Chapter 19 SA LOOB NG DALAWANG araw ay walang tigil sa pag-eensayo sila Rector at Diserie. Si Diserie ay hindi maiwasan ang magpasalamat kay Rector. Tinuruan siya ng lalaki kung paano ang makipaglaban. Tinuruan siya nito kung paano ang tamang pagsuntok, kung paano ang tamang pagsipa at kung paano ang umiwas sa mga atake ng kalaban. Lahat ay itinuro sa kaniya ni Rector. Kasalukuyan sila ngayong naghahanda ng kanilang gagamitin sa paglabas ng hall na ito. Kailangan nilang iligtas ang mga tao na nasa labas. Ang mga taong nangangailangan ng tulong nila. Tama na ang dalawang araw na nagpahinga sila. Oras na para humarap sa totoong laban sa buhay. Isinuot ni Diserie ay ang mataas na boots na hanggang sa ilalim ng kaniyang tuhod. Naka-pantalon siya ng kulay itim na hapit na hapit sa kaniy

