Chapter 41 NAPAHINGA nang malalim si Juson habang nagtatago siya sa ilalim ng isang tulay. Kailangan niyang makatakas mula sa mga nilalang na iyon sa lalong madaling panahon. Tinapalan niya ng tela ang bunganga ni Marco para hindi ito maiyak. Kapag gagawa ito ng ingay ay siguradong matatagpuan sila ng mga nilalang. Hanggang sa mga oras na iyon ay7 hindi pa rin mawala sa kaniyang isip ang pagsasakripisyo ng kaniyang asawa para iligtas lamang silang dalawa ni Marco. Napakaduwag niyang lalaki, dapat siya ang gumawa ng bagay na iyon pero natalo siya ng kaniyang asawa. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, parang isang krimen ang ginawa niya na hindi niya maintindihan kung makatatakas pa ba siya. Yakap niya nang mahigpit si Marco, habang tahimik siyang umiiyak sa kawalan. Pakiramdam niya

