NAKATULOG si Juson sa pagbabantay sa kaniyang mag-ina. Inususig siya ng konsensya dahil na naman sa kaduwagan niya ay hindi niya nahanap si Mira. Sa pangalawang pagkakataon ay tumalikod na naman siya at piniling magpakaduwag. PEro sana ay hindi magalit sa kaniya ang asawa kapag malaman nito na hindi niya tinuloy nag paghahanap sa kanilang anak na si Mira. Hiindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kaniyang asawa mamaya, parang inuusig siya ng kaniyyang konsensya. Tahimik siyang umiyak sa isang tabi habang binabantayan niya ang pagkaluto ng noodles na niluto niya lang sa rice cooker na naroon. Isusunod niya ay ang kanin, para kung magising ang kaniyang asawa ay papakainin niya ito. Alam niya na mahina pa ang buong katawan nito dahil sa panganganak. Kung pwede lang na siya ang magbun

