Chapter 58 Hindi natapos na turukan ni Logan ang lahat nang tumawag sa kaniya ang presidente. Kaya iniwan niya na muna nag mga tao sa kaniyang tauhan. Kinakailangan na magkita sila ng Presidente Marquez para pag-usapan ang naganap sa safe zone hall. Hindi niya alam kung paano iyon nakarating sa presidente pero duda siya na isa iyon sa mga tauhan na kasama niya. Kaya siguro nalaman ng presidente agad ang nangyari. Nagpipigil ng galit si Logan, kapag talaga maabutan nang buhay ng mga sundalo ang mga tumakas ay hindi niya papalampasin ang pagkakataon na unahin ang mga ito na turukan ng gamot. Gagawin niya agad ang mga ito na maging nilalang tulad ng iba. Mahigpit ang hawak niya sa kaniyang cellphone dahil sa mga pangyayari. Hindi niya alam kung ano na naman ang sermon na makuk

