. Pandidiri. Pagkapoot . Galit. Tatlong magkahalong pakiramdam ang yumayapos sa ilalim ng dibdib ng binatang si Pyrus. Tila lantang gulay na nagpapaubaya sa prinsipeng walang pakundangan bumaboy sa kanya. Awang awa siya sa kanyang sarili. Hindi niya kailanman ninais ang bagay na ito. Hindi niya maintindihan kung bakit siya ang pinakamalas na lalaki sa buong kaharian upang danasin ang karumal dumal na pangyayaring ito. Isa lamang siyang hamak na alipin na saksi sa lahat ng mga karahasan nangyayari sa kaharian ito. Ngunit hindi niya lubos akalain na ang karahasang nakikita ng kanyang mga mata, at ang mga palahaw na naririnig niya sa kanyang tainga mula sa mga taong nagdurusa dahil sa kalapstangan ng prinsipe ay mararanasan niya mismo sa puntong ito. Pakiwari ng binata ay ito na ang pinaka

