Chapter 57 WALANG ma-isip na iba si Giria nang mga oras na iyon kundi ang gawin ang plano na tuklasin ang bagay na naroon sa third floor. Wala nang nasabi sa kaniya tungkol doon si Evoon, at alam niya na hindi na muna ito nagbubukas ng topiko tungkol doon dahil alam nito kung ano ang nangyari sa kanila ng kaniyang ama na si Juson. Sa kalagitnaan sila sa pagpila ng pagkain nang mapansin nila na may mga taong pumasok sa loob. Napakarami ng mga iyon at may pumasok na isang scientist. Napatingin sa kaniya si Evoon. Waring alam din nito kung ano ang iniisip niya sa mga oras na iyon. Kinabahan siya nab aka kung ano na naman ang pakulo na ipapakita sa kanila. Nakatingin silang lahat na nasa loob sa bagong dating. Napuno ng bulong-bulungan. Maging si Evoon ay hinawakan ang kaniyang

