An: Hi. Dami po yatang silent reader nito. Click mo po yung VOTE or star bago mo basahin ha? Kahit offline ka pa click mo lang din. Salamat. Motivate me po through your comments or votes. "A-ano?" nabiglang tanong ko sa kanya. Gusto kong ulitin ng prinsipe ang huling sinabi niya sa akin. Baka kasi naalog lang ang utak ko at iba ang narinig ko mula sa kanya. Kung nasa ibang sitwasyon lamang ako at hindi ang prinsipe ang kaharap marahil ay maglupaypay ako sa sahig sa sobrang kakatawa. Anong klaseng kahibangang ito? "Makinig ka, Pyrus. Makipag iisang dibdib ka sa akin. Gusto kong mahalin mo ako. Ikaw ang napili kong maging reyna na uupo katabi ng aking trono." kaswal na sabi niya habang pilit ang ginagawang pagproseso nito sa utak ko. Pakiramdam ko ay niyurakan ng kamahalan ang pagkatao ko

