa mga infected. Masasayang ang sakripisyo ng lahat. Pero kung anoman ang nakatadhana sa kanya na mangyari, wala na siyang magagawa pa roon. Kailangan niyang maging matatag. Marami pa siyang mga kasama, kaya himding-hindi siya susuko. Tulad ng mga sinabi sa kanya ni Monstar.