Chapter 46 NAKAHALUKIPKIP sa kawalan si Juson habang nagtitimpla siya ng gatas ng kaniyang anak na si Marco. Nakahanap na rin siya ng bahay na pwede nilang pagtaguan pansamantala. At maswerte siya dahil may mga pagkain sa loob ng ref. hindi na niya kailangan mamoroblema sa mga susunod na araw kung ano ang kakainin nila ni Marco. Pero kailangan niya pa ring maglagay ng petsa kung anong araw sila roon aalis. Hindi pwedeng manatili na lamang siya roon lalo na at nasa paligid lamang ang mga nilalang. Mas mabuti pa nga ang magpalipat-lipat siya ng mga pagtataguan, kaysa sa magpatago siya sa iisang bahay lang. kailangan niya pa rin mag-ingat lalo na at hindi niya alam kung anon a ang nangyayari sa labas. Wala man lamang siyang marinig na balita sa radio at walang mapanood sa tv.

