Chapter 11 MALAKAS ANG SIMOY NG hangin. Nililipad ang ilang yero ng mga bahay at maging ang mga sanga ng punong-kahoy. Mga ilang mga basurang nagkalat sa daan, mga plastic, de lata at kung anu-ano pa. Dumagundong ang sunud-sunod na kulog sa buong kalangitan kasabay ng kidlat. Ang ingay ng ulan na pumapatak na pagkalakas-lakas. Sa hinuha ni Diserie ay may bagyo sa araw na ito. Hindi siya nakakinig ng balita kanina sa radyo kundi sana ay napaghandaan nila ang bagyong ito na dumating. Tahimik silang pito na naglalakad habang maingat ang bawat kilos. Kahit basang-sisiw na sila'y patuloy pa rin sila sa kanilang paglalakbay. Swerte nila kanina dahil walang kalaban na nakaabang sa kanilang paglabas ng mansyon. Nakita niyang kinumpas ni Rector ang kamay nito papasok ng isang building. Mad

