Chapter 9
PINILIT NA BUMANGON ni Diserie mula sa kamang kinahihigaan. Kanina pa siya nakahiga roon at nanunuot na ang sakit sa kaniyang likod. Para siyang isang mannequin na hindi gumagalaw kanina pa dahil sa kirot niyang nararamdaman mula sa kaniyang paa.
Gusto niyang maka-usap ang lalaking tumulong sa kaniya kanina.
Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid. Nasa isang silid siya ng magarang bahay. Magara dahil sa mga furniture na ginamit. Mula sa carpented na sahig na mukhang tiles ang nasa ilalim no'n. At ang mga mamahaling flower vase. Chandelier na nakasabit sa gitna ng kisame. Isama pa ang kamang malaki na hinihigaan niya ngayon. May mga iba't ibang paintings pa na nakasabit sa dingding.
Dahan-dahan niyang inilatag ang paa sa sahig at unti-unting tumayo. Nakakailang hakbang na siya habang iika-ika nang biglang bumukas ang pinto ng silid at sumalubong sa kaniya ang babaeng buntis. Sa umbok ng tiyan nito'y mukhang manganganak na ito ng mga ilang araw.
Ngumiti ito nang makita siya kaya't wala na siyang magawa kundi ang ngumiti rin rito pabalik.
“Gising ka na pala. . . pinapatingnan ka sa akin ni Rector.”
Kumunot ang kaniyang noo, “Rector?” taka niyang tanong.
“Iyong lalaking tumulong sa iyo kanina. . .”
Hindi niya alam pero bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na damdamin sa pag-aakalang baka ito ang asawa ng lalaking iyon kanina. At ilang araw na lamang ay may anak na ito. Nakaramdam siya ng pagkadismaya.
Inilahad nito ang kamay sa kaniyang harapan. Napatingin siya roon. “Ako nga pala si Fyran Tolentino, isa akong journalist. Pero natigil ako sa aking trabaho nang ipagbuntis ko itong dinadala ko,” pakilala at kwento nito.
Ngumiti naman siya kay Fyran at nakipagkamay rito. Mas mabuti na ang marami siyang makikilalang tao, nang sa ganoon ay marami siyang makalap na impormasyon tungkol sa virus at sa mga grupo ng kalalakihang iyon kanina.
“Ako nga rin pala si Diserie.”
Maganda si Fyran. Halatang nasa edad dalawang lima lamang ito. Balingkinitan ang pangangatawan. Halatang maintain nito ang katawan kaht na buntis. Mahaba ang kulot-kulot niying buhok hanggang baywang. May matingkad na kulay puting kutis, makapal ang kilay at maging ang mga pilik-mata, at ang hugis ng labi ay sakto lamang. Kung aapply ito bilang isang model sa isang kompanya ay paniguradong tanggap agad ito.
“Masaya akong makilala kita, Diserie. Kaya mo na bang lumakad? Ipapakilala kita sa mga magiging kasama natin sa bahay na ito,” anyaya nito.
Pinakiramdaman ni Diserie ang paa kung kaya na niya bang maglakad o hindi pa. Nang masigurado na ang nararamdaman niya'y bumaling siya kay Fyran at ngumiti.
“Okay na ako, sa tingin ko ay kaya ko na ang lumakad.”
“Halika na,” sabi nito sabay alalay sa kaniya.
Nakaramdam siya ng hiya rito. Buntis ito pero hindi nito inaalala ang kalusugan. Inalalayan pa siya. Isa pa naaawa siya sa babae. Paano ito makikipagsapalaran sa mundo nila ngayong kinagagalawan kung ganito ang sitwasyon nito? Hindi lang isang buhay ang ililigtas ni Fyran kundi dalawa.
“Hindi ka ba natatakot?” biglang tanong niya rito nang nasa hagdan na sila. . . pababâ.
Umiling ang babae saka ngumiti. Hinimas-himas nito ang maumbok na tiyan. “Natatakot. . . hindi naman iyon maiwasan. Lalo na at nasa ganito tayong sitwasyon. Pero kailangan nating maging matapang, walang pwesto sa mundong ito ang mga mahihinang tao.”
Hindi na nakapagsalita pa si Diserie matapos marinig ang sinabi ni Fyran. Natamaan siya sa sinabi nito, dahil aminin niya sa sarili niyang isa siyang mahina. Pero tama ito, kung magpapakahina siya'y hindi siya magiging ligtas. Kayâ siguro maraming tao ang nagsakripisyo mailigtas lang siya. Kasama na roon si Moonsar. Walang lugar siya sa mundong ito, kung magpapakahina siya.
Hinawakan niya ang kaniyang dibdib. Pinapangako niya kay Moonsar na hindi siya basta-basta na lamang mamatay na hindi lumalaban.
Agad silang nakarating na dalawa ni Fyran sa living room. Bumungad sa kaniya ang limang kalalakihan at ang isang babae habang nakaupo sa sofa at abala sa pag-uusap. Natigil lamang ang mga ito nang makita sila ni Fyran.
Napansin niya agad si Rector na may dulo ng sofa habang may hawak na mga papel. Nakatingin rin ito sa kaniya. Makapal ang mga kilay nito, mapula ang mga labi at maging ang hugis nito ay perpekto, may matang kulay bughaw, kulot-kulot ang buhok nitong semi-cut. Sa tiyantya niya'y may lahi ang lalaking ito. Hindi sapat ang gwapo para maipaliwanag ang kagwapuhan nito.
Naagaw ang atensyon niya ni Fyran nang tumikhim ito at sinimulan na siyang ipakilala nito sa mga panauhing naroroon.
“Guys, siya si Diserie. Ang babaeng naligtas ni Rector kanina sa kalagitnaan ng paghabol sa atin ng mga grupong Virgin Hunter. . . ” Tawag pansin nito sa mga kasamahan. Bumaling naman ito agad sa kaniya. “At Diserie, pinapakilala ko naman sa iyo na ang makakasama mo simula sa araw na ito. . . si Altron. . . isa siyang reporter sa telebisyon at maging sa radyo.”
Itinuro ni Fyran ang isang halos kaedad niyang lalaki. May balbas itong kaunti at may salamin na suot. May maipagmamayabang rin naman itong itsura sa likod ng baduy nitong pananamit. Ngumiti siya rito at kumaway.
Sunod nitong pinakilala ang ang may edad nang lalaki na si June at Edward. Ayon kay Fyran si June na mukhang nasa limampu na ang edad at isang driver ng taxi. Si Edward naman ay isang businessman na nasa edad limamput lima. Nakipagkamay naman siya sa mga ito. Pinakilala rin nito ang babaeng asawa ni Edward na si Maria. At maging si Rector na wala yata sa mood dahil maski ngumiti ito sa kaniya ay hindi nagawa.
Pinaupo siya ni Fyran sa tabi ni Rector kaya't bigla siyang nakaramdam ng ilang. Lalo na at nahihiya siya nang masampal niya ito kanina. Hindi man lang niya nagawang magpasalamat rito.
“Marahil iha ay hindi mo alam kung sino ang mga grupo ng kalalakihang iyon kaninang humahabol sa atin. Kung bakit sila pumapatay at nagpapasabog. . . ” wika ni Maria habang nakatingin sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo dahil sa sinabi nito.
“Ano ho ba ang mayroon sa kanila? Bakit po nila tayo hinahabol? Hindi po ba dapat ay iyong mga infected ang puksain nila para hindi na po kumalat ang virus?” wika niya.
“Isa silang grupo ng mga kalalakihan na wala sa tamang pag-iisip. Sila ay adik na sa mga karahasan. Lalong-lalo na sa s*x, kayâ naghahanap sila ng mga babaeng virgin para gawing biktima. At ang mga kalalakihan at mga babaeng hindi na virgin ay pinapatay nila. Kayâ sabi ko nga kanina sa iyo, if you are virgin they will hunt you, and if you are not you will die. Because this is a virgin hunt.” Si Rector na ang sumagot sa kaniyang tanong na iyon.
Lalo siyang naguluhan sa sinabi nito. Hindi ba ang mga nilalang na iyon ang kalaban nila? Bakit ngayon ay ang grupo na ng virgin hunter na ito?
“Ang mga infected ng virus iha, ay siyang kalaban natin. Pareho natin silang kalaban kung kaya't doble ingat tayo, dahil hindi lang iisa ang kalaban natin kundi marami at libo-libo,” sagot naman ni Edward sa kaniyang tanong kanina.
Hindi niya maiwasan ang kabahan. Magiging ligtas pa kayâ sila nito?
“Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ni Rector kung ano ang antidote na pwedeng pampuksa sa virus na ito. At hindi ganoon kadali na mahanap ang antidote, kaya't tanggapin nating isa itong mahabang panahon ng pakikipagsapalaran,” puno ng kasiguraduhang wika ni Altro.
Lumingon siya kay Rector, nagtatanong ang paninging ipinukol niya rito.
“Kung hindi mo naitatanong Diserie. . . isang license scientist si Rector. Pero dahil sa kapansanan niyang artificial ang isa niyang kamay at ang isa niyang paa'y itinakwil siya sa mga kompanyang pinagta-trabahuhan niya. Pero kahit na ganyan ang pinsan ko ay may mabuti iyang puso at may kaluluwa pa naman.” Ngumiti sa kaniya si Fyran pagkatapos nito iyong sabihin.
“Shut your mouth, Fyran.” May pagbabanta sa tono ni Rector.
Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng ginhawa dahil sa kaalamang magpinsan sina Fyran at ang lalaki. At awa dahil sa pagkakaalam na minamaliit ito ng mga kompanyang pinagtrabahuhan at inaplayan. Kayâ ba hindi ito sa mga scientist na kompanya nagtatrabaho?
World is so unfair, and human is.
Napatayo silang lahat mula sa pagkakaupo nang marinig ang serena mula sa labas. Serena tulad noong araw na kung saan naghasik ng lagim ang mga infected.
“Humanda kayo, andyan na ang mga Sexteor.” Rinig niyang sabi ni Rector.
“Sexteor?” taka niyang tanong.
“Sexteor ang tawag ni Rector sa mga nilalang na infected ng sexteor virus. Ang pumatay sa mga pamilya namin, at kasama na rin ang mga virgin hunter,” sagot sa kaniya ni June.
“Sumama ka sa amin, Diserie. Lilipat na tayo ng lugar. Hindi na tayo ligtas rito.”
Hanggang kailan sila tatakbo at magtatago?