bc

The King Must Die

book_age18+
1.3K
FOLLOW
4.2K
READ
dark
possessive
dominant
submissive
abuse
mxm
seductive
like
intro-logo
Blurb

NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS!

Mahal kita, ngunit makasarili ako, Pyrus. Ako lang ang maaring hahawak sa balat mo. Ang mainit na bibig ko lang ang pwedeng susubo sa maugat mong pag-aari. Ang kaluluwa mo ay akin, sapagkat ang lahat ng sa iyo ay pag-aari ko magmula nang unang araw ng iyong pagtapak sa aking matayog na palasyo. Ako lang dapat ang magmamahal sa iyo. Kaya kung ano man ang nararamdaman mo para sa aliping iyon, iwaksi mo na siya ng tuluyan sa iyong puso, dahil ako.., si Prinsipe Trevor ang may-ari ng tadhana sa kahariang ito! Ako lang dapat ang para sa iyo."

chap-preview
Free preview
Prologue
Authors Note: Classic po ang time setting ng nobelang ito. So, huwag po sana kayong magtaka kung bakit may kalaliman ang tagalog na ginamit ka sa nobela. May mga idioms at figurative din sa ilang mga chapters, however maintindihan niyo pa rin naman kung ano ang nais kong iparating. Enjoy!! Kinasusuklaman ko ang bansang ito! Sino ang magnanais na manirahan sa isang kahariang inaanay? Wala! Simula nang namulat ako sa mundo at nagkaisip, nariyan na ang paghihirap at takot naming lahat. Kaming mga mamamayan ng Windsor ay bilanggo sa kahariang ito, waring mga walang buhay na manikang sunod-sunuran sa anino ng mga dugong bughaw, makawala lang sa hawla ng pang-aalipin, pang-aabuso at pag-alis sa aming karapatang pantao. Ang kaharian ng Windsor ay pinamumunuan ng makapangyarihang haring si Yuwan na kinatatakutan ng lahat. Kilala siya bilang malupit, masama, at walang pusong pinuno. Ang kanyang salita ay batas na hindi mo dapat kontrahin. Ano man ang sinabi ng hari, dapat susundin ng lahat. Ang sino mang sasalungat sa kamahalan ay may kaparusahang naghihintay. Kamatayan! Walang halaga sa bansang ito ang buhay ng isang tao. Kaming mga alipin ng kaharian ay namumuhay sa pamamagitan ng ngipin sa ngipin at dugo laban sa dugo. Ano mang pagkakamali ang magawa ng isang alipin o sinumang nasa nasasakupan ng palasyo, tiyak sa espada mapupugutan ng ulo. Lumipas ang maraming taon at sa wakas, naganap rin ang dinalangin naming lahat, ang kamatayan ni haring Yuwan. Namatay ang hari dahil sa atake sa puso. Kaming mga mamamayan ay tila mga paru-parung nakatingala sa kalangitan, humihiling na sana kasabay ng pagkamatay ng hari ay ang pagbabago rin ng sistemang monarkiya ng Windsor. Ngunit nadismaya ang lahat. Lalo na at ang tagapagmana ng trono ay walang iba kundi ang nag-iisang crown prince ng Windsor, si prinsipe Trevor. Si prinsipe Trevor na bago pa man isilang, ay nagiging banta na sa aming mga buhay. Ano pa ang aming aasahan, gayong halimaw rin ang dugong dumadaloy sa kaniya? Anim na taon ako noong pumasok ang prinsipe sa hanay ng mga kawal. Nagsanay siya hanggang sa natutong humawak ng iba't ibang uri ng sandatang pandigma. Sa edad na labinlima, naging Heneral siya ng isang batalyong hukbo ng kaharian at nangunguna sa pakikipagdigma upang sakupin ang mga karatig bayan. Nalupig at nasakop ang maraming lupain sa pangunguna ng batang Prinsipe. Sa edad na labing-walo, hindi ko na mabilang kung ilang kaharian na ang napatumba nito. Kilala si Trevor sa kaniyang katalinuhan at katusuhan lalong-lalo na kung paano ito mamuno at manguna sa digmaan. Kaya ganoon na lamang ang takot ng ibang mga hari sa karatig na mga kaharian na piniling makialyansa at isuko ang kanilang monarkiya sa ilalim ng kapangyarihan ng kahariang Windsor. Tila isang munting dahong itinangay ng hangin ang mga ala-ala ng namayapang haring Yuwan nang umupo sa trono ang prisipe. At sa pamumuno niya, domoble pa ang karangyaan ng Windsor. Domoble ang tayog ng mga tore ng palasyo at ang mga paril na bakod ng kaharian ay naging mas matibay at mas matatag pa. Ngunit sa likod ng karangyaang iyon, nagtatago ang mas dobleng takot naming lahat dahil ang bagong haring namumuno ngayon sa kaharian ng Windsor ay isang demonyo! Mas malupit at mas mabangis pa ito sa namayapang hari na pinanginginigan ng lahat. Ako, bilang isang simpleng mamamayan ng Windsor, ni minsan ay di ko pinangarap na makaharap o makasalamuha man lang ang bagong hari. Hindi ko pa siya nakikita kahit isang beses lang. Hanggang sa pagkakataong ito, misteryo pa din sa akin ang kanyang mukha. Pero wala akong pakialam sa halimaw na prinsipe. Wala rin akong balak pagtagpuin ang aming mga landas magpakailanman. Malaki ang galit at poot na aking kinkimkim para sa diktador na prinsipe magmula pa noong nasa ika-pitong taong gulang pa lamang ako. Dahil sa kanya, nawala sa akin ang lahat ng aking mga mahal sa buhay noong gabing ipinasunog niya ang bayang tinitirhan namin upang gawing tambakan ng basura ng palasyo. Dahil doon, nasawi ang aking ina. Saksi ang aking dalawang mata kung paano tumusok ang isang matulis na pana sa dibdib nito. Gusto kong ipaghiganti si ina, ngunit alam kong walang saysay iyon. Isa lamang akong maralita na kung ituring ay isang basahan lamang ng kaharian. At ang rebelyon sa kahariang ito ay tila isang panaginip lang lalo na't ang mga kawal na naglilingkod sa prinsipe ay nanatiling tapat sa kanya. Kamatayan! Iyan lamang ang aming daan upang makawala sa kahariang ito. Nakakatawa ngang isipin na sa kabila ng paghihirap na dinadanas namin ngayon, heto kami nanatiling namumuhay at pilit na nabubuhay sa bansang ito, tila mga takot na mamatay. Pinili ko sa tagong pook manirahan, sa liblib na lupain ng Windsor kasama ang aking matalik na kaibigang si Malik na tanging naging kaagapay ko sa buhay mula noong namatay ang aking ina dahil sa sunog na iyon. Subalit ang pagsisikap kong hindi magtagpo ang aming landas ng bagong hari ay gumuho nang ako ay paglaruan ng tadhana. Isang gabi, sa loob ng masukal na gubat ng Ekron, kung saan pilit kong iniligtas ang mga buhay naming dalawa ni Malik, pinagtagpo ang aming mga landas ng prinsipe. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, nagkahiwalay kaming dalawa ni Malik. Nang ako ay nagising, nabihag na ako ng hari, dinampot at iniuwi niya ako sa kaniyang palasyo. Hindi para patayin. Hindi para gawing alipin o kawal ng kaharian. Kundi upang kaniyang maging REYNA! 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
416.6K
bc

OSCAR

read
248.4K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

One Brat and the Three Bodyguards

read
23.8K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook