Chapter 28 Hindi alam ni Giria ang gagawin sa mga oras na iyon. Para siyang nawawala sa srili, habang papasok sa kanilang campus. Umaga pa lang kasi ay nagising na siya para magluto ng kanyang baon saka ang mag-review para sa kanilang quiz mamaya sa literature subject. Kulang ang tulog niya kaya panay nag kaniyang hikab habang papasok ng kanilang classroom. Hindi naman siya ganoon ka-friendly sa kaniyang mga kaklase, tahimik lang naman kasi siya sa loob ng kanilang classroom. Nagsasalita lang siya kapag tinatawag siya ng kanilang guro o kaya ay kapag may pinapasagutan sa kaniyang sitwasyon. Nasa likuran siya sa sulok naka-upo parati. Tanging si Jean lamang ang kaniyang kaibigan sa loob at malakas ang loob na kausapin siya. Hindi naman niya kasi maiwasan ang ba

