Chapter 16 ISANG MALAKING BULALAKAW ang bumagsak sa lungsod ng Batanes; sa Lighthouse, hindi kalayuan sa bahay nila ng kaniyang Tito Moreno. Ngunit mabuti na lamang at hindi naapektuhan ang kanilang batong-bahay. Ngunit ang ilan ay naabot ng impact ng bulalakaw. Malalim ang iniisip ni Rector sa mga oras na iyon. Lalo na nang ibalita na sa telebisyon ang buong pangyayari. Hindi muna sila pinapalabas sa kanilang bahay hangga't hindi pa nasisiguro ng mga awtoridad ang kanilang seguridad at kaligtasan. Agad naman naibalita sa telebisyin ang pagparoon ng isang malaking bulalakaw sa Pilipinas. Ngunit hindi naman ito nabigyan ng report ng NASA kung kailan darating dahil maging ang mga ito ay hindi rin sigurado. Maging sa lugar kung ano ang babagsakan. Ayon pala ay ngayong araw at sa Bata

