Chapter 29 Hindi alam ni Giria kung anon a ang gagawin samga oras na iyon. Lahat sila ay tulero sa mga pangyayari. Kinakabahan sa maaring sumalubong sa kanila sa pagkakataon na iyon. Nagdadalawang-isip kung itutuloy pa ba nila ang paglabas ng sasakyan o kung mananatili na lamang sila roon sa loob para sa kanilang kaligtasan na apat. Lahat naman sila ay naduduwag na lumabas, kahit ano naman na tapang ang ipakita niya sa mga kasama ay nilalamon pa rin siya ng kaba at ng mga isipin kung paano sila mabubuhay hanggang sa matapos ang pangyayari na iyon, na walang kasigaraduhan ang kanilang kaligtasan. Napapikit siya nang mariin habang pinapakinggan ang mga kasama niya s aloob ng sasakyan na makipagbatuhan ng mga salita kung sino ang masusunod o ang hindi. Kapag mas lalo pa ang mga ito na m

