Chapter 47 ILANG beses nang napabuntong hininga si Giria habang nakatingin sa mga tao na abala sap ag-aayos ng kani-kanilang tent. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang pagbuntong-hininga. Pagkatapos niyang marinig nag kwento ni Jean ay na-realized niyang hindi lang pala siya nag-iisang tao na naghihirap at may problema sa pamilya. Hindi lang pala siya ang nalulungkot kundi may iba rin na mas malalim ang pinagdadaanan kaysa sa kaniya. Noon sinisisi niya ang mundo dahil siya lang ang walang mga magulang at kailangan na mabuhay sa kaniyang sariling mga paa, kailangan niyang maging malakas para makaahon sa kung anoman ang nararamdaman niya. Kinakailangan niyang tumayo sa sarili niyang lakas dahil wala man lang sa kaniyang dumaramay sa oras ng kaniyang kalung

