Chapter 48 TUWANG-tuwa si Evoon na kulitin si Mira. Nakikita niya kasi ditto ang kaniyang nakababatang kapatid. Makulit din iyon saka madaldal. Hindi nauubusan ng kwento at ng kakulitan sa buhay. Kaya naman ang malungkot niyang mundo noon ay napalitan ng pag-asa at ingay ang loob ng kanilang tahanan. Siya lang naman kasi noon nag nag-iisang anak ng kaniyang mga magulang. kaya naman ay hindi niya halos napapansin na may mga magulang pa siya dahil sa palaging abala ang mga ito sa kani-kanilang negosyo. Wala naman siyang karapatan na magreklamo dahil in the first place ay binibigay naman ng mga ito ang kaniyang kinakailangan sa buhay. Pagdating sa material na bagay at sa kung ano nag gusto niya. Pero hindi naman talaga iyon ang kaniyang pinakagusto. Hindi kalianman matutumba

