Chapter 11 An: Hi. Dami po yatang silent reader nito. Click mo po yung VOTE or star bago mo basahin ha? Kahit offline ka pa click mo lang din. Salamat. Motivate me po through your comments or votes. Unti-unting naglaho ang mga binatang kawal sa kanyang paningin nang tinatahak nila ang direksyon patungo sa right wing hanggang sa likurang bahagi ng palasyo kung saan matatagpuan ang quarters na nakalaan para lamang sa mga sundalo ng kaharian. Sa pagkakataong iyon ay unti-unting lumukob kay Pyrus ang matinding kalungkutan. Nahabag ang kanyang damdamin nang makita ang lalaking minahal na ngayon ay pinapahirapang lubos ng kahariang ito. Bagamat matikas at matatag siyang nakatayo sa gitna ng mabagsik na pagpatak ng niyebe ngunit alam ni Pyrus na hirap na hirap ito. Hindi sanay si Malik sa g

