Chapter 44 Kasalukuyan pa ring nagmamatyag sa kaniyang paligid si Juson habang karga-karga niya pa rin ang kaniyang anak na si Marco. Itinali niya ang tela sa kaniyang katawan saka niya roon inilagay si Marco. Iyon ang tanging paraan para hindi siya mahirapan na tumakbo o ang makipaglaban sa mga nilalang na humahabol sa kaniya. Ilang araw na rin siyang nakikipaghabulan at taguan sa mga nilalang, pero sadya talagang sobrang dami ng mgta ito kaya sa kung kahit saan siya pumunta ay wala siyang takas. Hindi na rin niya alam kung saan pupunta. Mukhang mawawalan na siya ng pag-asa. Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa mundo, tila pinagtutulungan siya para masiil. Pero gaya nga ng pangako niya sa sarili, at sa kaniyang asawang si Marga ay mabubuhay siya at ang kaniyang an

