Chapter 56 ABALA sa pagtingin ang presidente ng mga pangyayari sa labas ng kaniyang building na kinaroroonan. Hindi siya mapalagay dahil sa mga nakikita, hindi niya alam kung kailangan pa ba niyang pagkatiwalaan ang scientist na si Logan. He has been sitting in that chair while Logan is doing his move to build a new humanity. Isang tungga sa alak ang kaniyang ginawa. Hindi na siya makapaghintay na dumating ang araw na siya na ang maghahari sa mundo. Somehow, doing it, he felt guilty. Pero mas nangingibabaw ang pag-asam niya na maging makapangyarihan sa buong mundo. Ilang buwan na lang at malapit na iyong mangyari. Nakatayo ang apat niyang gwardya malapit sa pintuan ng kaniyang silid. Naghihintay sa susunod niyang utos, pero wala siyang maalala na gagawin sa araw na iyon. He was just

