Chapter 59 MABILIS na nakarating sa laboratory sila Evoon. Hindi nila alam kung ano ang ginagawa roon. Pero kailangan nilang magmadali sa lalong madaling panahon. Hindi dapat sila mag-aksaya ng panahon at baka maabutan sila ng baliw na scientist na si Logan. That was so dangerous, baka kung ano pa ang gawin nito sa kanilang lahat. Hindi alam kung ano na ang magagawa ni Evoon, abala siya sa paghahanap ng mga papel na maaring magbigay sa kanila ng hint na iyon ang gamot laban sa imbensyon ng kaniyang Kuya Logan. Tinulungan naman siya ng kaniyang mga kasama. Ang iba ay nagbantay sa sasakyan nila sa labas, ang iba ay siyang nagbabantay sa labas ng laboratory at sa corridor. Hindi nila alam kung kalian darating si Logan pero sana ay sumang-ayon sa kanila ang pagkak

