CHAPTER 5 PYRUS Ang tunog ng mga yabag na nilikha ng matitibay na bota ang gumising ng aking walang malay na diwa. Pakiramdam ko'y mayroong mabigat na bakal ang nakadagan sa akin upang manghina ako ng husto. Ang bigat ng pakiramdam ko sinasabayan pa ng sobrang pananakit ng aking ulo. Sinubukan kong ikurap ng aking mga mata, hanggang sa dahan dahang nakayanan kong imulat ito. Sa aking pagdilat ay tumambad sa akin ang kulay puting kisame, isang tanong agad ang nasa isipan ko. Asan ako? Nahihirapan man ay pilit kong iginala ang aking paningin sa paligid at ganoon na lamang ang pangungunot ng noo ko nang malamang nasa ibang lugar ako. Kasalukuyan akong nakahiga sa ibabaw ng malambot na kama. Dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at awtomatikong napadaing ako at napapikit nang

