Chapter 13 TAHIMIK SILANG ANIM habang nakaupo sa loob ng sasakyan. Malalim ang iniisip at inaalala ang kasamahang nagsakripisyo para sa kanila. Hindi napigilan ni Maria ang mapahikbi. Ganoon na rin si Fyran. Kahit si Diserie ay napaiyak na rin dahil sa katapangang ipinakita ni Edward. Hindi niya aakalaing papatakasin sila nito at ang magpapain sa mga sexteors. Napatingin si Diserie kay Rector na tahimik sa isang tabi. Matapang ang awra nito pero ramdam niya ang pinagdadaanan nito. Kung ano ang nais isigaw ng puso nito. Hindi nakaligtas sa kaniyang paningin kanina ang pag-iyak ng lalaki dahil kay Edward Alam ni Diserie na sinisisi ng lalaki ang sarili sa pagkamatay ng kaibigan. Nakikita niya iyon dahil sa mga kamay nitong nakakamao. Gusto itong lapitan ni Diserie at pagsabihan. Ngunit

