Chapter 22 ABALA SA PAGTINGIN si Rector sa dugo ng nilalang na apektado ng virus nang pumasok si Diserie sa loob ng silid. Gusto niyang kumustahin ang kaibigan. Halos hindi na kasi ito lumalabas ng ilang araw. Dinadalhan naman niya ito ng pagkain kapag tanghalian at hapunan. Pero hindi niya maiwasang mag-alala. Nakausap na rin niya kanina sina Maria, Fyran at June. Hinahanap na rin sa kaniya si Rector at sinabi naman niya sa mga ito ang ginagawa ng lalaki. Pareho ang hangad nilang sana ay mahanap nito ang gamot laban sa virus. “Rector?” tawag niya. Halata namang nagulat ito nang lumingon sa kaniya. Lumiwanag ang mukha nito nang makilala siya. Pinagpatuloy nito ang pagtingin sa microscope. “Ikaw pala, Diserie. What do you need?” Agad na tanong nito. Umiling siya tsaka nagtingin-t

