Chapter 21 MALALIM ANG INIISIP ni President Francis habang nanonood ng balita sa telebisyon. Malaki ang pasasalamat niya sa mga reporters dahil ibinubuwis ng mga ito ang sariling buhay para lamang makapaghatid ng balita sa kanilang mga tagapanood at tagapakinig. Nitong mga nakaraang araw ay hindi siya makapag-isip kung ano ang kaniyang gagawin. Kung paano niya ililigtas ang kaniyang mga mamamayan mula sa mga naghahanap ng mga virgin, kung saan tinatawag niyang Virgin Hunt, na ang grupong mga virgin hunter. At sa virus na itong kumakalat sa buong Pilipinas. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ka misteryoso ang virus na ito. Tanging si Moreno na nga lang ang makakatulong sa kanila. Wala na siyang maisip na hingian ng tulong kundi ang mismong may gawa ng virus. Muli niyang tinawag

