Chapter 15 ABALA ang binatang lalaki sa kakatingin ng mga iba't ibang gamit sa isang silid na kaniyang napasukan. Noon pa man ay nasa dugo na nila amg pagiging scientist. Mula sa kaniyang lolo hanggang sa kaniyang papa. At mukhang siya ay susunod na ring susuot ng puting lab gown. Kung hindi lang siguro namatay ang mama niya sa aksidenteng sinasakyan nitong kotse ay hindi made-depressed ang Papa niya at mamatay rin ito. Kundi sana ay isa nang kilalang scientist ang Papa niya sa buong mundo. Lalong-lalo na at magaling itong mag-ekspiremento. Mula noong maulila siya sa mga magulang ay kinuha na siya ng kaniyang tito Moreno. Ito na lamang kasi ang natitira sa side ng Mama niya na walang pamilya at aarugain. Ang iba naman niyang katiyahan at katiyuhan sa side ng Papa niya ay may pamilya n

